MVEN-30

63 24 2
                                    

"Can I ask you about something?"

Napatingin si Belle sa akin ng marinig ang sinabi ko. Andito kami ngayon sa may dating lugar kung saan kami nagkita kasi sabi ko sa sarili ko mas maganda kung dito namin icelebrate ang valentines.

"Sure, ano 'yon?" sagot niya.

"Do you like me?"

Alam ko na sa sarili ko ang magiging sagot pero parang tanga lang ako na paulit-ulit tinatanong sa kaniya kung gusto ba niya talaga ako.

"No, I don't like you."

Agad akong napaiwas ng tingin sa kaniya ng makaramdam ng kirot matapos marinig ang isinagot niya.

"Hindi mo ako gusto?" Tanong ko ulit.

"Hindi."

"Alam ko na nga ang sagot tinanong ko pa, masasaktan din pala ako,"

So she doesn't love me at all.

Malalim kong pinag-isipan ang isinagot niya sa akin hanggang sa makauwi kaming dalawa.

"Oh anak, problemado ka ata,"

Hindi ko napansin na nakaupo lang pala si mama sa sofa kaya napatingin ako sa kaniya ng marinig ko siyang nagsalita.

"Wala na ma," saad ko pagkaupo sa tabi niya.

"Anong wala na?" Tanong ni mama sa akin.

"Di niya talaga ako gusto,"

"Paano mo nasabi?" Tanong ulit ni mama.

"Klarong-klaro na ma. Sinabi na niya na hindi niya ako gusto. Tinanong ko siya kanina pero ang sabi niya di niya talaga ako gusto,"

"Pero anak, hindi ibig sabihin na hindi ka niya gusto ay susuko ka na, dapat mahalin mo lang siya," payo ni mama.

"Pero ma, hindi naman kasi ako kasing tatag ng bato para masaktan ng paulit-ulit. If she don't like me I can give her the happiness that she want and the freedom that she deserves."

Hindi na nakasagot pa si mama sa sinabi ko kaya umakyat nalang ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Nakatingin lang ako sa ceiling habang iniisip parin ang sinabi ni Belle.

"Was that so hard for her to love me?"

"Ganiyan ba ako kahirap mahalin?"

"Minahal ko naman siya, ibinigay ko naman na ang lahat. Lahat ng atensiyon ko, lahat ng oras ko, lahat lahat, pero bakit kulanh parin ang lahat ng yun sa kaniya?"

Napatingin ako sa cellphone ko ng makitang umilaw ito.

From: Chris
Master may paevent si Mayor bukas, punta kayo ni ate. Sa plaza daw ang venue

To: Chris
sige aayain ko siya.

Pagkasend ko ng reply ko kay Chris ay agad ko ng pinatay ang cellphone ko at napaisip na hindi ko na pala kayang layuan si Belle.

Hindi ko na pala kayang mawala siya sa akin.

Hindi ko na kayang mawala siya sa tabi ko.

Hindi ko na kayang mamuhay ng wala siya, kaya...

Kaya kahit masakit, ipagpapatuloy ko lang ang pagmamahal ko para sa kaniya hanggang sa bigyan na niya ako ng sapat na rason para bumitaw.

"Alam mo na ang isasagot mo sa Math?"

Napataas ang tingin ko lay Belle ng bigla niya akong tanungin.

Umiling-iling lang ako kahit alam ko naman ang mga sagot.

My View Every NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon