Chapter 77

2.1K 124 1
                                    


Bakas sa mukha ni Vencel na hindi mapalagay habang mabilis tinatahak ang malawak na pasilyo ng Palasyo ng Thilawiel. Nakasunod lang sa kaniya sina Emperador Audrick at Emperador Kron. Natanggap kasi niya ang balita na payapang nakabalik na ng Thilawiel ang bunsong anak. At mas hindi nila inaasahan na balita na kanilang natanggap ay tagumpay na nawasak ni Rini ang Prerradith! Dagdag pa na tagumpay din nito napaslang ang Pamilyang Imperyal ng naturang Imperyo pati ang mga mamamayan nito. Ni minsan ay hindi sumagi sa isipan niya na magagawa 'yon ng kaniyang anak. O sadyang natural lang talaga na nananalaytay sa dugo nito na likas nga siyang Eryndor, walang pinapatawad sa oras na ito'y magagalit.

Nanatanaw nila ang mga nakahilerang mga tagapagsilibi sa mismong labas ng silid ng prinsipe at prinsesa na tagapagmana. Bakas sa mga mukha nito ang pag-aalala para sa bunso niyang anak. Nasa labas din ang mga ladies-in-waiting na kinabibilangan ni Nesta, ang iba pang mga kaibigan ng mag-asawa. Hindi tulad sa mga tagapagsilbi na nag-aalala, ang mga ito naman ay kalmado lang ang ekspresyon sa mga mukha ang nakaukit.

Kusa siyang huminto sa paglalakad. Tumapat siya sa harap nina Caldwell at Houstin. "Anong lagay ng prinsesa na tagapagmana?" 'yan agad ang naging tanong niya sa mga kaharap.

Nagbow muna ang mga ito bago siya sagutin. "Ligtas at nasa maayos na kalagayan po ang mahal na prinsesa na tagapagmana, kamahalan." si Caldwell ang sumagot. "Kasalukuyan po siyang nagpapahinga."

"Nagalusan ba siya o ano?" sunod niyang tanong. Hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa boses niya.

Agad umiling ang mag ito. "Wala pong galos na natamo ang kamahalan. "sunod nilang sagot.

Doon siya nakahinga ng maluwag. Nasaksihan 'yon ng kaniyang mga kasama na kapwa ding mga Emperador. Alam kasi ng mga ito kung gaano niya pinapahalagahan ang kaniyang mga anak. Pumikit siya saglit upang pakalmahin ang sarili. Di naglaon ay sunod niyang nilapitan ang pinto ng silid kung nasaan ang iba pa. Binuksan niya ito. Tumambad sa kaniya ang mga prinsipe, ang kaniyang mga manugang, ang mga Diyos at Diyosa ng bawat Imperyo. Agad idinapo ng kaniyang paningin ang kama kung nasaan ngayon si Rini. Hindi siya nagdalawang-isip na lapitan ito nang tuluyan. Marahan niyang hinawakan ang isa nitong kamay. Muli siya nakahinga ng maluwag dahil ramdam niya ang init ng kamay nito. Sensyales na hindi umabot sa pagitan ng buhay at kamatayan na kinahaharap ng bunsong anak.

"Anong sabi ng manggagamot?" malamig niyang tanong kay Otis.

"Maayos na siya, kailangan lang daw niya sa ngayon ay sapat na pahinga. Nasa maayos din na kalagayan ang kaniyang ipinagbubuntis." mahinahon nitong sagot.

Hindi na siya nakapagsalita pa. Sa mga narinig niya ngayon ay sapat na upang tuluyan nang maglaho ang umaapaw na pangamba sa kaniyang sistema. Sa halip ay mataimtim niyang hinawakan ang kamay ng anak. Pumikit siya't dinampian niya ng halik ang likod ng palad nito. Ilang saglit pa ay tumayo na siya ng tuwid. Marahan niyang binitawan ang kamay nito. Tumingin siya sa tatlong tao na kilalang kilala niya. Sina Haldir, Ivor at Tehisa. Nagpalitan silang apat na malamig na tingin. Bigla nabalutan ng tensyon sa pagitan nila. Mas malala pa ito kaysa sa tuwing nakakaharap niya ang tatlong Emperador.

"Kinakailangan nating mag-usap, Vencel." seryosong wika sa kaniya ni Haldir.

Kusa siyang tumango. "Tingin ko din." sagot niya. "Mas maganda kung sa hardin tayo mag-usap." nauna na siyang naglakad palabas ng silid.

Hinatid lang siya ng tingin ng mga prinsipe ng Cyan, may bakas na pagtataka sa mga mukha nito. Malaki na din ang pasasalamat niya dahil hindi makikita ito ni Rini dahil tiyak na babahain siya ng tanong sa oras na makita niya ang tensyon na nagaganap sa pagitan niya at ng mga Diyos at Diyosa ng Cyan.

Pareho silang tahimik hanggang sa narating nila ang hardin ng Palasyo. Tahimik niyang hinarap ang tatlo. Aminado siya na galit pa rin ang mga ito sa kaniya dahil sa nangyari sa nakaraan, lalo na't may kinalaman ito kay Theavia.

I'm Born as an Eryndor! (Book 1-3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon