Chapter 13.1

44.2K 696 25
                                    

~Sugar~

Hindi na kami pumasok nung araw na yun.

Sira-ulong lalaki 'to. Dinamay pa ko sa mga kalokohan niya.

Nagmakaawa siyang mag-date daw kami. At talagang nag-puppy eyes pa ang mokong.

I found that cute kaya pumayag na rin ako.

Pero dahil tinamaan nga siya ng magaling, hindi naman niya alam kung sa'n ako ide-date.

Tinanong niya ko kung sa'n ko gusto.

Ano pa bang isasagot ko kundi...

MALL. 

Kaya yun... pumunta na lang kaming mall.

Nanood kami ng sine (Avengers FTW!!), naglaro sa arcade, kumain, nagpa-picture siya kasama ng mga mascots ng Dunkin' Donuts. He was so weird! 

Kulang na lang isigaw ko na di ko siya kilala. Nakakahiya siyang kasama!

Tumingin-tingin din kami sa mga stalls. At habang ginagawa yun, hawak-hawak niya ang kamay ko.

He intertwined his fingers with mine.

Nakakahiya tuloy. Pano kasi pinagtitinginan kami ng mga tao.

At sa tanan ng buhay ko, ngayon lang ako na-conscious ng ganito.

Kahit anong pilit kong pagtanggal sa kamay ko, di ko maalis. Lalo lang niyang hinihigpitan yung paghawak. Tapos titingnan na naman niya ko, naka-puppy eyes. Tss.

Bumili siya ng couple rings, couple mugs, at couple shirts. Ewan ko ba. Ang arte niya. Para daw mas ma-feel namin na "real" at "perfect" couple na kami.

Nung maggagabi na, inaya ko na siyang umalis. May gig pa ko e. Ilang gabi na din akong di nakakatugtog dun.

"Hoy, Yuzon. Alis na tayo. Tutugtog pa ko," sabi ko.

"Hindi ka tutugtog ngayon. Naipagpaalam na kita kina Jarvs. Pero tara alis na tayo. May pupuntahan pa tayo."

Kaya ayun. Umalis na kami. Kala ko kung sa'n niya ko dadalhin. Sa condo lang pala niya.

"H-hoy! Ba't mo ko dinala dito, ha?" sabi ko.

Hindi pa ko pumapasok sa loob.

"I just want to show you where I live. Pumasok ka na nga dito. I won't rape you, you know."

He was grinning when he said that. Lalo akong nagduda sa paraan ng pagngisi niya.

"Lay one hand on me and I'll break your bones," I warned him.

Tumawa lang siya at umiling-iling.

"Yes, my Queen. I won't lay a finger on you unless you beg me to," he said winking.

Pakakapal talaga. Pero pumasok na din ako.

In all fairness, malinis yung condo niya. Hindi halata sa mukha niya.

"Upo ka muna. May titingnan lang ako sa taas."

Huh?

Alam ko nasa pinakamataas na floor na 'tong condo niya kaya pano'ng may tataas pa? 

"Meron pang isang floor pagkatapos nito?"

"Wala na."

"Eh, ano'ng pupuntahan mo sa taas?"

"You'll know later. If you're thirsty or hungry, go check the fridge. I won't be long," he said and then he left.

I did not probe any further and just looked around his place. His place was spacious and very manly-looking.

Perfect Couple: A Jerk and A Bitch (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon