MVEN-5

173 141 21
                                    

'Chris Del Mundo accepted your friend request'

Hindi ko alam pero bigla nalang akong napatili sa saya nang makita ang notification sa phone ko.

Agad kong inopen ang instagram ko kasi baka finollow back niya rin ako.

'C.del_mundo started following you'

"Gosh Lord ang ganda naman nang pagood morning mo sa'kin."

Hindi ko alam pero parang inspired na inspired ako ngayong araw.

"David! David!" paggising ko sa kaniya.

"Ano ba yan? Para kang nakakita nang multo sa sigaw mo! Ang aga nang mundo parang tambutso nang motor ang bunganga mo!" pagrereklamo niya sa'kin.

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko kasi ayaw ko na ma bad mood ako bigla.

"Huwag mong bubwisiten ang araw ko, David, baka masabunutan kita" kalmadong saad ko.

"Luh? Violence! Ano bang nangyari at bakit tili ka nang tili diyan!"pagkikichismis niya.

Napakachismoso talaga nitong engkantong 'to.

"Inaccept na ni Chris ang friend request ko!" Saad ko at tumili ulit.

Ghoshh! Ang ganda nang araw ko.

"Yun lang naman pala eh! Ang aga aga ang harot mo!" Saad niya at binato sa'kin ang notebook ko na hiniram na niya naman kagabi.

"Inggit ka lang kasi wala kang bebe," pang-iinis ko sa kaniya.

"Bakit ikaw meron?" Balik niya sa'kin.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya tumalikod nalang ako at iniligpit ang mga gamit ko.

"Hahahaha! Makasabi ka na inggit ako ikaw rin naman pala walang bebe eh!" Pang-aasar niya sa'kin.

Belle! Kalma!

Hindi ko na siya sinagot kasi baka masira  ang modo ko sa mga isasagot niya sa'kin. Tinitigan ko lang siya nang masama at binitbit na ang bag ko, padabog kong isinarado ang pintuan ko para malaman niya na galit ako.

"Belle ano ba! Sisirain mo ba ang pintuan mo?" Sigaw ni kuya nang magkasalubong kami sa taas.

"Kuya, please, tumahimik ka nalang ha! Maganda ang gising ko eh," saad ko habang nakangiti.

Sa tingin ko ay parang tanga na akong nakangiti lang habang bumababa nang hagdan.

"Ma! Alis na ako!" Paalam ko kay mama.

Kumain lang ako nang tinapay at uminom nang gatas tsaka nagtoothbrush para fresh.

Paglabas ko nang bahay ay nakangiti parin ako habang naglalakad.

"Parang tanga ka nang nakangiti ngayon," pagsaway ni Dave.

Agad ko siyang tinignan nang masama dahil simula pa noon ay panira na talaga siya sa moments ko, "pake mo ba!"

"Sana mapasukan nang langaw yang bunganga mo!" Saad niya at tumawa nang malakas.

"Happy ka jan?" Pikon na sagot ko.

"Super!" Saad niya at pumalakpak at tumawa nang malakas.

"Sana mapasukan nang bubuyog yang bunganga mo!" Inis na saad ko at nauna nang maglakad.

Ewan ko pero nawala ako sa mood bigla.

Successful na naman si engkanto sa pagbubwisit nang araw ko.

Congratulations!

You're now the CEO of Ruining my happiness!

Naglalakad ako habang magkasalubong na ang mga kilay.

"Galit ka na yern?" Barumbadong tanong niya at sinilip ang mukha.

My View Every NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon