Chapter 3

36.7K 738 30
                                    


Chapter 3

Unrecognizable

I picked up my bag together with the files that was compiled in a folder placed on top of my coffee table. Hawak-hawak ko ang aking cellphone sa kanang kamay habang sinusubukang tawagan si Jade. "Come on, answer the call..." bulong ko.

Napatingin ako sa likuran ko nang may marinig akong malakas na pagbagsak. I saw Nica's body fall from the top of my bed down to the carpeted floor. I heard her groaned as she reached for the strands of hair that is covering her whole face. "Nics, get up! We're late for work!" sigaw ko rito.

Nakailang ring pa ang aking cellphone nang hindi pa rin sumasagot si Jade. I decided to call her later and focus on Nica. I ran over to the kitchen and looked for aspirin. Kumuha ako ng isang baso ng tubig at agad binalikan si Nica sa kuwarto. Lumuhod ako sa harapan nito. I placed my palm on her cheek and gave her a light slap.

"Hey, wake up. Drink this. You're going to be late for work if you don't wake up," sabi ko at iniabot sa kaniya ang tubig at gamot.

Umungol pa ito ngunit kinuha rin naman niya ang hawak 'kong gamot. "What time is it?" iritado nitong tanong habang madiin pa ring nakapikit ang mga mata. I raised my hand and looked at the handwatch wrapped around my wrist.

"Seven thirty-eight. Now, hurry up!" sabi ko at kinuha mula sa kamay niya ang baso ng tubig. Our call time is eight in the morning, kaya kailangan niya nang kumilos nang mabilis.

Agad akong tumayo at naglakad palapit sa aparador. I reached for a flower print chiffon top and a simple black pencil skirt. "Get up. I'll wait for you in the parking lot. Be there by seven-fifty. I'll try to call Jade and warn her that she will be late for work too," nagmamadali 'kong paalala rito.

Nang ibalik ko ang tingin ko sa kaniya ay nakaupo pa rin ito sa sahig. Her puffy eyes with evident under eye bags were still gawking on the space in front of her. "Nics, here's some clothes. Ibalik mo na lang sa akin sa susunod," dagdag ko at inilapag ang mga damit sa kama.

Tumango ito at dahan-dahang tumayo. Nang maglakad na ito papunta sa banyo ay agad ko na itong iniwan mag-isa sa loob. Bumalik ako sa labas at nagsuot na ng sapatos. Muli 'kong binitbit ang aking hand bag at mga folder na kailangan 'kong dalhin at pinulot ang aking cellphone.

I tried to call Jade multiple times hangga't sa makarating ako sa parking lot ng building. Agad akong pumasok sa loob ng kotse at iniayos ang mga gamit sa likuran. I groaned when I heard my phone go straight to voice mail. "Jade, you need to get up because you'll be late for work. Nica and I are going," I said and sent the voice mail to her.

Nakahinga ako nang maluwag nang makita 'kong naglalakad na palapit sa kotse si Nica. She's carrying her handbag na gamit niya rin kahapon habang nagsusuklay ng buhok gamit ang kaniyang mga daliri. She opened the passenger's seat and hurriedly stepped in the car.

"Hey, can I borrow your perfume? Hindi na 'ko nakaligo and I feel like I still reek of alcohol. Baka mapagalitan ako ng team leader natin kapag naamoy ako," paalam nito at naghanap ng pabango sa loob ng mga compartment. "Ah, fuck. My head still hurts..." reklamo nito sabay spray ng pabango sa kaniyang damit.

"You're all done? Wala ka na bang nakalimutan?" tanong ko at sinimulan na ang makina ng kotse.

"Yeah. Let's go," sagot nito. Tumango ako at agad pinaandar ang kotse.

This kind of routine is not new to us anymore. Minsan nga ay kaming tatlo pa ang magkakasama sa condo ko na lahat ay may hangover. It usually happens to us maybe once a month? Laging ang dalawa o kaya ay si Jade lamang ang may hangover. Unlike them, I don't drink 'til I drop. Even though I have high alcohol tolerance, I don't like the feeling of being fully drunk. I hate it, especially the feeling of a hangover. Minsan lang talaga ako nagpapakalasing nang sobra. Nilulugar ko rin kasi ang mga ganoong gawain dahil ayaw kong maapektuhan ang aking trabaho. Mahirap mag-concentrate ng mayroong hangover.

An Oath To Take (Imperfect Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon