Chapter 81

2.1K 126 5
                                    


Isang linggo nalang ang nalalabi bago ang paligsahan. Labis na ang paghahanda ng mga kabalyero ng Thilwiel, syempre kasama na din si Otis. Aba, hindi magpapahuli sina Ramas at Raymound dahil ako mismo ang nagsanay sa kanila. Mabuti nalang ay nakumbinsi ko si Otis na isali ang dalawa kong tagabantay sa gayon ay tumaas ang mga ranggo nila. At mabuti nalang ay pinayagan niya ito tutal naman ay kabilang naman ang dalawang ito sa kaniyang grupo. Laking tuwa din ng dalawa nang sinabi ko sa kanila ang pasya ng prinsipe na tagapagmana.

Masaya akong lumabas ng silid. Simple lang din ang aking suot at nakalugay lang aking buhok. Nagtatakang tingin ang sinalubong sa akin nina Nesta, Faila, at Regie. Gayundin sina Ramas at Raymound. Kakatapos ko lang kasing magbasa at mag-iisip ng mga bagay-bagay. Hindi man tungkol sa pamamalakad ng Thilawiel kungdi sa ibang bagay pa. Ewan ko nalang kung hindi magugulat si Otis kapag makikita niya ang sopresa ko sa kaniya.

"Binabati po namin, ang prinsesa na tagapagmana, Prinsesa Styriniana!" masigla niyang bati sa akin. Tumuwid din siya ng tayo, hindi pa rin nawawala ang pagtataka sa kanilang mukha.

"Magandang umaga din." balik-bati ko sa kanila. Nilagpasan ko sila na akala mo ay nagmamadali ako. Pero natigilan ako nang may napagtanto ako. Agad ko sila nilingon. "Ah, maaari bang samahan ninyo ako?"

Aligaga silang humarap sa akin. Akala mo ay naliwanag ang kanilang mukha sa tanong ko. "Saan po namin kayo sasamahan, kamahalan?" mas sumigla ang boses ni Faila nang tanungin niya 'yon.

"Sa imbakan." tipid kong sagot, nanatiling nakangiti.

Muli sila nagtaka. "I-Imbakan?" ulit pa nila.

Tumango ako. "Oo, may hahanapin kasi akong mga materyales doon. May gagawin din ako para sa papalapit sa paligsahan tutal ay hindi ako makakasali." saka ngumuso ako. "Kahit sa pamamagitan n'on, may maitulong ako sa para prinsipe na tagapagmana at sa koponan natin."

Suminghap sila. "S-sige po, kamahalan. Kung 'yan po ang naiisip ninyo, hayaan po ninyong tulungan po namin kayo kung anuman ang naiisip ninyo."

Pinalakpak ko ang aking mga palad, mas lumapad ang aking ngiti. "Kung ganoon, mag-uumpisa na tayo." wika ko. Muli ko sila tinalikuran. Muli kami naglakad. "Siya nga pala, nais ko sana na tayo-tayo lang ang nakakaalam nito. Huwag ninyong ipaalam sa prinsipe na tagapagmana itong gagawin ko."

"Wala pong problema, kamahalan." sabay nilang sang-ayon.

**

Napadpad kami sa pinakababang bahagi ng Palasyo kung saan namin matatagpuan ang storage room, dahil na rin sa turo ni Faila. Sa madaling salita, basement. Nalaman ko mismo sa kaniya na may dalawang klase daw silang storage room. Isa ay para sa mga kagamitan tulad ng mga materyales, at ang isa naman ay para sa pag-imbak ng mga pagkain. Upang madali makita ay naglagay din sila ng palatandaan. Ginawa nilang kulay puti ang pinto kung nasaan ang mga materyales, samantalang pulang pinto naman kung nasaan ang mga pagkain.

Nang buksan ni Faila ang pinto ay agad kaming pumasok sa loob. Tahimik kong iginala ang aking paningin sa loob ng silid, hinahanap ko kung anong mga materyales na maaari naming gamitin para sa paggawa ko ng bagay na 'yon. Ang unang nahagip ng aking paningin ay ang mga maliliit na balde na naglalaman ng mga pintura. Agad ko din binawi ang aking tingin saka inilapat ko 'yon sa ibang direksyon. Namataan ko ang isang tela na kulay off white. Kumawala ako ng ilang hakbang palapit sa storage rack kung nasaan nakasilid ang mga tela na nakita ko. Hinugot ko ang isa na hindi naman ito mabigat, sa ting ko. Nilapitan ako ni Regie upang maalalayan. Tahimik naming ibinuklat ang tela.

Napaletra O ang aking bibig nang tumambad sa akin na mas malapad pala ang tela na ito kaysa sa inaasahan ko. Kalahating bahagi lamang ang kailangan ko bilang isa sa mga materyales nito pero may naisip na din naman ako kung ano ang magagawa namin sa matitirang tela nito.

I'm Born as an Eryndor! (Book 1-3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon