Kabanata 18 - So much hurt.

446 24 16
                                    

WARNING: Expect wrong typo and grammatical error at savage sa wrong punctuation.
                ************

DAHIL halos ang lahat nang mga bisita ng newly married na ngayong si Dylan at Rhaime ay nag-uwian na. Ang iba naman ay mga nagtungo na sa kani-kanilang nakalaan na silid. Nagpasiya si Angel na magtungo sa pinaka bar ng Hotel at doon na lamang niya ibubuntong ang inis na maghapon niyang kimkim sa kalooban dahil sa pesting si Aidem.

     Nagpalit lamang siya ng mas komportableng kasuotan at tsaka nagtungo na nga sa Bar. Hindi siya uminom ng alak sa reception kanina kahit gustong-gusto niya.
 
  Grabeng pagpipigil ang ginawa niya sa inis na nadarama sa buong maghapon na ito. Paanong hindi siya maiinis? Sapagkat hantaran siyang binaliwala ni Aidem sa reception dahil sa Yvest na iyon.
 
   Ni hindi siya nilapitan at ang buong atensiyon nasa babae na iyon. Sadyang magaling lang talaga siyang magpangap sa harapan ng bagong kasal maging kay Sansky at Mond.
 
  Habang mag-isang nag-iinom at nilulunod ang sarili sa alak ay patuloy na nagpupuyos ang inis niya na hindi niya maialis-alis sa nararamdaman niya kanina pa.
 
    Habang tinititigan ang baso na may lamang alak ay patuloy niyang iniisip at binibigyan ng kasagutan ang mga katanungan ngayon sa kaniyang isipan.

     Kung bakit kasi ang arte niya noon? Bakit kasi hindi niya agad tinugon ang pag-ibig ni Aidem sa kaniya ng magtapat ito?

     Bakit kasi pinangibabaw niya ang kagustuhan na hindi dapat lumagpas ang nararamdaman niya rito na alam naman niyang sarili lang niya ang niloloko?

    Paano kung tuluyan na ngang mawala na ito sa kaniya at hindi na niya maibalik ang pagmamahal nito na inilaan sa kaniya raw ng napakahabang panahon. Hindi lang bilang isang kaibigan kundi higit pa roon? Paano niya iyon gagawin kung may isang Yvest na sa puso nito?
 
   Sa kabilang banda gusto niyang isipin na pinagti-trip-an lang siya ni Aidem para inisin siya. Pero hindi kasi ganoong Aidem ang kilala niya. Kapag ito nagdesisyon wala ng makababali pa no'n.
 
  'Walang dapat sisihin, kundi ang sarili mo,' Pagkastigo ng kaniyang isipan. 'Kaya bagay lang sa iyo iyan ngayon. Isa kang mapagkunwari kasi.'
 
  Hindi na niya napigilan ang sarili na tumulo ang luha dahil sa mga isiping iyon at mas lalo pa nakaragdag sa kaniya ang tila mga tinig na nagsasalita sa kaniyang isipan na patuloy siyang pinapagalitan.

    Tinunga niya ang laman ng alak sa baso at mismong ang bote ng black label na ang dinampot niya para doon na nga uminom.
 
  Kababae niyang tao pero sanay na sanay siya sa mga inuming ganoon klase. Iyon matatapang na klase ng alak ika nga. Katas nang pagiging laman niya ng mga bar gabi-gabi para mag-nigth life.

    Gusto niyang maging manhid ang isipan kaya niya ginagawa ito. Dama niya ang init ng hagod ng alak sa kaniyang lalamunan sa bawat paglagok niya no'n.
 

    Pero bakit tila wala naman talab at patuloy na sumisigid ang kirot sa kaniyang puso sa mga nasaksihan at mga naranasan niya kay Aidem simula pa kahapon? Marahil magiging manhid lang siya kapag nalasing na siya ng tuluyan.
 
  Iyon bang ultimo pag-iisip ng sakit na nadarama ngayon sa kaniyang puso ay hindi na niya madarama. Pakiramdam niya para siyang muling na-broken hearted pero mas matindi ang sakit ngayon.
 
  "Tangna ka Angel, umayos ka!" mahina ngunit may riin na bigkas niya na patuloy pa rin sa tahimik na pagluha. "Ikaw naman talaga may kasalanan, kaya tanggapin mo ang kapalit sa pag-iinarte mo."

    Ang tangkang pag-inom muli sa bote na hawak ay hindi niya nagawa sapagkat may pumigil sa kaniyang mga kamay at pilit hinila iyon para makuha.
 
  "That's enough!" saad ng boses na iyon na hindi siya maaaring magkamali kung sino dahil pamilyar  pa rin naman iyon sa kaniya.
 
    Agad niyang nilingon kung sino ang gumawa noon sa kanya. At lalong bumukal ang luha sa kaniyang mga mata nang mapagsino iyon.
 
    Mabilis siyang tumayo buhat sa pagkakaupo at agad niyang niyakap ito at sa mga balikat nito umiyak nang umiyak. Hindi na niya alintana pa kung hagulgul na ang ginagawa niya pagkakita rito. At natatawag na niya ng pansin ang bar tender sa kaniyang ginagawang pag-iyak pero wala siyang pakialam.
 
    Mahigpit naman siyang niyakap rin nito at hinayaan na muna siya. Marahil alam kasi nito na kailangan niyang ilabas ang sakit na nadarama sa pamamagitan ng pag-iyak ng todo.
 
    Samantalang, hinagod-hagod naman ng dumating ang likod ni Angel upang kahit paano ay makaragdag sa paggaan ng nararamdaman nito.

Angelzy, You're Mine Forever - Old Maid Series 3 (COMPLETED) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz