Kabanata 22 - Nais ni Aidem

388 34 13
                                    

I dedicated this chapter sa inyong mga naghihintay. Enjoy reading.
                 ************

IPINAGBUKAS ni Aidem si Angel ng pintuan para paunahin itong papasukin sa loob kung saan niya plano kausapin ang dalaga.
    Hindi naman nagtangkang pumasok si Angel. Bagkus ay tinarayan niya ang binata habang nakataas ang kanang kilay at naka pameywang rito.
    "Bakit diyan tayo mag-uusap?" na ang tinutukoy ay ang silid ng binata.
    "We need to talk in private so, rito tayo sa room ko mag-uusap."
    "Pero bakit riyan pa? Ayoko riyan!" Akma na sana nitong tatalikuran si Aidem para iwanan pero mabilis siyang napigilan nito sa mga braso at sapilitan ipinasok sa loob.
    Agad isinara ni Aidem ang pintuan at isinalya ang dalaga mula roon. inilapit ng husto ang mga mukha sa dalaga at bahagya nitong inilapat ang sariling katawan sa katawan naman ng dalaga para hindi ito makakilos masiyado.
    Gustuhin man ni Angel na pumalag ay hindi niya magawa sapagkat hawak ni Aidem ang kaniyang mga kamay paikot sa kaniyang likuran. Kaya para itong nakayakap sa kaniya. Tiningnan niya ito sa mata.
    "Ano ba, Palaka?! Bitiwan mo nga ako. Bakit kailangan gantuhin mo pa  ako paliwanag lang naman ang hinihingi ko sa iyo? At bakit dito pa sa silid mo?" aniya rito.
    Lumipat ang labi ni Aidem sa tapat ng tainga ni Angel. "This is the private place, I'm talking about," mahinang anas nito sa dalaga.
    Tila naman bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa buong katawan niya dahil sa init na hatid ng hininga ng binata. Napapikit pa siya para mas damahin pa iyon.
    Kung siya ang tatanungin tila gusto na niyang dukwangin ang labi ng binata para halikan. Gusto niyang iisang tabi na muna ang inis dito at ang pairalin ay ang pagkasabik at pagiging marupok niya rito at bahala na ang kasunod.
    Sobrang na-miss niya ang binata kahit pa sabihin na naiinis siya rito. At wala siyang pakialam kesyo may Yvest na ito ngayon. Tutal naman ay nasabi na niya sa binata ang totoong nararamdaman niya at kasal nga pala sila kahit kunwariaan lang.
    Naramdaman niya ang pagluwag ng pagkakakapit ng mga kamay nito sa kaninyang mga kamay mula sa likuran. "I have something to tell you too, maliban sa paliwanag na hinihingi mo." Bigla siyang napadilat at sa pagkakataon na ito ay seryoso at diretso na itong nakatingin sa kaniyang mga mata.
    Tila bigla siyang napahiya sa kaniyang naramdaman dito. Samantalang ito ay ni hindi niya nakitaaan ng kahit na anong pagkasabik sa kaniya.
    Tuluyan nitong pinakawalan siya at bahagya na rin itong lumayo sa kaniyang katawan.
    "Ang totoo ay sinadya kong kunin si Shemay roon. Dahil sa ipagagawa na hihingin ko sa iyo at may dahilan ako kung bakit ko siya kinuha roon. Sorry kung pinangunahan ko na ang desisyon mo."
    "Pabor? Ano'ng pabor naman iyan at bakit kailangan isama mo si Shemay?" tanong na niya sa binata na nakapagpabalik ng inis niya rito.
    "Hindi ba kaya tayo kunwaring nagpakasal dahil may sakit si Mommy. At maliban sa nais niyang makitang magka-asawa ako ay nais rin niyang mabigyan ko siya ng apo. Si Shemay ang katuparan no'n para sa gusto ni Mommy since alam niya nga na mag-asawa tayo at legally adopted mo na si Shemay."
   "So, ano nga ang gusto mong mangyari? Diretsahin mo na kasi ang dami mo pang pasikot-sikot, eh!" Naiinis na siya talaga rito.             
    "Me and Yvest is planning to get married, as soon as possible. So, gusto ko sana na tulungan mo siya sa pag-aasikaso ng kasal namin. katulad sa kung paano mo tinulungan si Dylan sa kasal niya kay Rhaime."
    Tila siya nabingi sa sinabi nito kaya hindi agad nakasagot. kung hindi pa ito muling nagsalita.
    "Hindi ka puweding tumangi dahil nasa akin si Shemay at hindi ko siya ibibigay sa iyo hanggat hindi pa kami naikakasal ni Yvest. Makukuha mo lang siya pagkatapos namin maikasal and Shemay is all yours."
    "Biro ba ito, Aidemiel? Sabihin mong biro lang ang gusto mong ipagawa sa akin. Dahil hindi nakakatuwa, alam mo ba iyon?"
    Umaasa kasi siya deep inside na nagbibiro lang ito. Hindi maaari. Kanina iniisip pa lang niya na ilalaban niya ang pagmamahal dito dahil tama ang kabigan si Dylan, na hangat hindi pa ito nag-aasawa may pag-asa pang ilaban ang nararamdaman niya. Pero shit! Ano'ng pinagsasabi nito sa kaniya ngayon. Napaisip tuloy siya na baka buntis na aang hitad na iyon kaya ganoon na lang ka atat ang Palakang ito.
     "Hindi ako nagbibiro. Mukha ba akong nagbibiro?" saad ni Aidem.
    Pakiramdam niya ay biglang nanlambot ang tuhod niya sa sagot nito sa kaniya. Kaya, dahan-dahan siyang naglakad sa kama ng binata para maupo mula sa gilid noon.
    "This is not fair, you know? Huwag mong gamitin si Shemay sa kalokohan mo. Isasama ko na si Shemay pag-alis ko rito at hindi mo ako mapipigilan."
    "Kapag ginawa mo iyan, ilalagay mo sa alanganin ang bumubuting kalusugan ni Mommy. You know she's sick," ani Aidem.
    "At bakit? Sa gagawin mong pagpapakasal kay Yvest sa tingin mo ba hindi mo rin ilalagay sa alanganin ang kalusugan ng Mommy mo? Baka nakakalimutan mo na alam ng Parents mo na mag-asawa tayo. So,paano mo ipalilliwanag sa kaniya ang gagawin mong pagpapakasal kay Yvest?"
    "That's my problem at ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanila sa bagay na iyan sa pagigiging peke ng kasal natin, pero hindi pa ngayon. Alam ko na maiintindihan ako ni Mommy kung bakit natin siya pinaniwala sa pekeng kasal natin. Kaya pumayag ka na."
    "Look Aidem, Hindi ako wedding planner, okay. Bakit hindi kayo mag-hire ng personal na mag-aasikaso ng kasal mo? Busy ako sa office lalo at nasa honeymoon stage si Dylan at Rhaime," aniya sa binata.
    Pilit lang niya ipinapakita kay Aidem na naiinis siya pero ang totoo tila pinipiga ang puso niya sa kaalamang plano na nitong magpakasal. At ang walanghiya siya pa talaga ang gustong mag-asikaso.
    "Angel, saksi ako sa kung paano naging successfull ang plano mong kasal kay Dylan noon ng hindi nakahalata si Rhaime. So, kaya mo rin iyan gawin sa amin ni Yvest. Kung kinakailangan na palabasin mo kay Mommy na tayo ang ikakasal sa simbahan do it. Wala naman nang magagawa iyon kung sa araw ng kasal ko ay si Yvest ang makita niya at hindi ikaw."
    Hindi na napigilan ni Angel ang ilabas ang sama ng loob sa binata. Kanina pa nito sinasaktan ang kalooban niya kaya bigla siyang tumayo para sampalin ito. At hindi naman inaasahan ng binata iyon mula sa kaniya kaya hindi agad ito nakahuma.
    "Ganyan ka na ba ka manhid ngayon kaya ganoon na lang kung ipagawa mo sa akin iyan?" matigas na turan niya sa binata. "Nagtapat ako ng totoo kong nararamdaman sa iyo noong huli tayong magkita, baka nakalilimutan mo? Narito pa 'yon sakit ng rejection mo sa akin, Aidem." Sabay turo nito sa kaniyang puso. "Tapos, ako pa ang gusto mo'ng pag-aasikasuhin ng kasal mo. Ganiyan ka na ba kawalang respeto sa nararamdaman ko talaga sa iyo?"
    "Look, Angel, huwag na natin ibalik ang bagay na tapos na. Sapat ng nasabi mo sa akin iyan before and I'm so, sorry kung wala na akong nararamdaman sa iyo. I know madali ka lang makaka-move on sa feeling mo na iyan sa akin lalo at nariyan na ulit si Erickson. Magiging masaya ka na ulit sa piling niya. I know."
    "Kahit na kailan ay hindi na magiging parte pa ng buhay ko si Erickson at alam niya iyan. Kaya huwag mong ipilit ang hindi na dapat."
    "Okay, sinabi mo eh." Pabaliwalang saad lang nito sa kaniya. "Pero kailangan mo pa rin gawin ang gusto kong gawin mo kung gusto mong ibalik ko si Shemay."
    "Hindi nga ako puwedi. Bakit ba ipinipilit mo? Isa pa, marami akong trabaho na natambak sa opisina," gigil niyang saad rito.
    "Nakausap ko si Dylan at epektibo ang vaccation lieve mo starting tomorow. Kaya walang dahilan talaga para tanggihan mo ako. Kapag natapos mong asikasuhin ang lahat at everything is okay after my wedding, Shemay is all yours."
    Tiningnan niya ito ng masama at kung nakamamatay lang ang sama ng tingin malamang kanina pa ito bumulagta.
    "You, asshole!"
    Tinawanan lang siya ni Aidem ng nakaloloko bago ito muling nagsalita.
    "Kailangan mong isama si Yvest sa mga lakad mo higit lalo kapag may kinalaman sa kasal at kailangan ang presensiya niya. Pinaubaya ko na ang lahat ng details kay Yvest at siya na ang bahalang masunod sa lahat ng gusto niyang klase ng wedding. Kung ano ang gusto niya I will go for it. Do it with in two months," saad ni Aidem sa kaniya.
    "Bakit two months pa? Kahit one month lang puwedi na iyon, tutal mukhang nagmamadali ka naman, eh," aniya sa binata.
    "Hindi ba masiyado naman mabilis iyon? Magagawa mo ba nang maayos ang mga plano sa ganoon lang kaikling panahon?"
    "Walang imposible kapag pera ang pinagana. Alam kong marami ka niyan kaya ihanda mo na ang milyones mo para sa lahat ng gastos."
    "Oh, well, may tama ka naman riyan. Pero sa tingin ko naman gusto mo ang ganoon kabilis para makuha mo na rin agad si Shemay."
    "Oo, isa na rin talaga iyon sa gusto ko kaya dapat mabilis lang ang lahat. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito Palaka, na kailangan mo pa akong gamitin pati si Shemay sa mga kagustuhan mo. Isa kang walanghiya talaga. I hate you!"
    Tinabig niya ang binata para lumabas na ng silid na iyon. Wala ng dahilan pa para manatili siya sa silid ng binata. Isa pa kanina niya pa pinipigilan ang umiyak sa harap nito.   

Author's note:
     Thank you for reading and voting this chapter too.
 

                  ANNOUNCEMENT

     Nais kong ipabatid na ang mga natitirang kabanata at special chapter nito ay sa book copy na ninyo po mababasa under TDP PUBLISHING HOUSE katulad ng mga naunang series. 
      Nawa'y suportahan po ninyo ang book version ni Angel at Aidem na ipa-published soon ng TDP.
       Muli, maraming pong salamat sa lahat ng nagbasa ng kwento nila rito.
     

                     Rhaime22

Angelzy, You're Mine Forever - Old Maid Series 3 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon