Kabanata 9 - Nasaktang damdamin

436 29 4
                                    

Warning: expect wrong typo and grammatical error ahead.
              *************

Sinundo siya ng kaibigang si Dylan para sabay na silang pumunta sa Heavens gate na bar ni Aidem sapagkat ngayon gabi ang planong pagpapaselos kay Rhaime.

Dumating sila roon na halos nandoon na ang apat. At natutuwa siyang umaayon ang lahat sa plano niya. Habang palapit sila ay nakita niya kung paano sila lingunin ni Rhaime kaya mabilis niyang ikinapit ang mga kamay sa braso naman ni Dylan at matamis na  ngumiti sa kaibigan.

"Get ready buddy, mag-uumpisa na ang palabas," aniya kay Dylan.  

"Oh, speaking of fucking devil..., heto na pala sila eh," wika ni Aidem na ang paningin ay kay Angel nakatuon. "Buds bakit ngayon lang kayo?" tanong pa nito.

"Dinaanan ko pa ito eh," wika naman ni Dylan na ang tinutukoy ay si Angel na kasama nga nitong dumating dahil nasa plano iyon.

Para umpisahan na ang palabas ay matamis na ngumiti si Angel sa dalawang babaeng kasama ni Mond at Aidem. "Hi," matamis nitong ngiti.  "I'm Angelzy, but you can call me Angel and I'm Dylan's personal secretary." Inilahad nito ang palad para sa pakikipag kamay.

Mabilis naman tinangap iyon ni Sansky. At umaktong hindi pa sila nagkakakilala. "Hello, I'm Sansky,"

Pero si Rhaime ay tila natuka ng ahas sa pagkakatitig sa kaniya. Kaya naman kinalabit ito sa baywang ni Sansky na nakapagpapitlag dito. Hindi maikakaila ang pagkatulala ni Rhaime habang nakatitig lang ito sa kaniya. At ang mga kamay niyang nakalahad pa rin ay hindi pa rin nito inaabot. May ilan segundo pa iyon tumagal bago nito hinawakan ang nakalahad pa rin niyang kamay.

"Hello, im Rhaime," sabay abot ng palad nito para kamayan na siya at bahagyang ngumiti kung ngiti nga ba iyon na matatawag. Dahil sa mas mukha iyon ngiwi kaysa ngiti.

"Nice to meet you Rhaime and Sansky," anito sa dalawang babae.

"Okay, tutal kumpleto na tayo let's enjoy the night, but for now maiwan ko muna kayo rito at may gagawin lang ako," ani Aidem na kay Angel pa rin nakatingin.

Nagkaniya-kaniya na sila ng inom at tila may mga sarili ng mundo. Si Mond at Sansky na very sweet rin. At para mas epektibo ang palabas nila ay talagang kung todo sweet rin sila ni Dylan. Lingkis kung lingkis sa pagkakayakap sa kaniya ito habang kulang na lang ay maghalikan na sila ni Dylan sa lapit ng mga mukha nila kung mag-usap.

Tinitiyak niya na ang lahat ng bawat galaw nila ay hindi dapat makaligtas sa paningin ni Rhaime. Dahil halos hindi na maipinta ang mukha nito habang lihim silang tinitingnan. Kaya yata ang mga alak sa harapan nito ang pinagdidiskitahan lalo pa at unlimited ang hatid ng waiter sa kanila.

Kaya ang hindi na nakatiis na si Sansky ay pinuna na ito. Pero galit pa itong sinaway ni Rhaime at sinabing huwag siyang pakiaalaman dahil hindi raw sila pinapakiaalaman sa ginagawa nilang paglalampungan. Lihim siyang natutuwa sa inaaakto nito ngayon at malinaw sa mga kilos ni Rhaime na mahal pa nito si Dylan.

"Sige lang gawin ninyo ang gusto ninyo wala akong pakialam!" anito pa sa kanila pero kay Dylan naman nakatingin. "Walang epekto sa akin iyan kaya just go, ohhh yeah!" tili pa nito na sinabayan pa ng sayaw habang nakaupo.  

"Are you sure bestie, kaya mo pa ba? Mukhang lasing ka na eh," ani Sansky rito.

"Sino lasing ako ba? Hindi pa ako lashing noh. Lets go to the dance floor sayaw tayo roon, come!" aya nito sa kanila na hindi na hinintay ang pag-sagot nila. Basta tumayo na ito at gegewang gewang na naglakad.

"That's not good buddy," ani Mond sa kanila.

"Mukhang tinablan na si bestie?" ani Sansky na sinabayan pa ng pagtawa. "Gosh I can't believe this. Hindi kasi iyon umiinom ng marami kahit na kailan. Ayaw kasi 'nun ng pakiramdam ng nalalasing, pero ngayon I'm sure lasing na siya."

Angelzy, You're Mine Forever - Old Maid Series 3 (COMPLETED) Where stories live. Discover now