Chapter 153

913 47 8
                                    

Malamig ang titig ko sa bag na nasa aking harap na naka-indian sit. Nakahalukipkip din ako pero ramdam ko na bumabaon na ang aking mga kuko sa aking balat. Abala ang mga kasamahan ko sa pagkukwentuhan sa salas, pinagkukwentuhan nila kung ano ang mga experience nila sa kanilang trabaho ngayong araw pero ako, iba ang bumabagabag sa aking isipan. Buong maghapon akong napapaisip kung bakit mga ilegal na droga na ang laman ng aking bag at hindi na ang mga mismong gamit ko para sa pag-aaral. Mabuti nalang ay hindi ito nakita ni Otis dahil paniguradong kukulitin niya ako kung ano ang mga ito.

Marahas akong nagbuntong-hininga malakas kong isinampang ang likod ko sa kama. Nilawakan ko ang aking kamay at tumitig sa kisame ng silid. Naniningkit ang mga mata ko. Biglang sumagi sa aking isipan ang lalaking nakabangga ko kanina. Hindi kaya siya talaga ang nagmamay-ari ng bag na ito at nakapalitan lang kami? Sayang lang at hindi ko nakita ang kaniyang mukha para maas madali para sa akin na malaman kung nasaan siya sa mga oras na ito sa gayon ay maisauli ko na ang bag na ito at bawiin ang akin lalo na't naroon ang school ID ko!

"My rose?" rinig kong boses ni Otis mula sa labas ng kuwarto.

Doon ako mabilis na bumangon at tumingin sa pinto. Inaabangan na mabuksan 'yon. Sa pagbukas nito ay tumambad sa akin si Otis na nakasimpleng printed shirt, track pants at tsinelas. Naglakad siya palapit sa akin at umupo sa gilid ng kama. "Anong problema?" salubong kong tanong. Binalewala ko ang bag na pinoproblema ko para hindi rin makuha ni Otis ang atensyon niya doon.

"Dumating na ang mag-asawang Black may mga dala silang pagkain para sa hapunan. Sinabi din nina Hyrus at Prinsipe Ting Fei na may pupuntahan daw tayo pagkatapos kumain." sagot niya.

Kusa akong tumango. Umalis na ako sa aking pwesto at tumayo na. "Kung ganoon ay sasalubungin na natin sila." wika ko pa. Magmamartsa na sana ako sa pinto nang bigla niya akong pinigilan sa paghawak niya sa isa kong braso. Isang pagtatakang tingin ang umukit sa aking mukha nang sulyapan ko siya. "Otis?"

"Tila may kakaiba sa 'yo, my rose." aniya.

"H-ha?"

Hindi siya agad nagsalita. Sa halip ay tumitig pa siya sa akin ng ilang segundo pa. Sa pamamagitan ng mga mata niya at tila kinakausap ako. Mas nangingibabaw ang pagtatanong. Ano pa ba ang aasahan ko? Kilalang kilala na ako ng asawa ko. Bawat galaw, bigkas, tono, ni hibla ng aking buhok ay alam na alam niya.

Marahan kong ipinikit ang mga mata ko. Sumilay ang banayad na ngiti sa aking mga labi. Umiling ako bilang tugon. "May bumabagabag lang sa akin." pag-amin ko. "Pero mababaw na suliranin lang 'to kaya wala ka dapat ikabahala pa."

"Sigurado ka ba?" sunod niyang sabi.

Sunud-sunod na tanong ang ginawa ko. "Pangako, magiging maayos din ako." umalis na ako sa ibabaw ng kama. Marahan kong hinawakan ang isa niyang kamay. Hindi mawala ang ngiti sa aking mukha nang sulyapan ko siya. "Ang mabuti pa ay lumabas na tayo at salubungin natin ang mag-asawang Black sa labas. Natitiyak ko na nagugutom ka na din." hinila-hila ko siya hanggang sa tagumpay kaming nakalabas ng silid.

Tumigil lamang kami nang naabutan namin ang mga kasamahan namin nag-iingay. Sina Dilston at Calevi ay masayang nagkukuwentuhan. Si Prinsipe Ting Fei ay abala sa pinapanood niyang Chinese drama sa TV. Si Hyrus ay malapad ang ngisi habang may itinuturo siya sa aking kapatid na si Cederic. Ang mag-asawang Black naman ay abala sa Kusina. Inilipat ang mga take out na pagkain sa mga plato. Humakbang pa kami palapit sa sofa. Napukaw namin ang kanilang atensyon.

"Sa wakas, lumabas ka rin, Rini!" puna ni Cederic. Mabilis siyang tumayo. "Ang sabi sa akin ni Hyrus. Subukan ko daw mang-chicks habang naririto daw tayo sa mundo ng mga mortal."

"Chicks?" ulit pa ni Otis. May bahid na kainosentehan 'yon. Tinagilid pa ang ulo na siya naman ang pagtalikwas ng aking kilay.

"Oo, chicks. Ibig sabihin daw ay mas magiging magagandang lalaki daw ako sa oras na gagawin ko daw ang bagay na 'yon."

I'm Born as an Eryndor! (Book 1-3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon