# CHAPTER48
"Nawawala si Birley! Nawawala ang nakakabata mong kapatid, Maria!"
Nang marinig ko 'yon ay kusang gumalaw ang aking katawan. Nagmamadali akong lumabas mula sa dressing room. Rinig ko ang pagtawag sa akin ni Otis sa aking pangalan nang ilang ulit pero hindi ako nagpatinag. Hindi ko inaasahan na dito pala sa lugar na ito ay maghahasik ng lagim ang mga mandurukot!
Nararamdaman ko na naman ang pagkabagal ko dahil sa aking suot kong long gown pati na din sa mataas na sapatos! Kusa akong huminto. Mabilis kong hinubad ang aking sapatos saka nagpatuloy ako sa pagtakbo. Kailangan kong bilisan sa gayon ay maabutan ko pa ang mga walang hiya! Kailangan ko sila mahuli kahit anuman ang mangyari.
Wala rin akong pakialam kung nakakuha ako ng atensyon ng mga tao na nakapaligid sa akin dahil sa ikinikilos ko. Ang importante sa akin ngayon ay maabutan ko si Birley at mabawi. Pati na din mahuli ang mga dumukot sa kaniya upang madala ko siya sa Palasyo upang mabigyan ng paglilitis. Kailangan ko malaman kung saan nila dinadala ang mga bata na nabiktima nila!
Nang nakarating na ako sa labas ng gusali ay tumigil ako saka panay linga ko kung saan-saan. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Inactivate ko ang aking clairvoyance skills ko. Kahit na nakapikit ako ay kusang kumunot ang aking noo. D-mn, wala akong makita na kahina-hinala! Hindi ko matukoy kung nasaan sila!
Hindi pa ako kuntento, muli ako tumakbo habang patuloy pa rin sa paghahanap ang mga mata ko. 'Nasaan ka, Birley?!' sigaw ng bahagi ng aking isipan.
Muli ako tumigil. Nagpameywang ako. Marahas ako kumawala ng malalim na buntong-hininga upang maibsan ang hingal aking nararamdaman mula sa pagtatakbo ko.
"Rini!" malakas na tawag sa akin ni Otis.
Tumingin ako sa kaniya. Naguguluhan siyang lumapit sa akin. Nagawa niya akong mahabol. Nakatingin lang ako sa kaniya na may pag-aalala sa mukha.
"Anong nangyayari?" kahit sa boses niya, bakas din na naguguluhan.
"Parte ito ng aking trabaho, Otis." sambit ko. "Bilang pinuno ng pangtalinong sandatahan, ang pagdukot sa mga bata ng Cyan ay kasalukuyan kong operasyon." ipinakita ko sa kaniya kung gaano ako kafrustrated ngayon.
Umawang ang kaniyang bibig sa kaniyang narinig. Oo nga pala, hindi rin pala nabanggit ni Cederic sa kanila na binigyan ako ng sariling hukbo ni Vencel. "Pangtalinong sandatahan?" ulit niya na hindi makapaniwala.
Hindi ko magawang sumagot sa kanila sa pamamagitan ng salita, sa halip ay nanatili akong nakatingin sa kaniya.
Nagbuntong-hininga siya. Umukit ang kaseryosohan sa kaniyang mukha. "Sige, sabihin mo sa akin ang lahat at makikinig ako, my rose."
**
Patuloy na inaalo ni Maria ang kaniyang ina na kanina pa umiiyak, habang ang kaniyang ama naman niya na si Bisconde Stodge seryoso siya nakikipag-usap sa awtoridad. Pinabalik ko si Nesta sa Palasyo upang sunduin sina Caldwell, Houstin, at para na din ibigay-alam kay Raegan na kailangan na namin ng tulong dahil plano ko ngayong gabi ay sisimulan na namin ang imbistigasyon at operasyon. Ipinag-utos ko din na papuntahin dito ang ni isa o dalawa man sa mga on trainee ko, dagdag suporta na din kung sakali.
Nasa hindi kami kalayuan ni Otis, sinabi ko rin sa kaniya kung ano ang problema na kinahaharap ngayon sa Cyan at 'yon ay dinudukot ang mga bata, mapababae man o mapalalaki saka ibebenta ito kung saan man. Sinabi ko rin sa kaniya na wala pa rin kaming nakukuhang bakas upang matukoy kung saan namin makikita ang mga dumukot sa mga biktima. Sinabi ko rin sa kaniya na si Birley Stodge ay nakakabatang kapatid ni Maria.
"Masyadong matatalino ang mga mandurukot." seryoso niyang kumento habang hinihimas niya ang kaniyang baba. "Talagang sinisiguro nila na wala silang maiiwan na bakas."
BINABASA MO ANG
I'm Born as an Eryndor! (Book 1-3)
FantasyShe díed due overworking as a popular web writer, she never thought she could died like that in an appropriate state. Pero sabi nga nila, kung mabibigyan lang ka lang ng isa pang tyansa na mabuhay ulit and alas, she was reincarnated as a baby! Hindi...