Kabanata 14 - Biglang pagbabago.

402 31 14
                                    

Warning: Expect wrong typo and grammatical error ahead.

NANG sabihn ni Yvest kay Aidem na nasa labas ng pintuan niya si Angel ay agad niya iyon pinuntahan. Sa pagbukas niya ng pinto ay nadatnan nga niya na nakasalampak ng upo ito habang nakasandal sa bandang gilid nang kaniyang pintuan.

Dahan-dahan ang ginawa niyang paglapit at pag-upo sa tapat nito mismo upang hindi ito magising. Pinagmasdan ni Aidem ang maamong mukha ni Angel. Bakas pa roon ang ang luha sanhi ng ginawa nitong pag-iyak.

Pero bakit naman ito iiyak para sa kaniya. Pinigilan niyang haplusin ng mga palad ang mukha nito at nakuntento na lamang na pinagmasdan itong natutulog. Nang maya-maya ay gumalaw si Angel upang bumago ng puwesto.

Pero kaasabay ng paggalaw nito ay ang pagmulat rin ng mga mata at agad nagtama ang paningin nila. Ngayon napatunayan ni Aidem na umiyak nga ang dalaga dahil maga ang mga talukap ng mata nito.

Hindi naman siya tanga para hindi malaman ang pagkakaiba ng pamamaga ng mata sanhi ng pag-iyak sa maga ng kagigising lang.

"Aidem," wika ni Angel. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" may pag-aalala sa boses nito.

Hindi sumagot si Aidem sa tanong ni Angel bagkus iba ang sinabi nito na nagpakirot ng puso niya nang dalaga.

"Ayusin mo ang sarili mo at ihahatid na kita pauwi," malamig na wika ni Aidem rito at tsaka tumayo buhat sa pagkakaupo.

Agad naman tumayo rin si Angel para mabilis na sundan ang binata na pumasok sa loob, pinigilan niya ito sa braso ng maabutan niya. Pero hindi naman lumingon ang binata sa kaniya at nanatili lang itong nakatalikod pa rin. Nasasaktan siya sa lamig ng trato nito sa kaniya simula pa kagabi mas higit lalong ngayon.

"Mag-usap muna tayo please," wika ni Angel. Nag-uumpisa na naman magtubig ang mata niya dahil sa nagbabadyang luha mula roon.

"May dapat pa ba tayong pag-usapan? Sapat nang lahat ng nakita ko kagabi. At kung paano mo akong ipahiya sa harap boyfriend mo na ulit," walang kagana-gana ang boses  na wika ni Aidem rito.

"Iyon nangyari kagabi, iyong nakita mo. Huwag mong bigyan ng ibang kahulugan iyon. Tsaka hindi ko pa siya boyfriend ult.

"Talaga ba?" pasarkastimong turan ni Aidem sa sinabi ni Angel. Ni wala siyang naramdaman kahit na kaunting tuwa sa sinabi nito ngayon dahil ang totoo, hindi niya na alam kung dapat pa ba niya paniwalaan ang sinasabi nito.

"Pasensiya na sa ginawa kong eksena at naputol ko ang matamis na pinagsasaluhan ninyo. Dont worry it will never happen again, Angel, kaya hindi mo kailangan sabihin sa akin kung kayo na ulit o hindi pa. Alam ko na kung saan lang ako talaga lulugar ngayon," muling wika pa rin ni Aidem.

"A-ano bang pinagsasabi mo Aidem? Huwag mo naman sabihin iyan," wika naman ni Angel.

Hinila ni Aidem ang brasong hawak pa ni Angel at tsaka ito nilingon at seryosong tiningnan ito sa mga mata. "Hintayin mo ako rito at magbibihis lang ako para maihatid na kita sa bahay mo."

Sinundan na lang nang tingin ni Angel ang papalayong binata na pumasok sa silid nito. Nanlulumo siyang napa-upo sa coach. Nasasaktan siya sa ikinikilos ni Aidem ngayon sa kanya nang bigla na lamang siyang matigilan at usigin ng sariling konsensiya.

'Nasasaktan ka? Eh, kumusta naman iyong nararamdaman ni Aidem? Nasaktan mo rin 'yon tao, kung tutuusin nang maraming beses na.' Pagkastigo ng isang bahagi ng isip niya sa kaniya.

Nasapo niya ang sariling mukha ng mga palad dahil sa bigat na nadarama. Dahil sa insidenti kagabi na nakita ni Aidem na hinalikan siya ni Erickson na pinayagan naman niya. Kung iyon ngang makita sila na magkasama ni Erickson ay masakit na para dito 'di ms lalo na nga ang makita nitong may kahalikan siya.

Angelzy, You're Mine Forever - Old Maid Series 3 (COMPLETED) Where stories live. Discover now