Chapter 139

1K 73 1
                                    

"Patawad po, Kamahalan!" malakas at sabay na wika ng dalawang babae na umaway kina Rina. Balak pa tumakbo ang dalawa pero agad ko din sila nagawang habulin. Dumapo ang mga palad ko sa mga balikat nila. Halos matalon sila sa gulat sa ginawa ko. Their eyes and mouth were shaking because of my horrible presence."K-kamahalan..." tawag nila sa akin na punung-puno ng pagmamakaawa pero sadyang sarado ang isipan ko. Hindi nila magagawang burahin ang galit ko sa pamamagitan lang ng pagtawag nila sa akin.

"Rini!" rinig kong tawag sa akin ni Rina. Agad niya akong dinaluhan pero ipinagtataka ko na bigla niyang tinanggal ang mga kamay ko mula sa pagkahawak sa mga babaeng nang-away sa kaniya. Ang mas ikinagulat ko pa ay hinarang niya ang kaniyang sarili sa mga ito! "Huminahon ka muna, Rini..."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Sa mga narinig kong mga pangit na salita n aibinabato sa iyo, may oras pa ba akong huminahon, Rina?" malamig kong saad. Nang sabihin ko sa kaniya ang mga bagay na 'yon ay kita ko kung papaano siya nawindang. Bakit nababasa ko sa kaniya na parang natatakot siya sa akin kahit hindi naman talaga siya ang sadya ko upang takutin? Para maibsan kahit papaano ang negatibo niyang nararamdaman ay ibinaling ko nalang sa ibang direksyon ang aking paningin. "Isa ka ring Eryndor, Rina. Dugo ng mahal na emperador ang nananalaytay sa 'yong katawan. Dahil parte ka ng Pamilyang Imperyal, walang sinuman ang maaaring mang-insulto sa 'yo dahil pagbabayaran nila ito ng malaki---kamatayan."

Daig mo malakas suminok ang dalawang bruha sa huling pangungusap na aking sinabi. Mas lalo lumalaki ang takot sa kanila ngayon.

"Pero naisip ko din na tama sila, Rini." pahina niyang sagot. Yumuko siya sa harap ko. "Hindi ako katulad ninyo na matapang at magaling sa pakikipaglaban... Baka tama sila... Na hindi talaga ako isang Eryndor..." halos pumiyok na siya saka umalis siya sa harap ko. Tumakbo siya palayo sa amin.

"Rina!" malakas kong tawag sa kaniya. Animo'y isa siyang bingi. Hindi niya magawang tumigil. Pinili niyang tumakbo pa lalo palayo sa amin hanggang sa nawala na siya sa aming paningin.

Lihim ko kinagat ang aking labi. Kinuyom ko ang aking mga kamao. Mabilis kong tinapunan ng matatalim na tingin ang dalawang bruha tila sinisisi ko sila kung bakit nakaramdam ng ganoon ang aking kakambal!

"Xaris, damputin ang dalawang ito at dalhin sila sa harap ng Emperador Vencel, ngayon din." malamig na utos ni Otis sa kaniyang sagradong sandata.

Bigla itong sumulpot sa aming harap. Yumuko ito. "Naiitindihan ko po, Kamahalan." at ginawa nga ang ipinag-uutos sa kaniya.

Lumapit naman sa akin si Otis. Dumapo ang isang palad niya sa aking balikat. "Ang mabuti pa ay habulin mo muna siya, my rose. Hindi niya kabisado ang lugar na ito. Baka ito ang dulot ng pagwawala ng 'yong ama at ng 'yong mga kapatid sa oras na malaman nilang nawawala ang Prinsesa Rina."

Tumango ako. Tanda ng pagsang-ayon ko sa kaniya. Pormal naman na lumapit sa akin si Elvin, nagprisinta siyang tutulong sa paghahanap sa aking kakambal, gayundin ang aking bayaw na si Prinsipe Hadden. Samantalang sina Otis muna ang bahala sa mga bruha, kailangan din nila ang kooperasyon ng mga babaeng kasama kanina ni Rina para malaman ang tunay na pangyayari bago man kami dumating. Atleast, may witness.

Tinahak namin ang daan kung saan dumaan si Rina. Inactivate ko ang clairvoyance skills ko, para malaman ko kung saan siya eksaktong pumunta o kung saan siya mapapadpad pero bigla akong huminto sa pagtakbo. Naramdaman 'yon nina Hadden at Elvin. Nagtataka siya sa ikinilos ko.

"Ate Styriniana, anong problema?" nagtatakang tanong sa akin ni Hadden.

"Kamahalan?" si Elvin na may pag-aalala sa mukha.

Nanlalaki ang mga mata ko nang tingnan ko silang dalawa. "May malaking problema, Hadden, Elvin..." mahina kong turan. Nanatili silang nakatitig sa akin, inaabangan nila ang susunod kong sasabihin. "Hindi ko makita ko Rina. Hindi siya masagap ng kapangyarihan ko!"

I'm Born as an Eryndor! (Book 1-3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon