Chapter 83

1.8K 129 6
                                    


Malalim na ang gabi. Tanging ilaw mula sa lampara ang nagsisilbing liwanag sa buong silid. Abala sa pagbabasa ng isang makapal na libro ang isang binata sa kaniyang silid na parte din ng sinasakyan niyang barko. Ito ang kaniyang pampalipas ng oras habang patungo sila sa Azmar kung saan ang kaniyang destinasyon. Kabilang din siya sa mga magiging kalahok ng paligsahan. Hindi dapat siya ang ipapadala ng kaniyang ama na isa namang hari sa bansang Caenleighn na kasapi dati sa Imperyo ng Prerradtih. Dapat ang nakakatanda niya ang kapatid ang ipapadala nito ngunit abala ito sa mga trabaho bilang tagapagmana kaya siya nalang ang inatasan bilang kumatawan sa kanilang bansa. Aminado siya na hindi niya sukat-akalain na matatalo ang bansang Prerradith ng dahil lang sa isang tao---ang nag-iisang prinsesa ng Cyan na ngayon ay prinsesa na tagapagmana ng Thilawiel, ang asawa ng prinsipe na tagapagmana na si Otis Cairon. Ang sinasabi na kinakatakutan din bukod sa ama nito.

Pero ang prinsipyo niya, hindi siya agad maniniwala hangga't hindi niya nakikita kung totoo nga ang balita na naubos nga ang mamamayan at ang pamilyang Imperyal ng Prerradith kaya ang unang reaksyon niya nang una niya itong narinig ay tinawanan lang niya ito kahit na seryoso na ibinalita sa kanila ng kaniyang ama tungkol doon. At ang mas pinagtatawanan niya ay isang babae lang ang nagawang makatalo sa mga Munir.

Kung kaya, kukunin niya ang pagkakataon na ito upang makita niya ang tinutukoy ng karamihan---ang mga mata ng kaluluwa sa pamamagitan ng paligsahan. Gusto niyang mapatunayan na hindi totoo ang mga naririnig niya. Na hindi talaga magagawa ng isang babae na sirain ang isang malakas at malawak na bansa tulad ng Prerradith!

Tumigil siya sa pagbabasa ng libro nang narinig niya ang pagkatok sa pinto ng silid kung nasaan siya ngayon.

"Tuloy!" katamtaman na lakas ng boses niya nang binigkas niya 'yon.

Kusang nagbukas ang pinto. Bumungad sa kaniya ang isa sa mga tagapaglingkod niya. Nilapitan siya nito at tumayo sa kaniyang harap. "Kamahalan," pormal nitong tawag sa kaniya.

"Anong problema?" kaswal niyang tanong pero nagawa pa niyang ibalik ang tingin niya sa binabasang libro.

"May nakita po kaming isang barko na napag-alaman namin na pagmamay-ari ito ng Thilawiel." sagot nito sa kaniya.

Muli siya napatigil sa pagbabasa nang marinig niya ang pangalan ng bansa na binanggit nito. Marahas niyang itiniklop ang hawak na libro. Ipinatong niya ito sa mesa saka tumayo. Hindi na siya nag-abala pa na tingnan ang tagapaglingkod. Nagmamadali siyang dumiretso sa pinto saka binuksan 'yon. Ramdam niyang sinusundan pa siya ng kaniyang tagapaglingkod. Nilapitan niya ang isa sa mga marino ng barko na sinasakyan niya. Gulat itong tumingin sa kaniya. Seryoso niyang nilahad ang kaniyang palad, sinasabi na ipasa sa kaniya ang hawak nitong teleskopyo. Mukhang nakuha naman nito ang ibig niyang sabihin.

Nang ipinasa na sa kaniya ang bagay na 'yon ay agad niyang ginamit ito upang kumpirmahin kung pagmamay-ari nga ba ng mga Cairon ang nakita kanina. Naniningkit ang mga mata niya nang makita niya ang makita nga niya ang isang barkong pandigma sa hindi kalayuan. Napangisi siya, nang sumagi sa kaniyang isipan ang isang ideya. Para sa kaniya ay isang napakagandang ideya...

Tinanggal niya ang teleskopyo mula sa kaniyang mata. Binalingan niya ang kaniyang tagapaglingkod pati na din ang marino na naghihintay sa kaniya. Sumilay ang isang mapaglarong ngisi sa kaniyang mga labi. "Susugurin natin ang barko ng Thilawiel!" malakas niyang utos sa mga kaharap.

Parehong gumuhit sa mga mukha nila ang pagkagulat nang sambitin ang kaniyang kautusan. Hindi nila inaasahan ito. Ang buong akala nila ay ang sadya nila ay pupunta sila sa Azmar para sa malaking paligsahan at lalahok pero bakit umiba ang hangarin ng isa sa mga prinsipe ng Caenleighn? At talagang susugurin pa nila ang isa sa mga pinakamalakas na bansa at pumapangalawa sa Cyan? Napapaisip sila kung ano ang laban nila sa mga ito kung sakaling makakaharap nila ito?

I'm Born as an Eryndor! (Book 1-3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon