Chapter 18

33.2K 506 33
                                    

~Klint~

Isang linggo. Isang linggo na akong walang balita kay Sugar. Tangina. Ano ba ko dito? Boyfriend ako diba? E bakit wala akong kaalam-alam kung nasaan siya?

Letseng buhay 'to!

Ilang beses na kong pabalik-balik sa bahay niya pero wala akong dinadatnan. I tried calling her but she's not answering her damned phone! Hindi rin siya pumapasok. Pati yung Vann na yun di ko pa nakikita. Di kaya magkasama sila? Pati na yung Vince na yun? The hell.

Bwisit! Bakit ba ganyan siya? Pinaparamdam niya sakin na wala akong halaga sakanya? Kahit anong tapang at tigas ng ulo ko, nasasaktan pa din ako.

Siya na nga tong hindi sumipot sa monthsary date namin, tapos siya pa ngayon yung di magpaparamdam. Nakakaasar!

That girl, really. Haays.

Hindi ba niya alam na sobra akong nag-aalala? Na sobrang nami-miss ko na siya? Na kahit nagtatampo ako sakanya, mahal ko pa din siya?

Ano na? Hindi ba talaga niya alam iyon?!

Lintik naman oh.

Ganito pala talaga pag nagmahal ka. Di pwedeng di ka masaktan.

Ahh fuck!

"Ayos dre. Mas gwapo na tayo kay captain! Haha Tingnan mo yung hitsura niya. Shit. Ampanget!"

"Manahimik ka nga, Drake. Pag narinig ka niyan bahala ka sa buhay mo!"

"Tss. Kunwari ka pa. Sa isip mo naman niyan sumang-ayon ka."

"Hehehe. Pano mo nalaman?"

"Hoy! Mga lintik kayo! Bumubulong ba talaga kayo ha? Dinig na dinig ko ang pinag-uusapan niyo! Ikaw Drake gusto mong mag-50 laps ha?"

Bwiset yung dalawang iyon. Tama bang pag-tripan ang pagmumukha ko?

"Joke lang, Cap!" agad na sabi ni Drake at inakbayan pa ko. "Kahit magmukha ka pang ermitanyo, ikaw pa rin ang pinakagwapo dito. Pangalawa ako. Hehe"

Napailing na lang ako at tinanggal ang pagkakaakbay niya sakin. Obviously, nasa gym kami ngayon. Practice.

Umupo ako at uminom.

Naramdaman kong umupo sa tabi ko sina Drake at Trev.

"Seriously, bro. Napano ka? May LQ ba kayo ni Sexy Sugar?" Tanong ni Drake.

"Ewan ko."

"Hindi ko pa siya nakikita this week. Hindi rin siya nag-aattend ng practice nila. Ano na kayang nangyari dun?" Ani Trev.

"Wag niyo akong tanungin. Maski ako walang alam." Potek yan.

"Tsktsk. Hula ko, makikipag-break na yun sayo," ani Drake na binigyan pa ko ng tapik sa balikat.

"Shut the hell up, Drake."

Pero bigla akong kinabahan.

Now that her ex is back, there's a big possibility na makipag-break nga siya sakin. Mahal niya pa yung gago eh.

Pano na niyan ako?

"Cap! Tingnan mo! Nag-text si Sugar oh!"

Agad akong napatingin kina Drake at Trev na hawak-hawak ang cellphone ko. Mabilis na hinablot ko yun sakanila.

I quickly read Sugar's text message.

From: My Blade

Punta ka dito sa bahay. May sasabihin ako sayo.

"Hala! Yan na yan dude! Makikipaghiwalay na siya sayo! Hala ka!" - Drake

"Libre ka namin ng alak mamaya, pre. Kawawa ka naman eh." - Trev

Binatukan ko yung dalawang sira-ulo.

Walang kwenta. Sa halip na pakalmahin ako, lalo pa nila akong pinakaba.

Napatingin ulit ako sa text niya.

Ba't ganito? Pakiramdam ko may mali.

Pakiramdam ko tama yung sinasabi nina Drake?

Blade...

You're not thinking of breaking up with me, are you?

~

A/N:

Bitin na naman no? Haha Sorry po. Sa totoo lang kasi, medyo nawawalan na ko ng ganang ituloy to. Ewan ko ba. Bigyan niyo naman akong inspirasyon. hehe

Comment kayo please. T^T Salamat. Hehe



Perfect Couple: A Jerk and A Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now