MVEN-24

77 61 5
                                    

"Belle, gising na"

Nagising ako sa pag-alog alog ni Lexess nang tent ko.

"Bakit ba?" Inaantok na tanong ko habang dahan-dahan na umupo.

"Swimming tayo pres, bilis" saad ni Marie.

Dahan-dahan kong binuksan ang tent ko para makalabas. Inayos ko pa ang magulo kong buhok dahil kakagising ko lang.

"Sandali lang, magbibihis lang ako," paalam ko sa kanila at pumunta sa kwarto para magbihis.

Pumunta ako sa may banyo habang bitbit ang mga damit ko. Naghilsmos at nagtoothbrush lang ako bago ko inipit ang buhok. Nagbihis lang ako nang simpleng shirt at dolphin shorts. Nag-apply lang ako nang sunblock bago ko sinuot ang shades ko.

"Pres, naku bilisan mo!" Sigaw ni Kevin.

"Sandali lang!" Sigaw ko.

Pagdating ko sa tabing dagat ay iniwan ko ang tsinelas na suot ko at ang shades ko bago lumusong sa dagat. Para kaming mga bata na naliligo. Tawang-tawa kaming naliligo.

"Umiinit na," reklamo ni Audrey at tumakbo pabalik sa buhanginan.

"Ang OA mo Audrey," saad ni George.

"Edi maiwan ka diyan kung gusto mo," saad ni Audrey.

Tanghali na kaya masakit na ang init kapag tumatama sa balat kaya umahon na rin ako tsaka naligo. Habang naliligo ako ay  may kumatok sa pintuan nang banyo kaya tinanong ko kung sino.

"Si Kate to pres," saad niya.

"Oh? Bakit Kate?" Tanong ko.

"May naghahanap sa'yo sa labas," saad niya.

"Sino?" Nagtatakang tanong ko.

"Si Dave"

Napatigil ako sa pagsha-shampoo nang marinig ang pangalan ni Dave. Ano na naman ang ginagawa niya dito? Bakit ba sunod siya nang sunod sa'kin?

"Pauwiin niyo nalang," saad ko.

"Ayaw niya pres eh," saad ni Marie.

"Sige, sandali lang, patapos na naman ako," saad ko at mabilis na binunlawan ang sarili.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako nang simpleng white shorts at sky blue sleeveless shirt. Mabilis kong sinuklay ang buhok ko bago lumabas nang banyo.

"Saan siya?"

Paglabas ko nakita ko si Kate, Marie, Audrey, at Sharrie.

"Nasa labas siya ngayon pres, kausap sina Lexess," saad ni Sharrie.

Lumabas ako nang kwarto at nakita ko siyang nakikipagkwentuhan kina George, Kevin, Lexess, Christian, James at Julia. Agad akong naglakad papunta sa upuan nila at tumigil sa gilid niya.

"Bakit ka nandito?"

Sinubukan kong maging mahinahon kasi alam kong wala akong karapatan na magalit kung mas gusto niyang sumama sa babaeng mahal niya.

Anong laban nang isang kaibigan sa taong mahal?

"Mag-usap tayo," seryosong saad niya bago tumayo.

"Anong pag-uusapan?" Nagtatakang tanong ko.

Hindi niya ako sinagot at hinawakan lang ang palapulsuhan ko at naglakad kami papalayo sa mga kaibigan ko.

"Bitawan mo nga ako,"

Sinunod niya ang sinabi ko at tumingin sa'kin. Nakita ko na sinusubukan niyang ipaliwanag ang kaniyang sarili gamit ang kaniyang mga mata, ngunit...ngunit di ko kailangan nang kahit anong eksplenasyon.

My View Every NightWhere stories live. Discover now