Kabanata 27 - Bonding moment

255 18 16
                                    

Patient is a virtue. Thank you everyone.

                  ***********'

WALANG humpay na pagtunog nang kung anong bagay na maingay na iyon na nagmumula sa kung saan ang nagpagising ng inaantok na diwa pa ni Angelzy. Pinanatili niya lang ang mga mata na nakapikit at hindi iyon pinansin.
    Hihintayin na lamang niya iyon na kusang huminto sa pag-iingay. Maya-maya'y ang unan na gamit niya ay kaniyang itinabon sa kaniyang buong mukha upang sa gayon ay maibsan niyon kahit paano ang lakas ng ingay na naririnig niya mula sa tumutunog na iyon.
    Pinilit niyang baliwalain ang ingay sapagkat tila ayaw makisama ng kaniyang sistema sapagkat antok na antok pa siyang talaga.
    Pakiramdam din niya ay bugbog na bugbog ang kaniyang katawan. Paano naman kasing hindi ganoon ang kaniyang mararamdaman, halos isang buwan lang niya inasikaso ang kasal ni Aidem at Yvest. Talagang minadali ng binata ang lahat ng dapat asikasuhin. Madali iyon para dito, hindi na siya magtataka lalo at kapag pera ang pinapagana sa bawat transaction.
    Walang pinalagpas ang mga ito sa bawat detalye ng kasal na hindi siya kasama. Kung minsan nga kahit sa pinaka simple or maliit na bagay lang ng tungkol sa kasal dapat kasama siya pero hindi naman siya ang nag-asikaso kung hindi ang mga ito naman talaga. May pagkakataon pa na para siyang chaperon na naka buntot lang.
    Pakiramdam pa nga niya ay sadyang gusto lang talaga siyang pasakitan ng binata at hantaran lang ipakita sa kaniya ang paglalamnbingan ng mga ito sa harapan niya.
    Ang lahat ng iyon ay tiniis niya at sa dalas nga ng palagiang kasama siya natutunan niya ang maging manhid sa nakikita sa paligid na may kinalaman sa kasal ng mga ito higit lalo kay Aidem.
    Nagawa naman niya iyon kahit sobrang sakit sa kabila ng lahat at talagang sobra siyang naapektuhan sa mga nangyayari.  Sa kabilang banda, lihim niyang binati ang sarili dahil doon at finally natapos rin ang preperasiyon. Tapos na ang para sa kaniya ay bangungot na araw-araw niyang nasasaksihan. Ikakasal na ang dalawa, isang linggo mula ngayon.
    Nayayamot na tinanggal niya ang takbong na unan sa kaniyang ulo at pabalikwas na bumangon paupo sapagkat ang ingay na iyon ay hindi humihinto at naiirita na siya.
    Tsaka pa lang na-recognize sa kaniyang utak   na walang humpay na busina ng sasakyan ang maingay na iyon na sinasabayan pa nang walang humpay na pagtunog din ng doorbell sa kaniyang main gate.
    Sa kabila ng pagkayamot na nadarama dahil sa nasirang tulog ay tumayo siya nang tuluyan at tinungo ang bintana ng kaniyang silid kung saan matatanaw mula roon ang labas ng kaniyang gate.
    Maliwanag na sa labas at bahagya na ang sikat ng araw. Naningkit ang kaniyang mata ng makita ang sasakyan na iyon na kilalang-kilala niya kung kaninong pag-aari.
    Ang paniningkit ng mata ay napalitan ng panglalaki ng makita naman ang salarin na nasa kaniyang gate mismo at walang tigil na pinipindot ang doorbell. Tila enjoy na enjoy pa nga ito sa ginagawa dahil tumatawa pa. Akala mo nakakita ng instant laruan ang cute na batang iyon.
    Ang kaninang antok na nadarama ay biglang naglahong parang bula. Isang pagkasabik na pakiramdam ang umatake sa kaniya bigla para mabilis siyang kumilos   at puntahan na ito agad.
    Dali-dali niyang binuksan ang maliit na gate niya na daanan ng tao at sabik na sabik na niyakap si Shemay. Mahigpit din ang isinukling yakap nito sa kaniya.
    Hindi niya inaasahan na makikita ito ngayon. Nabangit kasi ni Aidem sa kaniya na isinama ito sa bakasiyon sa Bagio ng dalawang matanda na parents ng binata habang abala sila sa oag-aasikaso ng kasal nito.
    "Kumusta na ang baby ko," masiglang aniya kay Shemay, matapos kumalas sa pagkakayakap rito.
    "Ayos naman po Mama Angelzy, nag-enjoy po ako na kasama sila Lolo at Lola sa bakasiyon. Ang dami po namin pinasyalan doon. Ang saya po, at the best ang moment sa pamimitas ng strawberry sa starwberry farm po nila. Ang totoo po niyan pinasalubongan ko po kayo," maliksing sagot naman nito sa kaniya.
    Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis dahil talagang naalala siya nitong pasalubungan. "Kailan kayo dumating?" tanong niya kay Shemay sapagkat walang nabanggit si Aidemiell sa kaniya na dumating na pala ang mga ito buhat sa bakasiyon.
    "Noong isang araw pa sila dumating nila Mama," saad ni Aidem na hindi niya namalayan na nakalapit na rin sa kanila.
    Tiningnan niya lang ito ng makahulugan tingin at muling ipinaling ang paningin sa bata.
    "I miss you, baby. Na miss mo rin ba ako?"
    "Siyempre naman po. Kaya nga po noong sinabi ni Papa Aidemiell na may pupuntahan daw po kami ngayon at sa totoo lang hindi ko po inaasahan na rito po iyon sa bahay mo. Kung alam ko lang sana pala dinala ko na po iyong pasalubong ko sa inyo na maraming strawberry."
    "Kaya ba sa sobrang excite mo halos masira mo na iyang doorbell ko sa kapipindot mong bata ka?" nangingiti niyang tanong sa bata.
    "Eh' paano naman po kasi ang tagal ninyong lumabas. Tama nga po ng hinala si Papa Aidemiel na baka natutulog ka pa kaya kailangan daw maging maingay kami para magising ka, at nagising ka naman po talaga."
   Sa narinig, muli siyang bumaling sa binata. "Paano mo naman nasabi na natutulog pa ako, hindi ba pweding may ginagawa lang ako sa loob na hindi maiwan? At talagang inudyukan mo pa na maging maingay." Panenermon niya sa binata. "Hindi mo man lang naisip na hindi lang ako ang mabubulahaw ninyo kung hindi pati ang mga kapit-bahay kong mga nanahimik."
    Nagkibit-balikat lang ito sa sinabi niya at walang naging sagot.
    "Ay naku imposible po iyang sinasabi ninyo," wika ni Shemay, kaya muling nalipat ang paningin niya sa bata.
    "Bakit naman?"
     "Eh, nakapantulog pa nga po kayo, oh. Hindi po ba pantulog po iyang ganiyang suot?"
    Sa sinabi ni Shemay, noon lang niya napagtuunan ng pansin ang kaniyang suot. Isa iyong manipis na manipis at maikli na nighties na lumagpas lang ng bahagya sa kaniyang pang-ibababang bahagi. Na sa kaunting tuwad lang makikita na na ang underware niyang suot.
    Hindi na nga niya nagawang magpatong ng robe pala kanina dahil agad nga siyang nagtungo na rito. Ang suot pa naman niya ay kulay puti na aminado siyang bumabakat ang hubog ng kaniyang dibdib partikular na sa kaniyang ut*ng.
    Pasimple siyang tumingin sa binata na hindi naman inaalis ang paningin sa kaniyang mukha.
    'Hmmp kunwari pa itong sa kaniyang mukha nakatingin panigurado naman na humagod na ang mata nito sa kaniyang katawan lalo na siguro noong hindi siya nakatingin dito.'
    "Tama, nakapantulog pa nga si Mama Angelzy mo kaya ang mabuti pa siguro ay ayain mo na siya sa loob nang sa gayon ay makapagpalit na rin siya ng suot at ikaw na ang magsabi sa kaniya ng pakay natin," turan naman ng binata''.
    "Ay, opo pala! Halika na po sa loob para makapagpalit na po kayo ng damit kasi po aalis po tayo nila Papa Aidemiell.
    "Huh!? May pagtataka niyang baling sa bata.
    "Tara na po sa loob." Kulit nito.
    Bago siya tuluyang nagpahila kay Shemay ay bumaling siya muli sa binata ng tingin.
    "Pumasok ka na rin muna."
    "Huwag na. Dito ko na lang kayo hihintayin. Isa pa para bilisan mo rin ang kilos.
    Napasimangot siya sa narinig. 'Bwiset na ito talaga,' aniya sa isipan. Iyong nagmagandang loob ka na nga tinanggihan ka pa ng magaling na animal kaya naman hindi niya napigilan na irapan ito.
    Pagkapasok nila sa loob ni Shemay ay pinaupo niya ito sa sala tsaka muling hinarap ang bata.
    "Nasabi ba ni Papa Aidemiel mo kung saan tayo pupunta, baby?" tanong niya.
    "Sinabi lang po niya na magba-bonding daw po tayo kasama siya dahil malapit mo na raw akong iuwi."
    Napatango-tango siya. Marahil dahil tapos na ang preperasiyon sa kasal ng binata kaya ibabalik na nito si Shemay sa kaniya. At least marunong naman pala itong tumupad sa napag-usapan nila.
    "Kung gayon, mag-asikaso na ako para makaalis na  tayo. May gusto ka bang kainin habang hinihintay ako matapos.
    "Nag-breakfast po kami bago po nagpunta rito, kaya okay lang po ako. Maglalaro na lang po ako sa tablet ng mga games ko po habang hinihintay kita. Binili po pala ako ni Lola ng tablet.     
    Nakita niyang may kinuha ito sa loob ng mini backpack nito na suot-suot nito kanina sa likod at ipinakita sa kaniya. at iyon nga ang tablet na sinasabi nito.
    "Oh, siya dito ka na muna. Promise mabilis lang si Mama para makaalis na rin tayo agad."
    Tumango lang ito sa kaniya at inumpisahan ng abalahin ang sarili sa hawak na tablet.
    Katulad nga ng sinabi niya kay Shemay ay mabilis niyang inasikaso ang sarili agad siyang naligo at tsaka humanap ng masusuot. Isang maong short, short at kulay pink na blouse shirt ang isinuot  niya at tsaka white rubber shoes. Gusto niya sanang patuyuin pa muna ang buhok gamit ang blower kaya lang nagmamadali nga pala si Aidemiel at baka mainip rin si Shemay. 
    Hinayaan na lamang niyang nakaladlad ang buhok tutal basa pa naman. Mamaya na lang niya ito itatali. Nang matapos ay lumabas na siya at nakangiting tinawag ang bata.
    Tara na, baby!"
    Magkahawak ang kamay nila ng tinungo ang sasakyan ng binata sa labas ng gate kung saan iyon ipinarada. Nang makita sila ng binata ay agad itong bumaba ng sasakyan at binuksan ang pinto sa back seat.
    Pinauna naman pinapasok ni Angel si Shemay at nang tangka naman na siya naman ang papasok ay pinigilan siya ng binata sa braso kaya napatingin siya rito.
    "Doon ka sa tabi ko sa driver seat mauupo." May nakapaskil na bahagyang ngiti sa labi nito na wika ni Aidem.
    Namalikmata lang ba siya sa nakitang ngiti na iyon sa binata o talagang nginitian siya nito? Kumurap siyan ng ilang beses baka sakaling mali siya, pero naroon pa rin ang ngiting iyon.
    Ngayon na lamang siya nito nginitian ng gaanoon na walaang halong pang-uuyam at aaminin niyang na-miss niya iyon sa binata. Sa kabila ng naramdaman na tuwa ay hindi niya iyon ipinahalata rito. 
    "Pero parang mas dapat na kami ang magkatabi sa upuan ni Shemay," aniya.
    "Ayos lang po ako rito, Mama. Sa tabi na po kayo ni Papa maupo."
    "Are you sure?" tanong niya sa bata.
    "Yes po. Tsaka kaninang papunta po kami rito ako lang naman po nakaupo din mag-isa rito dahil bawal po ang bata sa harap."
    Tama naman si Shemay kaya wala na siyang nagawa. Inayos na lamang niya ang seatbelt nito bago siya nagtungo sa tabi ng driving seat.
    Muli, isang himala na naman ang ginawa ni Aidem sapagkat ipinagbukas siya ngayon ng binata ng pintuan ng sasakyan nito na hindi na nito ginagawa sa simula noong magbago ito ng pakikitungo sa kaniya.
    Hindi niya tuloy naiwasan ang matigilan kung hindi pa ito muling nagsalita.
    "Hop in. We have to go. Baka mainip na si Shemay," saad ng binata.
    Naguguluhan man sa mga ikinikilos ni Aidem sa kaniya ngayon ay sumakay na siya. Agad naman itong umikot sa kabila nang ganap na siyang nakapasok sa loob.
    Ikakabit na lamang niya ang seatbelt ng agawin ni Aidem iyon sa kaniya kaya nagtama ang paningin nila and gosh sobrang lapit ng pagitan ng mga mukha nila.
    At muli sa unang pagkakataon ay naramdaman niya ang kakaibang pagkabog ng dibdib niya na ngayon na lamang niya ulit naramdaman sa binata, lalo kapag ganito ito kalapit sa kaniya.
    "Let me do this to you," malambing na wika pa nito.
    Halos maamoy niya ang mabangong hininga nito at nang igawi niya ang paningin sa labi ni Aidem, dahan-dahan siyang napalunok. Hindi niya mapigilan ang kiligin sa kabila ng kanilang sitwasyon ngayon.
     Kaya pinigilan niya ang paghinga habang ginagawa ng binata ang pagkakabit ng seatbelt niya. Nagawa nito iyon maikabit na hindi man lang inaalis ang paningin sa kaniya.
    Tila biglang huminto ang takbo ng oras sa pagitan ng pagtititigan nila ng matiim. Nakikita niya rin ang pagpapalit-palit ng tingin nito sa kaniyang mata at labi.
    Kaunti na lang at bibigay na siya sa ginagawa nito pang-aakit sa kaniya kung pang-aakit man ang tawag sa ginagawa nito sa kaniya ngayon.
    'Stop it Angel, ikakasal na iyan, remember? Kaya gumising ka,' usig ng kaniyang sariling isipan.
    Halos lihim naman na magdiwang si Aidemiel sa nakikitang reaksiyon ng dalaga at gustong-gusto niya ang nangyayari.
    Nang matapos niyang ikabit ng maayos ang seatbelt sa dalaga ay hindi niya muna inilayo ang pagitan ng mga mukha nila. Nang-aakit ang mga labing iyon ng dalaga sa kaniyang paningin kaya nagpasiya siya na unti-unting ilapit ang labi sa labi nito.
    Kaunting-kaunti na lang at lalapat na iyon nang bigla sila pareho matigilan ng marinig ang boses ni Shemay.
    "Hindi pa po ba tayo aalis?" nakangiting wika nito sa kanila.
    Halos magkasabayan pa nilang nilingon ang bata at nang muli silang magkatinginan sa isat-isa ay magkapanabayan din silang humagalpak ng tawa at noong pa lang sila naglayo at umayos pareho ng upo.
    Bago ini-start ni Aidemiel ang sasakyan ay nilingon niya ang dalaga na nakatingin pa rin sa kaniya. Nginitian ito at kinuha nito ang isang kamay ni Angel, pinisil muna iyon bago nagsalita. "Thank you for everything." Pagkatapos sabihin iyon tsaka palang ito  nagpasiyang paandarin na ang sasakyan.
    Isang pamilyar na kirot ang gumuhit sa pakiramdam ng dalaga partikular na sa kaniyang puso. Ngayon alam na niya kung bakit ang mga kakaibang ikinikilos nito sa kaniya ngayon. Marahil iyon sa nagawa niyang parte sa pag-aasikaso ng nalalapit na nitong kasal.
    Sa kabilang banda kakaibang saya naman ang nararamdaman ng binata ngayon kasama niya ang dalawang ito. Titiyakin niya na mag-e-enjoy si Shemay na kasama silang dalawa bilang Mama at Papa nito for a while. Titiyakin din niya na maipadarama sa bata ang pagiging isang pamilya nila. 
    

              ***Rhaime22***

A/N: Thank you for reading and voting this chapter too.

Angelzy, You're Mine Forever - Old Maid Series 3 (COMPLETED) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora