Nang nawala na ang magandang dalaga na nakausap ni Raegan ay may mga sunud-sunod na karwahe ang tumigil sa harap ng Manor. Nakita namin ang pagdating nina Calevi at Dilston. Natuwa din kami nang dumating ang aking kapatid na si Eomund at ang kapatid ni Otis na si Haring Mival, kita ko na nagbubulung-bulungan ang mga kadalagahan sa paligid namin. Kahit na sinadya nilang hinaan ang kanilang boses, naririnig ko pa rin sila. Pinag-uusapan nila kung nanatiling binata pa ang mga kapatid namin ni Otis. Kumsabagay, mga hari na sila ng bansa ngayon pero wala pa silang nakukuhang bilang mga reyna nila. Ibig sabihin, nag-iisip na sila ng paraan kung papaano sila makalapit sa dalawang hari.
Gusto kong matawa sa naiisip ko. Sa sobrang abala ng dalawang 'yan, medyo natatakot kami na baka tumandang binata ang dalawang 'yan. Mas interisado kasi sila sa pamamalakad at paghawak sa mga nasasakupan ng mga ito kaysa sa usaping pag-ibig. Kaya, goodluck nalang sa kanila.
Hindi lang sila ang inaasahan sa pagdating dito. May isang kakaibang karwahe din ang tumigil sa harap. Iyon din ang dahilan upang umingay na naman ang paligid. Pero sa nakikita ko, kilala ko na kung sino ang sakay doon. Isang ngiti ang sumilay sa aking mga labi, hindi lang ako. Pati na din ang mga prinsipe ng apat na Imperyo. Binuksan ang naturang pinto. Tumahimik ang paligid, tila inaabangan nila kung sino ang lalabas doon. ANg magkapatid na Yu, sina Emperador Shan at ang nakakabata nitong kapatid na si Prinsipe Ting Fei. Kusa silang nilapitan ng kanilang mga kanang kamay na sina Kapitan Du Yi at Heneral Peng. Muli nagbulung-bulung sa paligid. Mukhang may clue na sila kung sino ang mga taong ito.
"Anunsasyon, ang Pamilyang Imperyal mula sa bansang Jian Yu, ang Emperador Yu Shan at Prinsipe Yu Ting Fei!" malakas na sambit ng tagapagpahayag.
"Oh, hindi. Bakit naririto sila?"
"Hindi ba't magkaaway ang Jian Yu at ang Cyan? Hindi ba't may malalim silang alitan?"
"Ang lalakas ng loob nilang tumapak sa Cyan."
Dahil sa mga narinig ko ay uminit ang aking ulo. Marahas kong nilingon ang mga taong nagsasabi ng mga negatibong bagay laban sa magkapatid na Yu. Galing 'yon sa dalawang babae. Napaitlag sila sa ginawa ko. Tila napagtanto nila na ako pala ang nasa harap nila.
Pinanlisikan ko sila ng mga mata. "Kung wala kayong magandang sasabihin sa mga Jian, mas mabuti kung tahiin ang mga bibig ninyo." matigas kong sambit.
Mas nanaig ang takot nila sa sinabi ko. Napayuko sila saka humakbang palayo mula sa akin. Mas maganda ngang ganyan. Lumayo kayo sa akin para hindi pa mas uminit ang ulo ko sa mga walang kwentang pinagsasabi ninyo sa mga kaibigan ko. Tch.
"Mga kamahalan, Emperador Yu Shan, Prinsipe Yu Ting Fei." magiliw na lumapit si Bisconde Stodge sa mga bagong dating. "Maraming salamat at pinaunlakan ninyo ang aking paanyaya na dumalo sa gaganaping kasiyahan sa aming lugar."
Napangiti ang magkapatid. "Kami dapat ang magpasalamat, Bisconde Stodge. Sapagkat ay itinuring ninyo din kaming kaibigan kahit na magkaiba ang ating pinangmulan. Bilang ganti sa kabutihan ninyong loob, hayaan ninyong ihandog namin sa 'yo at sa 'yong pamilya ang mga munting regalo na ipinagmamalaki ng Jian Yu." wika ni Emperador Shan, binalingan niyasi Heneral Peng saka nagpalitan sila ng tango sa isa't isa.
Lumapit pa si Heneral Peng kay Bisconde Stodge. Inabot nila ito ng isang maliit na kahon. Nagtatakang binuksan 'yon ng Bisconde. Napaawang ang bibig nito nang masilayan niya ang laman ng naturang kahon. Ang Imperial Jade stone! "K-kamahalan... Masyadong malaki itong ibinigay ninyo!" malakas niyang bulalas.
"Hindi na mahalaga kung gaaano kalaki ang ibinigay namin kung mahalaga din ang pagkakaibigan na ibinuo natin, Bisconde." hindi nagbabago ang pagiging malumanay ng Emperador ng Jian Yu.
Kahit na nahihiya ay nagbigay-pugay pa rin ang Bisconde. "Iingatan po namin ito, Kamahalan. Maraming salamat. Hayaan ninyong ihahatid namin po kayo sa silid na nakalaan para po sa inyo."
BINABASA MO ANG
I'm Born as an Eryndor! (Book 1-3)
FantasyShe díed due overworking as a popular web writer, she never thought she could died like that in an appropriate state. Pero sabi nga nila, kung mabibigyan lang ka lang ng isa pang tyansa na mabuhay ulit and alas, she was reincarnated as a baby! Hindi...