MVEN-38

46 17 1
                                    

"There are rules on dating"

Andito parin ako sa loob ng opisina niya habang boring na nakikinig sa mga pinagsasasabi niya.

"What are these rules?" Mataray na tanong ko.

"We'll date for one whole month"

"Ano?!" Hindi makapaniwalang saad ko.

Isang buwan?! Ang tagal naman! Delikado na ako dito. Pwede magback-out?! Gosh!

"Bakit? Gusto mo gawin nating 1 year?" Pamimilosopo niya.

"Hindi ba pwedeng one day?" Naiinis na tanong ko.

"One month. Pero kung gusto mong gawing one year mas okay sa'kin" nakangiting saad niya.

"Seriously Dr. Garcia? Ano ba talaga ang trip mo?" Supladang saad ko.

"Wala naman. You'll just know my reason as time goes by" saad niya.

"So after one month, pwede na hindi na kita pansinin, diba?" Saad ko.

"After one month okay na. Depende nalang sa atin if gusto pa nating iextend kasi kung ako ang tatanungin mo gusto ko nga lifetime eh" saad niya.

Matalim ko siyang tinitigan ng marinig ang sagot niya. Ganiyan ba siya kapatay na patay sa'kin?

"Haha. Nakakatawa" mataray kong saad.

"Hindi naman ako nagpapatawa. Basta after one month, off na" saad niya.

"Okay. Second rule is, no kiss, no hug and no touch" saad ko.

"No touch. So paano kapag gentleman ako, and I want to offer my hand?" Tanong niya sa'kin.

"Nakakalakad naman ako kahit wala ang help mo" saad ko.

"Okay. Don't worry I know my limitations Belle" malumanay na saad niya.

"Third rule. Dapat walang makakaalam about this thing, understand?" Saad ko.

Ayaw ko na magkaisyu sa kaniya no!

"Sure thing. Walang problema"

Mabuti naman at alam niya ang word na privacy.

"Fourth rule. Susundin mo lahat ng utos ko," bigla ko siyang tinignan ng masama ng marinig ang sinabi niya.

"Ayoko nga" Agad na tanggi ko.

"Don't worry, alam ko ang nasa isip mo. Ang iuutos ko lang naman ay basic kaya wala ng pero, pero" saad niya.

"Humanda ka talaga sa'kin kapag may nangyaring masama." Pagbabanta ko.

Naoangiti siya ng msrinig ang sinabi ko kaya mas tinitigan ko siya ng masama.

"Last rule. Accept gifts" saad niya.

"Ayoko nga" saad ko.

Ayaw ko na may pagift gift na yan.

"Wala kang magagawa. Ako ang masusunod dito." Saad niya.

Tinarayan ko nalang siya at tumahimik nalang.

"Hindi mo kailangang bigyan ako ng regalo, pero ako, I can't stop myself on giving you gifts kaya kailangan mong tanggapin. With in one month kailangan suot mo ang regalo ko, like necklace, kapag binigyan kita, sa loob ng one month kailangan suot mo ang necklace kasi kapag hindi may karagdagang one day ang dating stage natin. Naiintindihan?"

"Okay." Walang pakeng sagot ko.

"Okay that's it. See you this evening
Dr. Reyes. We'll have our first date"

My View Every NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon