Kabanata 20 - Paghimok na bakasiyon

323 24 7
                                    

MABIGAT ang ulo na bumangon si Angel unti-unti. Sapo-sapo niya pa ang ulo ng umupo. Masakit iyon sa bandang sentido. Epekto ng nainom niyang alak kagabi.
Bahagya pa siyang natigilan ng maalala ang mga insidente kagabi sa pagitan nila ni Aidem. Ang pagbulusok ng mga ala-ala ng tuluyan na niyang pag-amin sa nararamdaman rito.
Huminga siya ng malalim. Mainam na rin iyon atleast kahit papaano ay gumaan na ang kaniyang pakiramdam. Sa pag-amin niyang iyon sa binata ay alam niyang magkakaroon na ng malaking pagbabago sa pagitan nilang dalawa talaga. At iyon ang pag-aaralan niyang matutunan na tanggapin.
Nilingon niya ang gilid na bahagi ng kaniyang kama kung saan alam niyang katabi niya ang binata ng tuluyan siyang nakatulog. Inaasahan na niya na sa kaniyang pagmulat ay hindi na ito magigisnan doon.
Sinadya niya ang magtulog-tulugan sa bisig nito ng yakapin siya nito. Pati ang pagbuhat nito sa kaniya para dalhin siya rito sa kaniyang silid ay alam niya. Maging ang yakapin ito para mapilitan siya nitong tabihan ay paraan din niya.
Ang lahat ng iyon ay sinadya niya sapagkat alam niya na wala na iyong kasunod pa. Hindi man naging malinaw ang simula ng naging relasyon nila na masasabi pa nga na walang label ay masakit pa rin iyon sa kaniya.
At totoo ang sinabi niya sa kaniyang yaya na mas triple ang sakit no'n sa kaniya kaysa sa naranasan niyang sakit ng iniwan nga siya ni Erickson noon.
Nagpasiya siya na bumangon na para asikasuhin na rin ang sarili. Kailangan na niyang sanayin talaga ang sarili mula ngayon na wala ng Aidem. May kailangan lang siyang asikasuhin na ilang importante sa lugar na ito at pagkatapos ay babalik na siya ng Manila.
May one week leave si Dylan para sa honeymoon nila ni Rhaime at habang wala ito siya muna ulit ang bahala sa lahat ng maiiwan na trabaho nito.

ISANG linggo ang mabilis na lumipas pagkatapos ng kasal ng kabigan. Habang abala siya sa harap ng Computer ay tinawag ang pansin niya ng kaibigan at Boss niya rin na si Dylan. Hindi man lang niya namalayan ang paglapit nito sa kaniyang lamesa.
"Hey, I have something to tell you. Go to my office now," saad ni Dylan sa kaniya na agad din tumalikod pagkasabi noon sa kaniya.
Napakunotnoo naman siya sapagkat nagtataka siya sa naging tono ng pagsasalita nito. Three day lang itong hindi pumasok at bumalik na nga sa trabaho. Hindi nito tinupad ang one week vacation pagkatapos ng kasal nito kay Rhaime.
Hindi naman na niya iyon inalam sapagkat wala siya sa mood alamin. Isa pa aminado siya sa kaniyang sarili na wala talaga siya sa mood magtrabaho pinipilit lang niya.
Dinampot niya muna ang notepad maging ang ballpen bago tuluyan tumayo para sumunod kay Dylan sa office nito. Tumayo siya sa harapang bahagi ng table nito at inihanda ang sarili sa pag-note nang mga sasabihin nito sa kaniya.
"Mag-file ka na ng vacation leave mo."
Natigilan si Angel sa narinig mula kay Dylan kaya dagling lumipat ang paningin niya rito, ngunit hindi siya nagpahalata.
"Bakit ko iyon gagawin?"
"Nakalimutan mo na ba ang pinag-usapan natin noon?"
Kaya napa-isip siya agad at pilit ibinabalik sa isipan ang mga napag-usapan nila ng kaibigan. kaya lamang sa rami hindi na niya alam kung ano ba doon ang tinutukoy nito?
"Minsan sinabi ko sa iyo na kapag maayos na ang lahat sa amin ni Rhaime ay ikaw naman ang magbakasyon."
"Ayoko, hindi ko iyan kailangan," walang ganang tugon niya kay Dylan.
"Kailangan mo, Angelzy. Time to rest for a while. Alam ko kung gaano ka naging katutok para maging matagumpay ang lahat ng plano mo para sa amin ni Rhaime. Oras naman na siguro para pagbigyan mo ang sarili mo. Isa pa, para maharap mo na rin ang mga personal things na dapat mong harapin like 'yun adoptation mo kay Shemay. Hindi ba ngayon ang schedule ng pagsundo mo sa kaniya?"
"Oh, shit! oo nga pala." aniya. Nawala na sa isipan niya iyon kung hindi pa sinabi iyon ni Dylan ngayon.
"See? Ganiyan ka kalutang for the past few days simula no'n pumasok ako. Isama pa natin 'yun mga panahong kahit abala ka sa pag-aasikaso ng kasal ko may pagkakataon na lutang ka. Paanong hindi kita mapapansin? Pati na rin ang sa inyo ni Aidemiel para maayos niyo na ang dapat niyo ayusin. Kailangan mo lang siguro ng mahabang oras para diyan. Kaya simula bukas huyag ka na munang pumasok."
"What?! bakit kasama ang pangit na palaka na iyon? Excuse me, sino ba iyon?" Nakaismid niyang turan sa kaibigan.
"We're bestfriend, Angel, remenber? Kaya kahit hindi ka nagsasabi sa akin ng mga kaganapan mo sa personal mong buhay lalo na ang sa inyo ni Aidem. I know because I feel it too."
Napayuko siya sa sinabi ni Dylan dahil totoo naman iyon. Ganoon siya kakilala nito.
"Walang dapat ayusin sa amin ni Aidem dahil ang simula namin ay isang walang kasiguraduhan." aniyang saad habang nakayuko.
"Paano mo iyan nasabi?"
"Hindi na maayos sa amin ang lahat. Ultimo pagiging magkaibigan namin ay wala na rin. Ayaw na niya nang kahit na ano'ng ugnayan sa akin."
Tumayo si Dylan buhat sa kinauupuang swivel chair at lumapit kay Angel sa harapan nito mismo. Kaya napilitan ang dalaga na magtaas ng paningin para tingnan ang kaibigan.
"Hindi ganyang Angelzy ang kilala ko. Ang kilala kong Angel iyong matapang, iyong hindi agad sumusuko sa kahit anong pagsubok sa buhay. Ang nangyayari sa inyo ni Aidem ngayon ay isang pagsubok sa kung ano ang mayroon kayo noon na inumpisahan ninyo maging ang ngayon. Kaya huwag ka basta-basta susuko."
Walang namutawing salita kay Angel pero sapat ang mga tingin niya kay Dylan para maiparating ang tunay na nilalaman ng kaniyang puso para sa kaibigan nila pareho na si Aidem. Nangilid rin ang mga luha sa kaniyang mata, pero hindi niya hinayaan bumagsak iyon sa harap ni Dylan kaya ilang beses siyang kumurap.
"Alam ko na mahal mo siya, matagal na. May hesitasyon ka lang na magmahal ulit. Walang masama at mas lalong walang mawawala sa iyo kung ilalaban mo ang nararamdaman mo sa kaniya. Kahit ilang babae pa ang ipakilala niya sa iyo na girlfriend. Huwag mo siyang susukuan hangat hindi mo nababalitaang ikakasal na siya rito."
Pumasok sa isipan niya ang kasal na nangyari sa kanila sa mansiyon ng mga ito. Ang pekeng kasal na iyon. Lihim tuloy siyang napahiling na sana totoo na lang iyon para kahit paano may laban siya sa hitad na Yvest na iyon.
"Huwag mong alalahanin ang mga trabaho mong maiiwan rito. I can manage everything habang wala ka. Basta sulitin mo ang bakasyon na ibibigay ko sa iyo at hindi ka babalik sa trabaho nang hindi maayos ang lahat sa inyong dalawa."
"Pero wala kang secretary na makakatulong mo rito?"
"Dont worry about that. Nag-usap na kami ni Rhaime sa bagay na iyan. May na-hire na kaming secretary sa agency niya na papalit sa iyo pansamantala." Nakangiti nitong turan kay Angel.
"Thank you Buds ha," aniya na lamang. Hindi na siya tumutol sa gusto nitong mangyari na magbakasiyon siya. Sapagkat kailangan naman niya talaga iyon ngayon.
"No worries, ano ka ba? Basta sulitin mo ha at tandaan mo iyong sinabi ko kanina."
Mapakla siyang ngumiti. Alam niyang malabo na maayos ang sa kanila ni Aidem pero hindi naman nangangahulugan na susuko na siya. Tama marahil si Dylan na hindi dapat siya sumuko hangat hindi naikakasal sa iba si Aidem.
"Oh, siya, iyon lang naman ang gusto kong sabihin sa iyo na magbakasiyon ka na."
"Sige babalik na ako sa puwesto ko and tatapusin ang dapat tapusin para kahit wala ako may mga list ka ng schedule mo na alam mo."
May ngiti sa labi na lumabas siya ng opisina ni Dylan. At nang makabalik sa kaniyang sariling puwesto ay agad siyang tumawag sa House of hope kung saan ang ampunan na nangangalaga kay Shemay para ipaalam na sa ibang araw na lamang niya susunduin ang bata.
Pero laking dismaya niya ng sabihin sa kaniya ng Madre superyora na wala na roon si Shemay at sinundo na nga raw ni Aidem sapakat hindi nga raw niya ito masusundo.
Agad niyang tinapos ang tawag ng malaman iyon ngunit hindi siya nagpahalata sa kausap na madre na wala siyang alam sa ginawa ni Aidem. Ni wala nga siya nitong permiso na sunduin si Shemay.
Nanggigil siya s kaalamang nalaman. Ano'ng gustong mangyari ni Aidem at bakit nito kinuha si Shemay ng wala niyang pahintulot. Ni wala nga silang komunikasiyon nito ng haos isang linggo. Pagkatapos ay malalaman niya na ang ganito.
Hindi niya palalagpasin ang pangyayaring ito. Kailangan niyang alamin ang dahilan nito kung bakit nito kinuha si Shemay basta-basta. Kaya wala siyang sinayang na sandali at agad tinawagan ang binata.
Halos gusto niyang ihagis ang sariling cellphone sa inis nang hindi nito iyon sinasagot. Basta ring lang nang ring. Kaya nag-text na lamang siya.
Saan mo dadalhin si Shemay? Para susunduin ko na lang siya diyan after office hour.
At ang walanghiya ang bilis nag-reply. Pero noong tumatawag siya hindi sinasagot.
Dont worry about Shemay. She's okay. Dadalhin ko siya kina Lolo at Lola niya.
Napakunotnoo siya ng mabasa ang reply nito. Sino'ng Lolo At Lola ang sinasabi nito. Nahulog pa tuloy siya sa malalim na pag-iisip.
"Bwiset na Aidem iyon at pinagulo ang tahimik na isipan ko. Humanda ka talaga sa akin pag nagkita tayo. Hindi ko mapalalagpas ang ginawa mong pagkuha kay Shemay nang basta-basta na lang." mahinang aniya.

****Rhaine22****


AUTHORS NOTE: Hello, Im back And Im so, sorry mga bhelabz ngayon lang ako nabuhay, Yes po, buhay pa naman ako. Sa 2023 ulit next update 😂 oh kaya pag may sapi ako ng kasipagan. Sorry always bitin.

Angelzy, You're Mine Forever - Old Maid Series 3 (COMPLETED) Where stories live. Discover now