MVEN-19

75 58 2
                                    

"Belle gising na!"

Mahimbing akong natutulog, pero biglang nabulabog ang mundo ko nang marinig ang sigaw ni Dave.

"Belle! Tama na 'yang panaginip na yan. Baka ako na naman ang napanaginipan mo,"

Agad akong napatayo nang marinig ang sinabi niya.

"Ang aga aga ang kapal nang mukha mo eh no," supladang saad ko.

"Ang aga aga ang taray mo eh no," sagot niya.

"Edi wow." Barumbadong sagot ko.

"Edi wow," panggagaya niya.

"Binubwesit mo ba ako? Pwede ba tumahimik ka, parang tambutso nang motor yang bunganga mo" saad ko bago naglakad paalis papunta nang banyo.

"Nagsabi ang mahinahong magsalita," pahabol na saad niya pero di ko na siya pinansin.

Lunes ngayon kaya kailangan kong pumasok sa school dahil nakaabsent ako noong friday.

Nagtoothbrush muna ako bago naligo. Paglabas ko nang banyo ay agad akong nagbihis nang uniform ko. Binubutones ko ngayon ang uniform ko nang tinawag ako ni Dave.

"Beatriz!" Sigaw niya.

"Bakit?" Tanong ko.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nang bigla sitang tumawa nang malakas nang makita ang itsura ko. Nakasuot na ako nang uniform ko habang nakapatong naman ang tuwalya sa ulo ko.

"Tinatawa mo diyan?" Tanong ko sa kaniya at kinuha na ang tuwalya sa ulo ko para suklayin.

"Ang haggard mo girl!" Saad niya.

"Ang pangit mo boy!" sagot ko at pumunta na sa harapan nang salamin para masuklay nang mabuti ang buhok.

Nagsuot na ako nang sapatos tsaka bumaba nang kwarto habang bitbit ang bag para kumain nang agahan.

"Magandang araw anak," masayang bati ni papa.

Nakaupo na ngayon si kuya katabi si mama habang si papa ay tinatapos pa ang niluluto.

"Magandang araw pa, ma" bati ko sa kanila.

Umupo ako sa tapat nina mama at kuya. Pag-upo ni papa ay nagsimula na kaming kumain. Kumain lang ako nang kunting kanin tsaka bacon bago ininom ang chocolate drink ko. Pagkatapos no'n ay nagtoothbrush muna ako bago nagpaalam sa kanilang pupunta na ako sa school.

"Mukhang ang ganda nang gising natin auh!"

Naglalakad kami ngayon ni Dave sa gilid nang kalsada papunta sa school.

"Paano gaganda ang gising ko, eh sinora mo na naman ang tulog ko!" Naiinis na sagot ko.

"Luh? Kasalanan ko pa. Oh siya sige, bumalik ka doon sa bahay niyo at ipagpatuloy mo ang naudlot mong tulog, bahala ka na kung umabsent ka!" saad niya at agad na naunang maglakad.

"Edi mauna ka kung gusto mo! Alam ko namang pumunta nang school mag-isa no!" Pagpaparinig ko sa kaniya nang makitang medyo malayo na siya sa'kin.

Agad siyang tumingin sa'kin nang marinig ang sinabi ko at tumigil sa paglalakad.

"Oh? Bakit ka tumigil? Mauna ka na!" saad ko habang papalapit sa kaniya.

"Oh, nagtatampo ka na niyan?" natatawang tanong niya.

"Bakit naman ako magtatampo? Mauna ka na kung gusto mo, wala akong pake!" Supladang saad ko at inunahan na siya sa paglalakad.

"Luh? Di ka nga nagtatampo, galit ka naman." saad niya.

My View Every NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon