MVEN-39

50 17 2
                                    

"Saan ka pupunta doc?"

Napatingin ako kay Doc Mitch ng maupo siya sa sofa habang ako ay abalang ayusin ang mga gamit ko.

"I'll go home for now, babalik naman ako next day" saad ko.

"Ah...ikaw lang mag-isa?" Tanong niya.

"Oo, bakit?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala naman. Diba may condo ka near tge hospital? Dadaan ka pa don?" Tanong niya sa'kin.

"Yes. May kukunin lang ako then uuwi na" sagot ko.

"Aw...okay. I guess I have to go, may gagawin pa din naman ako eh. Okay doc have a safe trip" paalam niya sa'kin.

Nginitian ko lang siya bago pinagpatuloy ang pag-aayos ko ng mga gamit. Wala naman akong dadalhin, nag-aayos lang ako ng mga papeles ko dito para pagbalik ko sa susunod na araw ay alam ko na lung saan ko hahanapin. I'm wearing a simple maong high waisted jeans, a simple white shirt at white sneakers. Nakabun lang din ang buhok ko habang nag-aayos.

Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos narin naman ako kaya inasikaso ko ulit ang sarili ko. Inayos ko muli ang pagkaipit ng buhok ko bago nagspray ng perfume sa likod ng magkabilang tenga at sa magkabilang palapulsuhan. Sinuot ko din ang relo ko and still I'm wearing the ring that he gave me yesterday.

I stared at it for a long time. Staring at the ring made me remember a lot of things. Simula noong binigay niya sa'kin 'to hanggang sa iniwan ko 'to sa kaniya.

Nagpakawala ako ng buntong hininga bago ko binitbit ang hand bag ko at lumabas ng kwarto.

"Saan ka pupunta?"

Napatingin ako kay Lexess ng bigla siyang pumasok sa opisina ko wearing his white coat.

"Uuwi ako ngayon" saad ko.

"Kailan ka babalik?" Tanong niya.

"Sa susunod na araw" sagot ko.

"Hatid na kita" Pag-offer niya.

"Don't you have work Dr. Landar? Always set your priorities doc. I can handle myself" saad ko.

"Okay, ikamusta mo nalang ako kina tita at tito" saad niya.

"No worries" saad ko bago lumabas ng opisina ko. Sinabihan ko na lang ang nurse na nasa nurse desk to checkon my office para walang mawala na papeles o ano.

Naglakad ako papuntang elevator para pumunta sa parking. Paglabas ko ng elevator ay naglakad kaagad ako papunta sa puting Mercedes Benz that I own. Pagpasok ko ay agad na akong nagmaneho papuntang condo. May mga kukunin lang naman ako na mga gamit and then dederitso na ako sa bahay. Dahil malapit lang nga ang condo ko mula sa hospital ay nakarating nadin kaagad ako. Sa labas ko nalang pinark ang sasakyan kasi mabilis lang naman ako at para hindi narin hassle mamaya. Lumabas na ako ng sasakyan at pumasok sa loob ng building. Binati pa ako ng guard kaya binati ko din siya pabalik, dumeritso ako sa elevator at pinindot ang 11th floor dahil doon ang condo ko.

Pagkaraan ng ilang minuto ay bumukas na ang elevator kaya lumabs na ako at naglakad patungo sa condo ko. Binuksan ko ito bago pumasok sa loob. Pumasok ako sa loob ng kwarto ko para kumuha ng kunting damit kasi halos lahat na ng mga gamit ko ay narito. Pumunta din ako sa banyo para kumuha ng mga essentials ko at inayos yun sa iisang pouch. Inilagay ko nalang lahat ng mga gamit ko sa iisang bag para madali lang bitbitin.

Pagkasara ko ng bag ay binitbit ko na ito bago lumabas ng kwarto at nilock. I checked the switch first bago ako lumabas ng condo at nilock din ang pinto. Pumasok ako sa elevator papuntang ground floor. Pagkalipas bg ilang minuto ay bumakas na ang elevator kaya lumabas narin ako. Napatigil ako sa paglalakad ng biglang magring ang phone ko kaya inilapag ko nakang muna ang bag bago sinagot ang tawag ni mama.

My View Every NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon