Chapter 16

22.5K 497 47
                                    


Chapter 16

Office

Muli kong naramdaman ang aking cellphone na nag-vibrate. Agad bumaba ang aking tingin sa aking cellphone. Napangisi ako nang makita ang kaniyang text.

From: Andre Dating App

Follow me.

Agad akong tumingin pabalik sa aking harapan sabay libot ng aking paningin sa buong paligid, pilit na hinahanap ang pamilyar na lalaki sa loob ng malawak na kuwarto. Nang hindi ko ito mahagilap sa buong paligid ay dumapo ang aking tingin sa labasan ng venue. I saw a small part of his familiar blue suit exit the door.

Agad 'kong ibinaba ang aking kamay at dumiretso sa paglalakad sa gawi nina Jade at Nica. They were talking to each other, together with two more employees in the same department as ours. Mabilis ko itong kinalabit sa kanilang mga balikat at agad din naman silang tumingin sa akin.

Pinagtaasan nila ako ng kilay habang nakangiti nang malawak sa akin. "Hmm?" Nica hummed.

"I'm going out. I'll get back later. Don't look for me, okay? Ako na lang ang hahanap sa inyo," paalam ko sa dalawa. Jade gave me a wide smile as she enthusiastically nodded at me. Agad nitong binalik ang kaniyang tingin sa dalawang kausap na katrabaho. Nica's stare lingered longer on me as she kept on giving me a suspicious gaze.

"Okay. We'll just text you if we plan to leave," she said and diverted her attention to the two people talking to them earlier.

Even though they were no longer looking at me, I still gave them a small smile and headed off. Mabilisan akong naglakad papunta sa pintuan at agad naman akong pinagbuksan ng mga guards na nakabantay sa tabi. I gave them a light nod before stepping out of the venue.

Dire-diretso akong lumabas ng venue at agad namang inilibot ang aking tingin sa daan. Because this side of the road is not so crowded with cars and people, it was easy for me to spot Andre. He already crossed the road, and now walking towards the direction of the company building.

Why is he heading there? Anong gagawin namin sa loob ng company building? From what I know, wala naman kaming mapagtatambayan doon at puro opisina't cubicle lamang ang naroon.

Kunot-noo akong naglakad palapit sa tawiran. I immediately walked across the road to catch up to him. I was interrupted when a car suddenly sped past right in front of me. Agad akong napaikit nang madiin sabay hawak sa aking dibdib. Dumoble ang tibok nito nang mapagtantuan kung gaano sila kalapit sa akin upang masagasaan ako. "Hey, watch the road, you assholes!" sigaw ko rito, kahit alam ko namang hindi nila ako maririnig.

Seriously? Do they not have any eyes at all? Kitang may tumatawid na tao, ipipilit pa ring dumaan. Paano na lang kung makasagasa sila? Pananagutan ba nila kung mamatay yung tao?

Inis akong umiling at nagpatuloy na tinawid ang daanan. Nang makalapit ako sa company building ay wala akong nadatnan sa loob nito. There were no guards lurking around the entrance. Lahat rin ng ilaw ay nakapatay. Kahit ang malaking salamin na pintuan ay isang parte lamang nito ang nakabukas.

It looks like it was closed for today. If it was closed, even earlier, why did Andre decide to come here? It even looked like he was the one who opened it. Okay lang bang pumasok sa loob? Baka sitahin ako ng ibanh empleyado.

I shook my head to the side and set aside the thoughts. If ever anyone scolds me for entering the building, then I'll blame Andre for leading me here. He'll for sure be excused as he is the son of the owner of this building.

Dumiretso ako sa loob at nang ako'y makarating sa elevator ay nakitang may gumagamit na nito. I was about to complain that he didn't tell me what floor we were meeting at, when I suddenly felt my phone in my hands vibrated.

An Oath To Take (Imperfect Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon