Natigilan sina Haldir, Ivor at Tehisa sa kani-kanilang ginagawa habang nasa loob sila ng munting bahay. Napapaligirian ang naturang bahay na 'yon ng mga kampo ng mga lumikas na mga Thilian na isa sa mga panukala ni Rini, sa gayon ay maging ligtas ang mga ito. Hindi na sila tumanggi pa dahil mas nangingibabaw sa kanila na makatulong, kahit ang kapayapaan ng lugar na pinili nilang manatili ay isinakripisyo nila.
Hindi lang ang mga mamamayan ng Thilawiel ang mga iniligtas nila, maski ang mga mamamayan na nagmula pa sa ibang lugar at bansa na labis na apektado sa kasalukuyang digmaan ay nagawa rin nilang tulungan.
Sabay silang lumabas sa munting tahanan nila. Napatingala sila sa mas nagdidilim na kalangitan. Kaakibat n'on ay may naramdaman silang kakaiba. Hindi nila matukoy ngunit, tila ma kumirot sa kanilang puso. Parang ipinahiwatig nito sa kanila na may lumisan sa mundong ito.
Kung ganoon, sino? Sino ang lumisan na ito? Sino ang nawala?
Hindi lang sila, maski ang iba pang tao na kanilang kasama ay napatingala ang iba sa kanila. Bakas sa mukha nila ang takot at pangamba. Nababahala ang mga ito na baka mas may masamang mangyayari ngayon. Sa tingin din nila ay magkakaroon ng bagyo at masama ang panahon na nakikita nila.
Napaitlag sila nang makita nila ang isang pangitain sa pamamagitan ng isipan ni Hyrus na ipinadala sa kanila. Napatulala sina Haldir at Ivor, samantalang si Tehisa naman ay napasinghap. Lumipad ang isang palad sa bibig. Kusang namuo ang mga luha sa mga makita, lalo na't nasaksihan nila ang magaganap kay Rini pagkatapos na masaksihan ang malagim na nangyari sa aba.
"H-hindi... Hindi maaari!" mahina at matigas na sambit ni Tehisa. Nagmamadali itong bumalik sa munting kubo. Nakasunod naman ang mga kapwa-diyos. Mabilis niyang nilapitan ang balabal na nakasabit sa sandalan ng upuan. Isinuot niya 'yon.
"Tehisa," kalmadong tawag sa kaniya ni Haldir. Sabay hinawakan ang isang kamay niya upang pigilan sa anumang gagawin niya. "Huminahon ka muna."
Mabilis din niyang binawi ang kaniyang kamay. Naiiyak na siya sa harap ng mga kasamahan. "Kailangan niya tayo ngayon, Haldir! Nasa pighati ngayon ang kamahalan!"
"Subalit, Tehisa..." si Ivor, seryosong humalukipkip ito. "Hindi niya tayo kailangan sa ngayon."
"Pero ang ama niya-!"
"Hindi natin mapipigilan kung ano ang itinakda, kahit na pigilan mo pa ito." ani Ivor. Matalim na nakatingin ng diretso sa kaniya.
Nanigas siya sa kaniyang narinig. Ramdam niya ang pangangatog ng kaniyang mga binti hanggang sa kusa na siyang bumagsak sa sahig.
"Ano pong... Problema?" isang boses ang kanilang narinig.
Sabay silang napatingin sa nagmamay-ari ng tinig na 'yon. Ang tatlong babae na nasa kanilang harap ngayon ay ang mga personal na tagapagsilbi ni Rini. Sina Nesta, Faila at Regie. Nakaukit sa mukha ang pagtataka.
"Mawawala ang kamahalan... Ang mahal na emperador ng Cyan..." halos wala sa sarili niyang sambit.
Sabay na kumidlat nang malakas!
Inaasahan na nila kung ano ang magiging reaksyon ng mga ito. Parehong nanlaki ang mga mata ng tatlong babae, lalo na si Nesta, napasapo sa bibig. Tama, isang masamang balita nga ang kanilang hatid sa mga ito. Gustuhin man niyang bawiin upang hindi mag-aalala ng sobra ang mga ito ay huli na.
"Ang mahal na Imperatris!" si Nesta. Akmang tatalikuran na sila. "Kailangan kong puntahan ang kamahalan!"
Hindi rin natuloy ang pagtangka nitong umalis dahil agad itong pinigilan ni Ivor bilang magbigay-harang sa pamamagitan ng binti nito sa pintuan. "Walang saysay kung pupuntahan mo ang Cyan sa mga oras na ito, masyado nang mapanganib." malamig niyang saad.
BINABASA MO ANG
I'm Born as an Eryndor! (Book 1-3)
FantasyShe díed due overworking as a popular web writer, she never thought she could died like that in an appropriate state. Pero sabi nga nila, kung mabibigyan lang ka lang ng isa pang tyansa na mabuhay ulit and alas, she was reincarnated as a baby! Hindi...