Nanatiling nakatayo ang mga diyos at diyosa mula sa mundong ibabaw at mundong ilalim sa likuran nina Lorah, Miriel at Hyrus. Tila hinihintay ng mga ito ang maaaring ipag-uutos sa kanila ng kani-kanilang pinuno. Kasabay na rin na tahimik nilang pinapanood ang mabilis na pag-iiba ng kalangitan. Mas lalo dumilim ito. May lumalabas mula doon ng mga malalakas na kulog at kidlat, tila nagbibigay abiso ng mga ito na magsisimula na nga ang isa sa mga malalaking digmaan na magaganap sa buong kasaysayan ng mundong ito. Hindi rin nagpapahuli na umihip din ng malakas ang hangin.Hindi nila maitago ang labis na pag-aalala sa kanilang mukha habang pinagmamasdan nila ang madilim na kalangitan, ngunit hindi pa rin nagpapatinag ang buwan na patuloy pa rin nagpapakawala ng kulay pula nitong sinag sa paligid nito. Mataimtim silang naniniwala sa mga kakayahan ng mga prinsipe na tagapagmana mula sa mga malalakas na Imperyo sa mundong ito, lalo na sa mga mata ng kaluluwa. Subalit, alam din nila na hindi sapat ang pwersa ng mga prinsipe at prinsesa upang tuluyang matalo ang kampon ng kadiliman, lalo na ang Panginoon ng mga demonyo. Umaasa na rin sila sa mga malalakas na abilidad na ngayon ay nasa katawan na ng mga itinakdang Emperador at Inperatris ng Thilawiel. Dahil naniniwala sila ang mga ito ang makakatalo sa mga kalaban.
Humakbang ng isa sa paharap si Myvia, ang diyosa ng mundong ilalim. Ang diyosa na paglilihim. "Aming Panginoong Lorah, hindi sa pinagdududahan ko kayo, subalit, nasisiguro po bang hindi nila kailangan ang mga tulong namin bilang mga diyos at diyosa?" bakas sa boses nito ang labis na pag-aalala.
Bahagyang lumingon si Lorah. Mapait itong ngumiti. "Kung ano ang magiging kapalaran nila ay siya ang magaganap, Myvia." malumanay nitong pahayag. "Ang tanging magagawa lang natin sa ngayon ay maprotektahan natin ang bawat bansa na inyong pinapangalagaan." tukoy nito ang mga diyos at diyosa mula sa mundong ibabaw.
"Matutuloy kaya itinakda na nakikita ng mga mata ng kaluluwa noon?" pormal na usisa naman ng diyosa mula a bansang Cyan, si Tehisa.
"Kung magagawa niya itong pigilan, makakagawa siya ng paraan." seryosong tugon naman ni Miriel. Humarap ito sa mga disipulo. "Sa ngayon, kailangan ninyo nang bumalik upang iligtas ang lahat, hindi lang ang mga bansa na inyong pinanggalingan, kahit ang mga Pamilyang Imperyal."
Yumuko ang mga ito bilang magbigay-pugay sa kanila hanggang sa tuluyan nang nawala ang mga ito isa-isa. Tanging sina Ceca at Frostine ang tanging naiwan sa grupo ng mga diyos at diyosa. Humakbang ang mga ito palapit sa tatlong nakakataas saka lumuhod ang dalawang diyosa. Mas iniyuko pa ang mga ulo nito.
"Ceca, Frostine..." si Lorah na may pagtataka sa mukha.
"May nais lamang kaming malaman," panimula ni Ceca. "Wala na bang pag-asang... Mabuhay muli ang dating Emperador? Ang yumaong Emperador Audrick?"
Bakas sa mukha ng tatlong Panginoon sa naging tanong, lalo na si Lorah, ngunit sa huli ay umiwas ito ng tingin. Kita sa mukha nito ang labis na kulungkutan. Hindi maipagkaila na nabigla ito nang malaman na napaslang ang mortal na kaniyang minahal noon. Sa katunayan ay wala na itong mahihiling pa. Lahat ng bagay na nagawa nitong itindihin. Kahit pa na kailangan ang katawan nito upang dalhin sa kaniyang sinapupunan ang dalawang sanggol na dala ang dugo ng Emperador at Imperatris ng Cyan. Ang magkambal na Prinsesa Rina at Prinsesa Rini.
"Ang aking tugon sa 'yong katanungan... Hindi ko alam, Ceca. Kung mas napaaga lamang ang aking kamalayan mula sa mahabang panahon ng aking pagtulog, nasisiguro ko na magawa ko siyang buhayin sa gayon ay hindi maghihirap sa sakit at pait ang naiwan niyang mga anak." pagpapaliwanag nito. Hindi pa rin nabubura ang pait sa tono nito.
Mariing pumikit si Ceca, kumawala ng malalim na buntong-hininga, tanda na nawawala na siya ng pag-asa. Samantalang ang kasama nitong si Frostine ay hindi mapigilang magtiim-bagang, tila hindi pa tanggap kung ano ang magiging kapalaran ng yumaong Emperador. Sa loob-loob nito, tahimik niya sinisisi ang sarili dahil sa maagang pagkawala nito sa mundo. Kung naroon lamang siya upang may kasama ang ama ni Otis, hindi mangyayari ang lahat nang ito. Mas maiiwasan sana nila ang kapahamakan. Sana ay nagawa niyang pigilan ang naitakda!
BINABASA MO ANG
I'm Born as an Eryndor! (Book 1-3)
FantasyShe díed due overworking as a popular web writer, she never thought she could died like that in an appropriate state. Pero sabi nga nila, kung mabibigyan lang ka lang ng isa pang tyansa na mabuhay ulit and alas, she was reincarnated as a baby! Hindi...