Chapter 52

2.7K 168 6
                                    


Sa paglipas ng dalawang linggo ay masyado pa ako naging abala at marami nangyari. Nang napagpasyahan nang bumalik ng Thilawiel ang mag-ama na Cairon ay agad din nila ipinadala sa kanilang tagapagsilbi ang mga listahan na hinihigi ko sa kanila upang mapag-aralan ko ang mga ito habang wala akong ginagawa o hindi kaya may maluwag na oras ako mula sa aking trabaho. Dahil sa mapapagasawa ko na si Otis, dadalo din sila mag-ama sa gaganaping kasal nina Cederic at Ceola.

Todo ang paghahanda ng Kaharian sa engrandeng pagtitipon. Kahit ako ay excited na din na magiging parte na ng pamilya si Ceola. Sino bang mag-aakala na ang dating guro ko ay magiging hipag ko na? Ang mas nakakasaya sa aking pakiramdam ay papakasalan nila ang isa't isa na may kasamang pagmamahal. Walang bahid na politika. So far, naialis ko na sila sa panganib kahit papaano. Bukod pa d'yan, ikinalat na din ni Vencel ang mga imbitasyon sa mga Kaharian na sa ilalim ng Imperyo. Kahit ang Severassi at Oloisean ay imbitado. Teka, alam na din kaya nila na ako naman ang sunod na ikakasal? Hindi bale nalang, malalaman din naman nila 'yon.

Napapansin ko na mukhang nadepress ang mga kapatid ko sa naging desisyon ko na pakasalan ni Otis. Pero si Vencel ay mukhang kalmado sa nangyayari pero napapansin ko pa rin ang pagiging malungkot niya. Hindi man niya nasasabi o pinapakita pero nararamdaman ko. Wala na din siyang magagawa dahil pumayag na ako. Gustuhin ko man sabihin sa kaniya ang pinakarason ko kung bakit ako pumayag ay pinipigilan ko lang din ang aking sarili. Ayoko siyang mag-aalala nang husto, kahit ang mga kapatid ko. At saka, para sa akin, hindi naman ako mapapabayaan nina Emperador Audrick at Otis kung sakaling nasa poder nila ako. Kuntento at panatag na ako.

Tahimik akong naglalakad patungo sa silid ni Ceola. Sa mga oras na ito ay inaayusan na siya para sa gaganapin na pinakamahalagang araw ngayon---ang araw ng kanilang kasal. Hindi na rin ako makapaghintay kung ano ang magiging histura niya.

Nagpasya din ang dalawa na dito sila mismo sa Palasyo magpapakasal imbis sa Cathedral.

Dali-dali akong pumasok sa kaniyang silid. Wala man lang katok. Tumambad sa akin ang babae na nakatalikod. Nasa gilid lamang ang mga maid niya. Mukhang nakahanda na nga talaga siya. Maghihintay nalang siya ng abiso na maaari na siyang lumabas. Suot na niya ang maganda at puting wedding dress. Suot din niya ang mahabang belo. Mukhang naramdaman niya ang aking presensya kaya lumingon siya sa akin. Napasinghap ako nang makita ko si Ceola sa aking harap. Hindi ko mapigilang mamangha. Mas tumingkad pa ang kagandahan niyang taglay ngayon. Maganda naman talaga si Ceola, pero parang ibang Ceola na ang nasa harap ko.

Lihim ako natatawa ngayon sa loob-loob ko. Tiyak na maiiyak sa tuwa si Cederic sa oras na makita niya kung gaano kaganda ang kaniyang mapapangasawa.

"Mahal na prinsesa..." masaya niyang bulalas saka nilapitan niya ako. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. Mahigpit siyang nakahawak. "H-hindi ko alam pero... Parang isang panaginip ang lahat ng ito..." nanginginig ang kaniyang boses.

Mahina akong tumawa. "Masaya ako para sa iyo, Ceola."

Pumikit siya saka yumuko. "Kung alam ninyo lang kung gaano ako kasaya... Kung papaano ninyo kami tinulungan..."

Oh, no. Don't tell me iiyak ka bago ang seremonyas ng kasal? "Huwag ka munang umiyak, Ceola. Saka ka na umiyak kapag tapos na ang kasal." wika ko.

Siya naman ang natawa. "Iyan din ang sinasabi mo sa akin bago tayo mag-uumpisa sa pangangaso, mahal na prinsesa."

Bumungisngis kami. Ngayon ko lang din narealize ang bagay na 'yon. "Binabati kita, Ceola. Alagaan mo nang mabuti si Cederic. Hinihiling ko na sana ay maging masaya ang pagsasama ninyo."

Marahan siyang bumitaw mula sa pagkahawak niya sa akin. Hinawakan niya ang kaniyang palda saka yumuko siya sa harap ko bilang pagbigay pugay sa akin. "Sisikapin ko at gagawin ko po ang lahat upang magampanan ko ang pagiging mabuting asawa ng pangatlong prinsipe, si Prinsipe Cederic, mahal na Prinsesa Styriniana. Ipinapangako ko po din na hindi mapupunta sa wala ang Unibersidad na inihandog ninyo para sa amin."

I'm Born as an Eryndor! (Book 1-3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon