Kabanata 25 - Words, so much hurt.

283 24 16
                                    

      "The wait is over mga bhebe ko. dedicated to all of you this chapter" Un edited chapter.

NANUNUOT ang lamig sa kaniyang katawan. Iyon ang dahilan kung bakit pinilit ni Angel na idilat ang mga mata. Nakadapa pa ang posisyon niya. Kahit naman nalasing siya kagabi alam niyang may nakaniig siya. Pero wala siyang nakitang katabi sa bahagi na iyon kaya naman ipinaling niya ang ulo sa kabilang side.

    Sa kaniyang pagpaling ay ikinagulat niya ang kaniyang nakita na ngay on ay nakatanghod sa kaniya. Nakaupo ito at nakasandal sa wall ng silid na iyon. Sapat na layo mula sa kamang kaniyang kinahihigaan. Napaka seryoso ng mukha nito habang magkasalikop ang dalawang kamay pa-ekis sa baywang nito.

    Bunsod nang pagkagulat ay agad siyang napabalikwas ng bangon, at noon niya lang napansin na walang kumot na nakatakip sa kaniyang buong hubad na katawan. Agad niyang iginala ang paningin sa kabuuan ng kama pero wala talagang kumot na maaari niyang ipangtakip sana sa kaniyang kahubaran.

    Kaya naman pala ang lamig ng pakiramdam niya tapos ang lakas pa nang buga ng aircon. Ultimo unan wala rin siyang nakita kaya muli siyang napatingin dito. Ni hindi man lang siya pinag-abalahan nitong kumutan. Hindi na siya magtataka kung mamaya or bukas may sipon na siya. 

    Mabilis na dumaloy sa kaniyang isipan ang nangyari kagabi habang nakatingin din sa binata. Bigla siyang nalito.

    Teka paanong nakapasok ang Palakang ito rito? Agad nanglaki ang kaniyang mga mata nang maisip na baka ito nga ang kaniyang kaniig Kagabi. Pero teka lang ulit, paanong nangyari iyon? Muli niyang nalilitong tanong sa isipan. Alam niyang iba ang kasama niyang pumasok dito.

    Magsasalita pa lang sana siya para kompirmahin ang nasa isipan pero mabilis nang lumapit sa kaniya ang binata at hinawakan ng mariin ang kaniyang kaliwang braso. Mariin iyon at dama niya ang sakit.

    "Wala ka na ba talagang pagpapahalaga sa sarili mo ha?! Akala ko nagbago ka na eh, pero hindi pa rin pala! Ganoon-ganoon na lang ba ulit kung ibigay mo ang katawan mo sa kung sino-sino?" gigil na saad ni Aidem sa dalaga.

    Ikinagulat niya ang sinabi nito. So, ibig sabihin hindi talaga si Aidem ang kaniig niya kagabi. Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip niya para isipin na ito ang kaniig niya.

    Dahil nasasaktan sa klase ng pagkakahawak nito sa kaniya ay iwinagwag niya ang braso para mabitawan ng binata. Pero hindi pa rin ito binitawan ni Aidem bagkus lalong hinigpitan pa ang kapit dito.

    "Nasasaktan ako ano ba?!" singhal niya sa binata nang hindi na makatiis.

    "Wala ka nang ipinagkaiba sa mga kaladkarin babae riyan sa tabi-tabi sa pinaggagawa mo. Alam mo ba iyon, ha? Ano masarap ba? Nag-enjoy ka ba sa ginawa niya sa iyo? O baka hindi mo na matandaan kung ano mga pinagagawa ninyo dahil wala ka na kasing pakiaalam! Look at your self. Ilang lalaki na ba ang nakaulayaw mo ulit?" Hinagod pa ni Aidem ang kabuuan nang kahubaran ng dalaga at tila nang-uuyam ang pagkakatingin niyon sa kaniya.

    Nasaktan naman si Angel sa mga salitang iyon ng binata, maging ang klase ng ginawa nitong pagkakatingin sa kaniya na animo nangdidire, kaya malakas niyang sinampal ito.

    Hindi niya lang lubos maisip na sa bibig ni Aidem niya maririnig ang mga salitang iyon at aaminin niyang masakit ang in fact niyon sa kaniya lalo at mahal na mahal niya ito.

    Hindi naman natinag si Aidem sa pagkakasampal niya pero nakita niyang agad namula ang pisngi nito dahil sa ginawa niya. Pero wala na siyang pakialam doon kagaya nang wala na rin siyang pakialam na nakahantad ang hubad na katawan sa paningin nito. Nakita naman na rin nito iyon lahat sa kaniya, kaya bakit siya mahihiya pa rito?

Angelzy, You're Mine Forever - Old Maid Series 3 (COMPLETED) Where stories live. Discover now