Kabanata 17 - The brides bouquet

411 34 13
                                    

WARNING: Expect wrong typo ang grammatical error ahead. Still under editing.
               *************

NAKATIPON na ang lahat ng bisita na magiging saksi sa kasalang Dylan at Rhaime sa pinaka grand hall ng hotel kung saan gaganapin ang proposal wedding muna.

        Madilim sa buong kapaligiran na tanging maliliit na bumbilyang kulay dilaw lamang ang nagsisilbing liwanag ng kabuuan. Tahimik ang lahat na nakakubli  sa pinaka sulok na bahagi ng lugar at hinihintay ang pagpasok ni Rhaime sa bulwagan.

        Bumukas ang monitor kung saan makikita ang isang video clip na hinanda nila sa proposal ni Dylan kay Rhaime. Sa pagbubukas niyon ay tanda na naroroon na si Rhaime. Nakatayo na ito sa pinaka gitna ng bulwagan at naka tingin na sa malaking monitor na iyon.

        Hindi man nila halos lahat nakikita ang reaksiyon ng mukha nito ay nakatitiyak sila na walang mapaglagyan ang saya nito lalo na ng marinig na ng lahat ang isang mensahe na nagmumula kay Dylan.

        Masaya si Angel para sa kaibigang si Dylan na naging sandalan din niya sa napaka habang panahon. Mga panahong pareho silang may dalang kabiguan sanhi ng unang pag-ibig. Nakatitiyak siyang pagkatapos ng araw na ito ay marami nang magbabago sa kanila.

        Nararamdaman niya na maging ang kaibigan si Mond ay nalalapit na rin ang pagpasok sa seryosong relasyon kay Sansky. Maaari ngang wala pang malinaw sa dalawa pero alam at nararamdaman nila pare-preho ang pagkaseryoso naman nito para sa kaibigan ni Rhaime na si Sansky.

        Lumiwanag sa buong paligid matapos ang speech ni Dylan at alukin na si Rhaime ng kasal habang nakaluhod si Dylann. at tulad ng inaasahan ng lahat hindi man sumagot ng yes sa pagtatanong ni Dylan si Rhaime ay sapat na ang kanilang nasaksihan lahat nang marubdob na naghalikan ang dalawa ng tumayo sa pakakaluhod si Dylan..

        Ang ngiti sa labi ni Angel ay hindi nawala kahit pa nagpalakpakan na ang lahat ng tao sa paligid at tanging nakapag papuknat sa mga ito. Kaya nagpasya na silang lapitan ang mga ito.

        Inalalayan pa siya ni Aidem dahil mahaba ang gown na suot niya. Agad kumunot ang kaniyang noo dahil sa ginawa nitong gesture sa kaniya ngayon. Kanina niya pa napapansin ang pagiging madikit nito sa kaniya simula pa kanina noong nakaipon na sila rito sa bulwagan.

        'Anong nakain ng hinayupak na palaka na ito ngayon at ganito maka-alalay sa kaniya,' aniya sa kaniyang isipan. Pero wala siyang panahon komprontahin ito ngayon sapagkat sapat na ang kaninang umaga na pagka-badtrip niya dahil sa ginawa nito sa kaniya sa may labas ng Hotel.

        Iginala niya ang paningin at nagbabaka sakali na makita ang Yvest na iyon sa paligid. Nanggigil siya sa aura ng mukha nito na naka ngiti sa kaniya ng makita niya ito sa di kalayuan kasama ng ibang mga bisita. Iba ang dating sa kaniya ng ngiti nito, parang dimonyitang simple.     

        Inirapan niya muna ang babae bago nagpatuloy na sa pagpunta kina Rhaime at Dylan. Agad pinunasan naman ng kapatid na si Ysmillien ang mga luha ng kaibigang si Rhaime nang tuluyan na silang makalapit dito.

        "Stop crying na best," wika nito kay Rhaime. "Humuhulas na ang make up mo loka ka. Remember may kasal pa?" muling dagdag na wika nito pa.

        "Ayos lamang iyan, uso naman ang retoch," ani naman ni Angel na ikinatawa nilang halos magkakaibigan. "By the way sorry nga pala roon sa bar ng una tayo magkakilala. Idea ni Dylan ang pagselosin ka talaga," muling wika ni Angel.

        "Na epektibo naman. Kasi roon natauhan ang Vien ko," ani Dylan. Sabay hinalikan pa nito si Rhaime sa bandang gilid ng noo.

        "Ibig sabihin ang lahat ng ito ay nakaplano mga walanghiya kayo," wika ni Rhaime.

Angelzy, You're Mine Forever - Old Maid Series 3 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon