Simple at palaaral na estudyante noon si Hyrus sa mundo ng mga mortal. Sa katunayan ay hindi niya gusto ang atensyon. Sapat na sa kaniya na nakakasama daw niya ang kaniyang pamilya at mga kaibigan, at syempre, ang mapabilang sa mga iskolar sa isang unibersidad. Pero habang nasa gitna siya ng pagkasubsob niya sa pag-aaral at bigla daw nagliwanag ang buong silid niya hanggang sa matagpuan niya ang kaniyang sarili sa silid ng pagtawag na parte din ng Palasyo. Doon niya nalaman na mataimtim siyang ipinatawag ng mga malalakas na salamangkero na mismong ipinag-uutos ng dating Emperador ng Cyan, si Emperador Haremis Eryndor, ang mismong lolo ni Vencel sa tuhod. Ipinaliwanag daw sa kaniya na si Hyrus daw ang magiging bayani ng Cyan dahil ito mismo ang nakikita ng dating Emperador----may kakayahan ito na makita ang magaganap.
Noong una syempre, hindi matanggap ni Hyrus ang naging kapalaran niya. Ayaw niya sa mundo na kaniyang kinalagyan. Ni hindi niya lubusang kilala ang mga naririto. Ni hindi niya maitindihan ang mga salita at letra na nakikita niya. Tila nangangapa siya sa dilim. Wala siyang sandingan maliban lamang sa kaniyang sarili.
Ngunit dahil sa tulong ng binatang emperador, tinutulungan siya nito. Nag-umpisa siya sa wala. Mismong ito ang nagturo sa kaniya kung papaano makipaglaban laban ang mga sandata, maski ang mahika na kahit kailan ay hinding hindi makapaniwala si Hyrus na magagawa niya ang mga bagay na 'yon habang naririto siya sa mundong ito---na imposibleng mangyari 'yon sa mundo ng mga mortal.
Lahat ginawa niya. Pero dahil matalino siya, sa maiksing panahon lang ay naging bihasa siya sa pakikipaglaban. Umangat pa ang tingin sa kaniya ng mga Cyanian sa kaniya sapagkat, ilang digmaan na ang natagumpayan niya. Ilang paligsahan lang din ang kaniyang ipinalo. Masasabing isa siya sa mga dahilan kung bakit mas naging kilala ang bansang Cyan dahil sa marami niyang nagawa.
Liban sa kaalaman ng lahat, gumagawa rin ng paraan si Hyrus upang makabalik siya sa mundo na kaniyang pinanggalingan. Liban sa nakikita ng lahat, nananatili pa ring nangungulila ang binatang si Hyrus. Nasasabik siyang makita ang syudad na madalas niyang nakikita habang nasa labas siya ng kanilang bahay noon. Ang makakausap ang mga malalapit na kaibigan at mga kapamilya, maski ang mga kamag-anakan. Nasasabik din niyang pakinggan ang turo ng mga professor sa unibersidad. Lahat. Lahat ng buhay na mayroon siya noon, subalit, wala siyang napala. Wala siyang nakuhang kasagutan sa kaniyang mga tanong.
Hinayaan niya muna ang bagay na 'yon habang ginagawa pa rin niya nag tungkulin niya bilang kinikilalang bayani ng Cyan. Mas naging malapit siya sa emperador at naging matalik silang magkaibigan. Hindi niya magawang umalis sa tabi nito hanggang nagawa nang mag-asawa ang emperador.
Hindi niya makalimutan ang araw na naghihingalo ang Emperador Haremis sa malapad at malambot nitong kama sa silid nito dahil sa katandaan. Walang gabi na hindi niya ito binabantayan.
"H-Hyrus," tawag sa kaniya ng matandang emperador.
"K-kamahalan!" malakas niyang tawag sa kaniyang nagsisilbing guro. Kasabay na tumayo siya mula sa sofa na nasa tabi lang ng kama. Mabilis niyang dinaluhan ang matanda at mahigpit na hinawakan ang isang kamay nito. "May kailangan po ba kayo?" hindi mabura sa boses niya ang labis na pag-aalala.
Hindi agad sumagot si Emperador Haremis, sa halip ay tinititigan pa siya nito. Sa huli ay sumilay ang matamis nitong ngiti. "Matagal na panahon na din pala... Nakalipas... Nang ipinatawag kita..."
Siya naman ang natahimik. Nanumbalik sa kaniyang isipan ang mga alaala buhat na nakarating siya sa hindi pamilyar na lugar. Imbis, itinukod niya ang isa niyang tuhod. Lumapat 'yon sa sahig pero nanatili pa rin siyang nakahawak sa kamay nito.
"A-alam kong huli nang... Sabihin ko 'to sa 'yo... Hyrus... Patawad... Patawarin mo ako... Kung... Tinangay ko ang... Buhay mo sa dati mong... M-mundo..."
BINABASA MO ANG
I'm Born as an Eryndor! (Book 1-3)
FantasyShe díed due overworking as a popular web writer, she never thought she could died like that in an appropriate state. Pero sabi nga nila, kung mabibigyan lang ka lang ng isa pang tyansa na mabuhay ulit and alas, she was reincarnated as a baby! Hindi...