MVEN-35

54 21 3
                                    

"Doc Belle, pinapatawag ka po ni
Doc Garcia"

Napaangat ang tingin ko ng pumasok ang nurse sa loob ng opisina ko habang ako naman ay nagbabasa ng results.

"Bakit daw nurse?" Mahinahong tanong ko.

"Hindi ko po alam eh," saad niya.

"Okay thank you, pupunta nalang ako mamaya," saad ko.

Umalis na ang nurse kaya doon lang ako ng pakawala ng sama ng loob.

Ano ba ang kailangan niya?

Dalawang linggo na ata ang nakalipas simula noong nangyari sa restaurant. Simula noon ay palagi na siyang sumusunod kung saan ako pupunta. Palagi na siyang sumasabay sa'king kumain. Pilit ko nga siyang pinagtatabuyan pero di niya ako sinusunod.

Napatigil ako sa ginagawa ko ng biglang magring ang telephone.

"Hello good morning, this is Dr. Reyes," saad ko.

"Good morning, Dr. Garcia speaking. Pumunta ka ngayon dito ss office"

Aba parang utusan ako makasabi siya.

"Excuse me? Do you treat me as your slave?" Supladang saad ko.

"Slave of love. Okay otherwise, punta ka nalang dito I have some urgent thing to tell you" saad niya bago binaba ang tawag.

Bigla akong nakaramdam ng inis matapos ko siyang makausap.

Ano bang trip niya?

Pagkatapos kong mabasa ang isang results ay tumayo na ako para pumunta sa nakakainis na si Doc Garcia!

Kailangan ko pang sumakay ng elevator dahil nasa 5th floor ang office niya.

Pagkarating ko sa 5th floor ay dumeritso ako sa opisina niya at huminto sa tapat ng pintuan niya bago kumatok ng dalawang beses.

"Come in" saad niya.

Pumasok na nga ako sa opisina niya at nakita ko siyang nakatingin din sa mga results ng mga tests ng mga pasyente niya.

"What's your agenda Dr. Garcia?" Tanong ko sa kaniya.

Agad siyang napatingin sa akin at binitawan ang mga tests na hawak niya.

"Have a seat first," utos niya at tinuro ang upuan.

"No need. Kaya sabihin mo na kung bakit mo ako pinapunta dito," naiiritang saad ko.

I see how he smirk na mas lalong ikinainit ng ulo ko.

"May nakakatawa?" Supladang tanong ko.

"Nothing." Saad niya at biglang sumeryoso ang mukha.

"So bakit mo nga ako pinapunta dito?" Pag-ulit ko ng tanong.

"I just want to say na hindi ako makakasabay sa'yong maglunch,"

Bigla akong napapikit sa sobrang inis na naramdaman ko. Pakiramdam ko ay biglang kumulo ang dugo ko ng marinig ko ang sinabi niya.

"Seriously David? Pinapunta mo ako just for it?" Singhal ko sa kaniya.

"There you have it. Okay na ako don" nakangiting saad niya habang pachill chill lang sa swivel chair niya.

"Anong okay don?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"You call me David again. I waited for you to call me again that way." Nakangiting saad niya.

Bigla akong napatahimik nang marinig ang sinabi niya.

"I prefer you to call me 'David' than
'Dr. Garcia' because it feels like we never had memories together, it's so hard to just forget about it Belle"

My View Every NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon