Sinisikap pa rin ng mga mandirigma ng bansang Jian Yu na harapin ang mga malalakas na halimaw na kanilang kinahaharap ngayon. Sa halos hindi maubusan ang mga halimaw na naglipana sa kanilang bansa, sinisiguro pa rin nila na maging matatag at makakatagal sila sa matinding digmaan na ito.Nanatiling nakapikit ang binatang Emperador ng Jian Yu na si Emperador Yu Shan. Pinapakinggan niya ang kaniyang kaliwa't kanan na pag-aalala ng kaniyang opisyal, lupon at pantas. Naiitindihan niya kung ano ang nararamdaman ng mga ito sa ngayon. Maski siya ay hindi maitago ang pagkasiphayo ngunit kailangan din niyang maging matatag. Dagdag pa sa problema na kanilang kinahaharap ngayon na dumating sa kaniya ang isang masamang balita na nawawala ang kaniyang nakakabatang kapatid na si Prinsipe Ting Fei. Wala silang palagay kung saan ito napadpad.
Bahagya siyang napayuko saka hinilot-hilot ang kaniyang magkabilang sentido. Sa ngayon ay binabaha na siya ng matinding problema. Aminado siya, sa dinami-dami ay hindi na niya alam kung alin ang uunahin.
Samantala, nag-aalala ngunit tahimik naman nakatunghay sa kaniya ang dalawang tao na buong tapat na naglilingkod sa kaniya. Sina Heneral Peng at Lan na personal niyang tagapagsilbi. Nakatayo lang ang mga ito sa isang sulok ng kaniyang silid. Nais sana ng mga ito na makatulong.
Kumawala siya ng malalim na buntong-hininga. Napasapo na siya sa kaniyang mukha. 'Kung ang Imperatris ng Thilawiel kaya haharap sa problema na mayroon ako ngayon, ano kaya ang uunahin niya?' sambit ng parte ng kaniyang isipan.
"Kamahalang Imperyal..." nag-aalalang tawag sa kaniya ni Lan. Parang maiiyak na ito sa sobrang pag-aalala sa kaniya.
"May bagong ulat na bang dumating ukol sa paglusob ng mga halimaw sa Imperyo?" seryoso niyang tanong.
"Sa ngayon, ay patuloy pa rin pinipilit na pumasok ang mga halimaw sa ating teritoryo, Kamahalang Imperyal." seryosong tugon ni Heneral Yi Peng. "Huwag po kayo mag-aalala, agad rin po ako nagbigay ng utos na sumunod sa timog kanluran kung nasaan ang mga kalaban sa gayon ay dagdag puwersa para madepensahan pa ang bansa."
"Papaano naman ang mga kalapit-probinsiya? May balita ba kung may pinsala? Kung may nga mamamayan bang nadamay? Lalo na ang mga sibilyan?" sunod niyang tanong.
Napalitan ang lungkot sa mukha ni Heneral Peng sa naging tanong niya. Tahimik itong umiling ngunit naroon pa rin ang kalungkutan sa mukha nito.
Sa natanggap niyang balita ay kusang bumagsak ang magkabilang balikat niya. Hindi niya mapigilang mapakuyom ng mga kamao. Sa halip ay ibinaling ang tingin niya sa bintana ng kaniyang silid. Madilim ang kalangitan na nababalutan iyon ng ibang halimaw na malayang lumipilad sa ere, tila ayaw na ipakita sa kanila ang nalalapit na pag-asa para sa mundong ito. Sa puntong ito, nababalutan na ng kadiliman ang buong mundo dahil sa malaking digmaan sa pagitan ng mga demonyo at ng sangkatauhan.
Hindi ganito ang gusto niyang mangyari habang nasa naririto pa siya sa Jian Yu bilang namumuno. Ipinamulat sa kaniya kung anong mundo ang para sa kaniya. Kung ano ang buhay ang nakatadhana para sa kaniya. Na hindi lang ang sarili niya, ang dinastiya na ipinamana sa kaniya ng kaniyang ama't ina. Hindi lang rin ang buhay ng sarili niyang kapatid --- kungdi ang buhay ng mga mamamayan ng bansang ito. Dahil iyon ang ipinamulat sa kaniya ni Rini, ang babaeng pinangarap niya sa unang pagkakataon buhat na nagkaroon siya ng muwang sa mundong ito.
Binawi din niya ang kaniyang tingin mula sa labas. Bigla siyang tumayo na ikinagulat ng nina Heneral Peng at ang kaniyang personal na tagapagsilbi na si Lan. May bahid rin na pagtataka sa mukha ng mga ito sa kaniyang inakto. Kumawala siya ng malalim na bunton-hininga saka seryoso siyang bumaling sa dalawa na tila inaabangan ang susunod niyang gagawin.
"Kamahalan?" nagtatakang tawag sa kaniya ni Lan. Tinagilid pa nito nang bahagya ang ulo.
"Ipahanda ang akng damit-pandigma. Ngayon din." matigas niyang utos sa mga kasama.
BINABASA MO ANG
I'm Born as an Eryndor! (Book 1-3)
FantasyShe díed due overworking as a popular web writer, she never thought she could died like that in an appropriate state. Pero sabi nga nila, kung mabibigyan lang ka lang ng isa pang tyansa na mabuhay ulit and alas, she was reincarnated as a baby! Hindi...