Chapter 82

1.9K 119 4
                                    


Tahimik akong naglalakad patungo sa grand staircase. Nakasuot na ako ng damit na akma sa paglalakbay. Ngayon ang araw ng paglalakbay namin ni Otis patungo sa bansang Azmar, kung saan gaganapin ang papalapit na paligsahan. Though I manage to composed myself, infront of all people in here, deep inside, my excitement were inevitable. Kaya ang magagawa ko lang para hindi ako makangiti nang wagas ay kinagat-kagat ko nang marahan ang dulo ng aking dila.

Tumigil ako nang narating ko na ang grand staircase. Agad lumipat si Nesta sa aking tabi upang umalalay sa akin sa pagbaba. Nilahad ni Nesta ang isang palad niya sa akin habang nakahawak naman ang isang kamay ko sa railings ng hagdan at sabay na kaming bumaba. Nasa likod ko naman sina Faila at Regie pero nakaantabay din sila sa aking pagbaba. Hindi ko sila masisisi na masyado silang maingat sa pag-aalalaga at pagbabantay sa akin. Hindi naman ako masasamahan ngayon ni Otis dahil kasalukuyan niyang kasama ang Knight Order niya para magbigay ng instructions at magbigay ng speech bago kami tuluyang makaalis. Wala rin sina Ramas at Raymound dahil kabilang ang mga 'yon sa kanilang pangkat.

Tulad ng nakagawian, nasa karwahe na ang mga gamit namin ni Otis. Ako mismo ang naghanda at pumili kung ano ang susuotin niya na pampatulog o ng uniporme niya sa pag-eensayo kung sakali. Pagdating naman sa mga sandata na gagamitin niya, siya na ang umasikaso ng mga 'yon. At isa pa, kahapon ay sumadya ako sa mga templo ng Thilawiel upang magdasal para sa tagumpay at kaligtasan ng mga kabalyero ng Thilawiel. Pero kung hindi man papalarin ay ayos lang din sa akin. Maluwag ko 'yon tatanggapin.

"Mama!" sabay na tawag sa akin nina Ceca at Frostine bilang pagbati nang tagumpay akong nakababa. Sabay din sila tumakbo palapit sa akin at sinalubong nila ako ng yakap. "Hindi ka po ba nahirapan sa pagbaba?" tanong ni Ceca.

Marahan kong hinaplos ang kanilang mga buhok. "Hindi naman ako nahirapan. Nariyan naman sina Nesta, Faila at Regie upang alalayan akong makababa." malumanay kong sagot sa kanilang dalawa. "Kayo ba? Nakahanda na ba kayo para sa mga makakalaban ninyo?"

Nagkatinginan silang dalawa. Pareho sila napangiti. Wala pang limang segundo ay ibinalik na nila sa akin ang kanilang tingin. "Opo! Nakahanda na po kami!" mas masigla niyang sagot. "Hindi na nga po kami makapaghintay na makakaharap na namin sila." mukha nga silang excited, nababasa ko sa mga ngiti palang nila. At panigurado ang mga tinutukoy nila ang mga kapwa nilang diyos at diyosa ng iba't ibang Imperyo na binanggit nila nitong nakaraan.

Naputol ang pag-uusap naming tatlo nang dumating na si Emperador Audrick, kasama ang kaniyang bunsong anak na si Prinsipe Hadden at ang pamangkin nitong si Prinsesa Eglantine. Sa tingin ko ay tapos na nilang kausapin ang mga hukbo nila upang magbantay muna ng Palasyo habang wala kami. Sa pagkakatanda ko, ang sabi sa akin ni Otis ay pupunta lahat ng myembro ng Pamilyang Imperyal sa Azmar, pati na din ang kapatid niyang si Prinsipe Mival ay makakarating pero didiretso na ito sa Azmar. Ito ang unang beses na sasabak ang Thilawiel sa mga paligsahan tulad nito at kahit na nagpakita na sila noong pyesta ng pangangaso. Well, dahil din sa panukala ko at pinayagan naman ako ni Emperador Audrick ay unti-unti na din nawawala ang pagkakilala sa kanila ng mga taong nakakakilala sa kanila---bilang ilang na bansa. Masaya na din ako sa nakikita kong development sa bansa, lalo na sa mga pamilyang namamalakad dito.

"Kanina ka pa ba, Prinsesa Styriniana?" pormal na tanong sa akin ng aking biyenan.

Matamis akong ngumiti sa kanila nang humarap ako sa kanila. "Hindi naman po, Kamahalan. Kakarating lang din po namin." magalang kong sagot.

"My rose," rinig ko ang boses ni Otis. Tumingin ako sa kaniya. Kakapasok niya lang dito sa Palace lobby, mukhang tapos na niyang kausapin ang kaniyang Knight Order. Nang nasa mismong tabi ko na siya ay kusang pumulupot ang isang braso ko sa kaniyang braso. Nagtama ang aming tingin sa isa't isa at nagpalitan ng ngiti.

I'm Born as an Eryndor! (Book 1-3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon