Chapter 155

872 35 0
                                    

Tumigil ang mga paa ni Miriel nang narating niya ang isa sa mga balkonahe ng kaniyang Palasyo, ang Draveth. Kahit na nasa kawalan matatagpuan ang kaniyang Kaharian ay magagawa pa rin niyang matunghayan kung ano ang mga kaganapana sa ibaba. Ni katiting ay hindi makakaligtas sa kaniyang paningin. Sa haba ng panahon ay ngayon lang niya naramdaman ang kalungkutan. Iyon ay nawala ang presensya ng inaakala na nag-iisang prinsesa ng Cyan na ngayon ay kinikilalang Emperatris ng Thilawiel na kasalukuyan itong nasa mundo ng mga mortal dahil sa ibinigay niyang misyon. Subalit, ang mas nakakapaglungkot sa kaniya ngayon ay ang ang kaganapan sa Thilawiel. Kahit ganoon ay maski siya ay nag-iisip siya ng paraan upang hindi lumobo ang dami at dumadarating na mga kalaban habang hinihintay nila ang pagbabalik ni Rini at ang mga kasamahan nito. Biglaan din ang kaniyang pagbabalik dito ay sa kadahilan na kinakailangan ang kaniyang presensya.

"Aking Panginoon, narito na po sila. Naghihintay na po sila sa inyong tanggapan." pormal na tawag sa kaiya ni Ezuna, ang kaniyang personal na kanang-kamay. Bahagya itong nakayuko kahit na nakalikod pa siya. Nanatili pa rin itong magalang at malaki angrespeto na ibinibigay sa kaniya.

Tinagilid niya ang ulo. "Naiitindihan ko. Papunta na ako." kaniyang sambit. Agad din niya hinarap ang kanang-kamay at nag-umpisa na niyang talikuran ang kaniyang nasasakupan na magulo pa rin. Ngunit, sisiguraduhin niyang babalikan niya ang mga emperador upang bumisita.

Nang nakalabas na siya sa kaniyang silid ay nanatiling nakasunod sa kaniya si Ezuna hanggang sa narating nila ang mismong silid-tanggapan. Nadatnan niya ang mga naghihintay sa kaniya. Mga kapwa din niyang diyos, matuturungan na kasing lebel lang ito nina Ceca, Frostine at ng mga iba pang diyos mula sa iba't ibang panig ng Imperyo. At dahil siya ang pinakamataas na katungkulan sa mundong-ibabaw ay kusang tumunog ng malakas ang kampana bilang tanda sa kaniyang padating. Walang alinlangan na pinagbuksan siya ng malaking pinto at humakbang papasok sa naturang silid.

Agad niyang napukaw ang atensyon ng mga bisita. Tulad ng iba pa niyang nasasakupan ay agad lumuhod ang mga ito upang magbigay pugay sa kaniyang pagdating. "Binabati po namin kayo, aming Panginoon." sabay-sabay na bati ng mga ito sa harap niya.

"Maaari na kayong magsitayo." malumanay niyang saad. Mabilis niyang dinaluhan ang hugis-bilog na mesa. Agad siya dinaluhan ni Ezuna. Hinila ang silya at inaalalayan na makaupo. Mahina siyang nagsabi ng pagpapasalamat. Tahimik na tango lamang ang isinagot nito sa kaniya saka umatras ito paatras. Tumayo ito sa isang sulok at tahimik na makikinig sa kanilang pag-uusap at kung ano ang magaganap ngayon. "Nais ninyo raw ako makausap. Maaari na nating simulan at pakinggan ang bawat daing ninyo."

Bago siya sagutin ay nahuli niya na nagpalitan ng tingin sa isa't isa ang mga kaharap bago man ito magsimula na magsalita. Ngunit, sa nakikita niya ay wala siyang nakikitang mali. Sa halip ay ginagapangan siya ng kaba dahil sa nababasa niyang ekspresyon sa mga bisita. Tila isang malaking problema na naman ang hatid na balita sa kaniya---panibagong trabaho na naman ang gagawin niya sa kalagitnaan ng problema na kinahaharap nila sa mga demonyo!

"Panginoon, nais po naming sabihin na malaking pagkabahala ang umaapaw sa amin sa mga oras na ito." wika ng isa sa mga lupon.

Kusang naningkit ang kaniyang mga mata. "Anong ibig mong sabihin?" may bakas na pagtataka 'yon.

Kumawala ito ng malaking buntong-hininga. "Hindi lang ang mga demonyo ang lumalabas ngayon. Maski ang mga nilalang na hayop na tao ay lumalabas na din sa kani-kanilang kuta." lakas-loob na tugon nito. "Ang buong akala natin ay ang tanging Panginoon ng mga demonyo at ang mga kampon nito ang bibigyan natin ng pansin sa pagkabahala na maghahasik ito ng lagim, na gugulo sa tahimik na mundong ito, ngunit, nagkakamali tayo."

Natigilan siya sa ipinahayag ng kaharap. Napalunok siya't bahagyang iniyuko ang kaniyang ulo. Lumapat sa mesa ang kaniyang paningin. Siya nga, hindi inaasahan ang balita na kaniyang naririnig ngayon. Iyon din ang kaniyang kalkulasyon. Ang mga nilalang na kalahating tao at kalahating halimaw ay nagulo na din. Siguro ay dahil na din may dugo ng mga demonyo din na nalalaytay sa mga katawan nito. Sa pagkakatanda niya ay matagal nang nailagay sa tahimik ang mga nilalang na ito. Binigyan niya ito ng lugar na malayo sa gulo at mangangako na wala itong papanigan sa hinaharap pero ano ito? Maraming katanungan ang pumapasok sa kaniyang isipan subalit, wala siyang mahanap na tamang kasagutan!

I'm Born as an Eryndor! (Book 1-3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon