Chapter 69

2.3K 137 13
                                    


Mabilis kaming nakabalik sa Palasyo sa mapapagitan ng portal na ginawa ni Otis. Kasabay namin sina Ceca at Frostine na nakabalik dito. Pati na din ang mga tagapag-alaga ng Severassi. Napag-alaman din namin na ang mga binatilyo nilang kasama ay mga nag-uumpisa palang sa pagiging kabalyero pero mismo si Calevi na nag-utos sa mga ito na samahan ang mga tagapag-alaga upang makarating dito.

Dahil emergency na din ito, humiling kami na makipagkita kay Emperador Audrick para ibigay alam namin sa kaniya ang suliranin na kinahaharap ngayon ng Severassi. Nagbigay din kami ng kautusan na sunduin ang mga Emperador mula Cyan at Oloisean na ipadala ang mahalagang balita na ito na agad din sinunod. Ipinatawag ko din sina Caldwell, Ceola at Houstin dahil kinakailangan ko sila para sa mas lumalakas ang lakas namin. Si Otis naman ay meron din siyang ipinatawag na tao na nakapaligid lang daw sa Thilawiel.

Habang hinihintay namin ang pagdating mga pamilyang Imperyal ay kinukuha muna namin ang panahon na ito upang mapagaling at makapagpahinga ang mga tagapag-alaga at mga batang kawal sa pinahiram naming mga silid. Sa tulong din ng mahika ay mas bumilis ang pagpapagaling nila.

Lihim ko kinakagat ang aking labi habang pinagmamasdan ko ang mga bata kahit na mhihimbing ang mga tulog nila ngayon. Nasa tabi ko si Otis, ramdam ko ang marahan na pagdapo niya sa aking balikat na dahilan upang tingnan ko siya na may pag-aalala sa aking mukha.

"Otis..." halos manginig na ang aking boses.

"Huwag ka mag-alala, my rose. Magiging maayos din ang lahat. Matibay si Calevi, siya basta-basta mamamatay sa kamay ng kalaban." pag-aalo niya, subalit ramdam ko din ang pag-aalala sa kaniya.

Tumango ako. Isang mapait na ngiti ang iginawad ko para sa kaniya. Idinaan ko nalang sa malalim na paghinga ang kaba at takot na gumagapang sa akin para kay Calevi. Kahit ako, alam kong malakas si Calevi pero hindi ko inaasahan na madali lang siya matalo nang ganito.

Sinubukan kong matulog ng gabing 'yon. Ngunit, sadyang ayaw makisama sa akin diwa. Nanatili pa rin itong gising. Ang tanging magagawa ko lang ay makipagtitigan sa kisame ng aming kuwarto. Mahimbing naman natutulog si Otis sa aking tabi.

Hindi ako makatulog. Ilang beses nanumbalik sa aking isipan ang nakita kong pangitain noon---na babagsak ang Thilawiel dahil sa isang tao. At 'yon ay inaalam ko pa hanggang ngayon. Ilang beses ko pa nirereview ang kuwaderno at listahan na ibinigay sa akin ng mag-amang Cairon bago ang kasal namin. Walang araw na hindi ko tinitingnan at baka may nakaligtaan ako pero wala akong nakuhang sagot. Iniisip ko kung isang tao mula sa Prerradith nga ang nakikita ko? Pero sumagi din sa isipan ko ang kwento sa akin noon ni Otis. Nakaharap niya ang Imperyo ng Prerradith at nanalo sila. Pero bakit natalo ang Severassi? Ang mas ipinagtataka ko lang, bakit ang Severassi ang una nilang pinunterya at hindi ang Thilawiel mismo? Bukod pa doon, nakita ko sa pangitain ko na naririto din sa Thilawiel sina Calevi at Dilston.

Kinuyom ko ang aking mga kamao na nakapatong sa aking sikmura. Lihim ko kinagat ang aking labi. Kinakailangan kong gumawa o mag-isip ng paraan upang mailigtas ko si Calevi. Kailangan ko tuparin ang pangako na binatawan ko sa kaniya noong mga bata palang kami. Sa oras na magkaroon ako ng kapangyarihan at may kakayahan na akong makipaglaban, tutulungan ko siya. At ito na ang pagkakataon na 'yon!

'Maghintay ka lamang, Calevi. Gagawa kami ng paraan upang mailigtas ka namin... Kayo ng ama mo.'

Nang sambitin 'yon ng bahagi ng aking isipan ay dahan-dahan ko nang ipinikit ang aking mga mata. Pipilitin ko nang matulog.

**

Tatlong araw pang lumipas ay dumating na ang mga tao na inaasahan namin. Hindi ako nagsayang pa ng oras, agad ako naligo at nagbihis. Ibinilin ko kina Ramas at Raymound na pumunta sila sa mga minahan at ipabot ang aking sasabihin na hindi muna ako makakapunta na agad din nila ito sinunod.

I'm Born as an Eryndor! (Book 1-3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon