Hinawi ni Kapitan Blazh Avarescu ng kaniyang kulay pilak na buhok nang tumapak na ang mga paa niya Kaptilo ng Cyan. Lihim siya napangiti. Sa wakas, nagawa na niyang makarating sa bansa kung saan na niya matatagpuan ang babaeng pinakamamahal at siya din ang dahilan upang mangulila siya ng labis. Nang makita niya ang litrato ni Rini sa isang pahayagan, labis ang pagkagulat niya. Hindi niya sukat-akalain na mas mapapadali ang paghahanap niya. Hindi nga lang siya makapaniwala nang nalaman niyang nag-iisang prinsesa pala ito ng Cyan, ang pinakamalakas na bansa sa mundo.Aminado siyang mahihirapan siya na makaharap niya ito sa oras na marating niya ang lugar kung nasaan ito ngayon pero pilit niyang maging kalmado at mas nilakasan pa niya ang kaniyang loo sa oras na makaharap naman niya ang kilalang Emperador ng bansa na 'to, si Emperador Vencel Eryndor. Oo, sadyang maingay ang pangalang Eryndor kahit saan man siya magpunta. Kilala ito bilang malupit na emperador, subalit hindi 'yona ng hadlang upang pumunta dito. Hindi ang emperador ang sadya niya, kungdi ang prinsesa, ang kaniyang iniibig. Alam niyang labis din siyang minamahal nito kaya hinding hindi siya aalis hangga't hindi niya kakausap ang prinsesa nang mata sa mata. Hindi na siya makapaghintay na marinig niya muli ang malambing nitong boses.
"Kapitan, anong plano mo...?" tanong sa kaniya ni Aldo na nasa kaniyang tabi, may bahid na pag-aalangan sa tono nito. "Mukhang mahihirapan po tayong makausap siya." sabay itinuro ang dalawang kawal na kasalukuyang nagbabantay sa malaking gate papasok sa Palasyo. "Mahigpit ang serguridad nila, tulad ng inaasahan."
"Walang problema, nasa ilalim ng pamumuno ng Cyan ang bansang Afoini. Sa oras na malaman nila na galing tayo sa bansang 'yon, mas mapapadali tayong papasukin." pagpapaliwanag niya. "At isa pa, nabanggit sa akin ni Binibining Nira na mababait naman daw ang mga Eryndor."
"Sa kaniya lang sila mabait dahil kilala nila ito pero sa kaso natin, mahihirapn tayo dahil tayo'y lubos na estranghero."
Sinamaan niya ng tingin ang binatilyong si Aldo. "Bakit ba kontra na kontra kang makita ko ang aking katipan, Aldo?!" nag-uumpisa na siyang mainis. "Ang sabi nga nila, lahat gagawin mo upang sa toang iniibig mo."
Hindi na nagsalita ito, sa halip ay ngumiwi. "Kung 'yan ang 'yong pasya, sino ba ako upang pigilan ka?" saka nagkibit-balikat ito. "Pero sana ay hindi nga magbago ang binibini sa oras na makaharap mo siya lalo na't kilala pala siya bilang nag-iisang prinsesa ng Cyan at isa sa mga bayani ng Loray."
Napangiti ako. "Kahit ako ay hindi ako makapaniwala na malakas pala ang aking binibini, Aldo." nag-umpisa na itong maglakad patungo sa entrahada ng Palasyo, kung nasaan ang dalawang bantay na kawal.
Tumigil siya sa harap ng isa sa mga kawal. Binigyan siya ng pagtatakang tingin. Alam niyang ganitong tingin ang ibibigay sa kaniiya.
"Magpakilala ka at sabihin ang sadya." malamig na sabi sa kaniya ng isa sa mga kawal.
Inilapat niya ang isa niyang palad sa kaniyang dibdib. "Ako si Blazh Avarescu, tumatayong kapitan ng mga hukbong kabalyerng kauutusan mula sa bansang Afoini. Isa po ako sa pinamumunuan ni Binibining Nira. Ang sadya ko ay makausap ng personal ang Kamahalan, ang Emperador Vencel. Sana ay mapagbigyan ninyo ang aking kahilingan, mga ginoo." pormal at magalang niyang sabi sa mga kaharap.
Hindi agad sumagot nag mga 'to. Nakita pa niya na nagkatinginan pa ang dalawa, inaasahan din niya na ganito ang mangyayari dahil ngayon lang siya nakita ng mga 'to pero hindi bale. Wala naman masama kung susubukan niya na makapasok.
"May dala ka bang kasulatan o nagpapatunay na isa ka ngang mamamayan ng Afoini?" tanong ng isa.
Hindi siya sumagot. Kusang gumalaw ang mga kamay niya. May dinukot siya mula sa bulsa ng kaniyang uniporme. Ipinasa niya sa mga ito ang isang maliit na papel na nagpapatunay ng kaniyang pagkatao. Tahimik na tinanggap ng mga ito ang papel. Binasa ang nilalaman nito. Tiningnan din nila na peke ba ito o hind. Nang napatunayan na hindi nga siya nagbibiro o huwad na Kapitan ay ibinalik sa kaniya ang papel. May tinawag pa sila na isa sa mga kasamahan mula sa loob na nagbabantay din.
BINABASA MO ANG
I'm Born as an Eryndor! (Book 1-3)
FantasyShe díed due overworking as a popular web writer, she never thought she could died like that in an appropriate state. Pero sabi nga nila, kung mabibigyan lang ka lang ng isa pang tyansa na mabuhay ulit and alas, she was reincarnated as a baby! Hindi...