Chapter 110

1.3K 94 8
                                    

Nagising ako at natagpuan ko nalang ang aking sarili na nag-iisa sa isang silid. Sinubukan kong bumangon. Pinapakiramdam ko ang aking sarili. Mukhang ayos na ako, wala ang masakit na dinadamdam ko. Saglit, ilang araw ba ako nakatulog? Ang huling pagkaalala ko, pagkatapos akong ipakilala bilang bagong emperatris ng Jian Yu ay doon na sumakit ang aking dibdib. Hindi ko malaman kung bakit. Ang alam ko lang ay malusog naman ang aking pangangatawan. Wala akong sakit na iniinda, 'yon lang.

Mas minabuti ko nalang na tanggalin ko muna sa aking isipan ang mga bagay na 'yon dahil may mas importante pa akong gagawin. Kailangan kong magampanan ang aking tungkulin bilang emperatris ng bansang ito! Mas importante sa akin ngayon ay wala na akong dinadamdam at hindi na ako nanghihina. Sa ngayon ay kinakailangan ko munang maligo at magbihis. Nagmamadali akong umalis sa ibabaw ng kama saka hinawi ang kurtina palabas pero natigilan ako nang madatnan ko ang grupo ng mga tagapagsilbi. Umawang nang bahagya ang aking bibig sa aking nakikita. Tingin ko ay hindi tataas ng labing limang katao na nasa aking harap. Lahat sila ay lumuhod nang makita nila ang aking presensya saka nakayuko dahil hindi sila maaaring tumingin sa akin nang diretso sa aking mukha o aking mukha, tanging si Ju Fen o ang punong mayordoma at punong bating lamang ang maaaring tumingin at kumausap sa aking ng maayos.

"Payapa po namin binabati ang Kamahalang Imperyal, ang minamahal po naming Emperatris!" sabay nila ako sinalubong ng masiglang pagbati.

"Maaari na kayong tumayo." malumanay kong sambit. Bumaling ako sa isang babae na humakbang sa unahan. Base sa kaniyang pisikal na anyo ay mapapansin ko na mas matanda siya sa akin ng kaunti.

"Kamahalang Imperyal, pahintulutan ninyo po sana ipakilala ko ang aking sarili. Ako po Wei Niu, ang punong mayordoma at inatasan ng Kamahalang Imperyal, ang mahal na emperador na magsisilbi sa inyo." magalang niyang pagpapakilala sa akin.

May isang lalaki naman ang lumapit habang nakayuko, kapantay niya ang babaeng nangangalang Wei Niu. "Muli, binabati ko po ang aming ina. Ako po si Kang Shen, ang magsisilbing punong bating ninyo, mahal na emperatris. Sinisiguro ko po na maaasahan ninyo po ako, kami sa mga nais ninyong ipag-uutos sa hinaharap."

"Ikinalulugod ko rin kayo makilala. Sandali, ilang araw na pala akong nakatulog mula nagkasakit ako?" may bahid na kuryusidad sa aking tanong.

"Halos isang linggo po buhat nang hinimatay po kayo, Kamahalang Imperyal." si Wei Niu, ang punong mayordoma ang sumagot ng aking katanungan. Wala akong naramdaman na pagkagusto niya sa akin, Sadyang malumanay at pormal siyang sumagot. Bakit parang may naalala ako sa kaniya? Hindi ko lang matukoy kung sino 'yon. "Kasalukuyan pong nakahanda na ang inyong pampaligo at damit na susuotin. Ngayong umaga po ay babatiin po nila kayo."

Naningkit ang aking mga mata. "Sino...?" nagtataka kong tanong.

"Mga grupo po ng mga kababaihan na naninirahan din po sila dito sa loob ng Palasyo. Sila po ay mga naging asawa... ng mga dating emperador." sagot niya.

Nanigas ako sa aking kinakatayuan. "Mga naging asawa... Ng mga dating... Emperador?" hindi makapaniwala kong ulit.

"Opo, Kamahalan. Maipapaliwanag ko din po sa inyo ang lahat sa oras na mabati po nila kayo ngayong umaga."

Awtomatiko akong tumango, tila naiitindihan ko ang sinabi kahit na hindi pa talaga maproseso ang mga sinasabi niya sa sistema ko. Sa ngayon siguro ay kinakailangan ko munang kumilos at gawin na makaharap ko ang mga sinasabing mga dating asawa ng mga nagdaan na emperador ng bansang ito.

Pinaliguan at binihisan ako ng maayos bago ako hinatid sa isang silid---ang silid ng pagpupulong. Binanggit din sa akin ni Wei Niu dito daw madalas na nakakausap ng emperatris ang pangkat ng mga kababaihan. Lalo na ang mga kababaihan na matataas ang katungkulan at matataas ang ranggo. Hindi ko lang malaman kung magpapasalamat ako dahil ako ang pinili ng dragon at adarna at narating ko kung ano ang posisyon na meron ako ngayon o hindi. Pakiramdam ko kasi hindi maganda ang kinahinatnan sa oras na makakaharap ko ang mga ito. Bukod pa doon ay ito lang ang hindi naabot ng aking kaalaman. Hindi kaya ito ang binanggit sa akin ng mag-asawang Yi sa oras na maging ganap na akong emperatris at malalaman ko na ang mga magaganap at kung anong meron sa loob ng Palasyo?

I'm Born as an Eryndor! (Book 1-3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon