Hindi pa rin ako makapaniwala. Kung kaya ko lang sampalin ang sarili ko, siguro ay nagawa ko na.Napag-alaman ko na ako ang bunsong anak ng Emperador Vencel Eryndor. Siya ang kasalukuyang namumuno sa buong Kaharian ng Cyan pati na din ng ilang bansa na malapit sa bansang ito. Aside from that, he's notorious as a tyrant! Hindi lang siya, kahit ang tatlong lalaki na kasama ay napag-alaman ko din na mga anak niya ito sa dating Emperatris ng Cyan. Lahat ay puros kulay itim ang kanilang buhok - maliban naman sa akin na kulay blonde ang buhok. Naririnig ko sa kwento ng mga chismosang kasambahay na ang nanay ko daw ay hindi dugong-bughaw. In short, she's a commoner. Like, what the h*ll? So uso din pala ang discrimination kapag hindi ka fully royal blood, ganern?
Halos hindi ko na ginagalaw ang mga laruan dahil pakiramdam ko ay nalulunod na ako sa sobrang dami! Jusko, sa previous life ko noong bata pa ako, hindi naman ganito kadami ang mga naging laruan ko. Sa katunayan pa nga ay mas gugustuhin ko pang hawakan ang mga fairy tale books kaysa sa mga ito.
Pero sandali, parang pamilyar sa akin ang mga eksenang ito. Wait, wait, wait-
Bigla akong kinarga ng babysitter ko. Nagtama ang mga tingin namin. Bakas sa mukha ko ang pagkabigla at pagtataka habang siya naman ay matamis na ngiti ang iginawad niya sa akin. "Oras na po para kumain, mahal na prinsesa." aniya. Pero bago man niya ako tuluyan pakainin ay bigla niya ako niyakap na may kasamang panggigigil! "Nakakatuwa ka talaga, mahal na prinsesa! Hindi talaga ako nagtataka na halos makopya mo na ang mukha ng inyong ina!" bulalas niya. Saka ikiniskis pa niya ang kaniyang pisngi sa pisngi ko.
Huh? Kilala niya ang nanay ko?
Kung pupwede lang akong makapagsalita ay hindi ko magawa. Dahil sanggol palang ako at maiksi pa ang aking dila. Ugh, nakakafrustrate naman ito! Hindi bale, hihintayin ko ang tamang panahon na kung kailan na ako pupwede maglakad, magsalita, lahat na! Marami pa ako dapat gawin. Kailangan ko mag-isip kung papaano ako makasurvive sa lugar na ito. Lalo na sa apat na lalaki na 'yon!
Naputol ang hagikgik ng babysitter ko nang biglang nagbukas ang pinto ng silid. Tumambad sa amin ang isa pang maid na hindi maipinta ang mukha. Hawak niya ang palda ng kaniyang uniporme habang palapit siya sa amin. "Bilisan mo nga d'yan at marami pang gagawin sa Kusina!" halos pasinghal niyang utos.
"A-ah, hindi pa kumakain ang prinsesa..." malumanay niyang tugon.
I heard her tsk-ed. Tinapunan ako ng sama ng tingin ng witch na 'to. "Ewan ko ba kung bakit iniingatan ng mahal na Emperador ang batang 'yan eh isang hampaslupa naman ang ina n'yan." mariin niyang sabi na hindi maalis ang sama ng tingin niya sa akin.
Aba, iba din talas ng dila ng babaeng 'to. Like, what the h*ll?
Haayy, oo nga pala. My mother in this world is a commoner. Kaya mababa ang tingin din nila sa akin. Eh ano naman ngayon kung walang dugong-bughaw ang nanay ko, aber? Kasalanan ko ba 'yon? Duh. Kasalanan ko ba kung nagchukchakan ang mga magulang ko sa mundong 'to, ha?
Malungkot na bumaling sa akin ang babysitter ko. Marahan niyang hinawakan ang maliit kong kamay at daliri. "Kahit na hindi dugong-bughaw ang kaniyang ina, anak pa rin siya ng mahal na Emperador."
Napatitig ako sa kaniya. Bakit pakiramdam ko ay siya pa ang mas nasasaktan kaysa sa akin? Para bang kilalang kilala niya ang nanay ko sa mga binitawan niyang salita. Gustuhin ko man magtanong ay hindi ko magawa dahil na din sa estado ko ngayon. Pero nang makita ko ang malungkot na mukha niya ay nakaramdama ako ng kirot sa parte ng aking puso. Kinagat ko ang aking labi at walang sabi na umiyak ako nang kalakas-lakas. Wala akong pakialam kung marinig man ang iyak ko hanggang sa labas ng silid na 'to! Dahil d'yan ay malakas na binuksan ang pinto. Hindi inaasahan ang pagsugod ni Vencel sa silid, ang sinasabing ama ko.
BINABASA MO ANG
I'm Born as an Eryndor! (Book 1-3)
FantasyShe díed due overworking as a popular web writer, she never thought she could died like that in an appropriate state. Pero sabi nga nila, kung mabibigyan lang ka lang ng isa pang tyansa na mabuhay ulit and alas, she was reincarnated as a baby! Hindi...