Chapter 7.2

48.3K 784 24
                                    

READ AND VOTE PO. Thank you. ^.^ 

**

~Klint~

Oh, teka teka! Bago niyo ko pagbabatuhin, gusto ko lang sabihin na hindi ko talaga sinadya yung pagkakahawak ko sa uhm... you-know-what ni Blade.

Pramis talaga! Mamatay man ulit si Stan.

Sa sobrang takot ko kasi hindi ko na napansin kung sa'n-sa'n na napunta yung mga kamay ko.

Alam kong gago ako pero hindi naman masyado...

Ako din nga nagulat e. Kaya pala yung impyerno naging langit. Lol

Akala ko talaga katapusan ko na kanina.

Anyway... Buti na lang may mga nakita akong tao dun sa pinag-iwanan niya sakin kaya nakapagtanong ako kung sa'n pwedeng sumakay ng jeep papuntang FU.

Malapit na lang pala siya nun. Buti na lang di ako na-late sa klase. Sabagay, sanay na din naman akong nale-late.

Engineering ang course ko at nasa huling taon na ko. Yup, I'm smart like that.

Well, Blade is just as smart. She was taking up Architecture - bagay na bagay talaga siya sa akin.

Nang i-dismiss na kami ni prof, agad na umalis ako. Sa totoo lang, wala naman akong naintindihan sa diniscuss niya. Magse-self review na lang ako sa bahay

Pa'no si Blade yung nasa isip ko sa buong durasyon ng klase. Pati na yung di ko sinasadyang gawin sakanya.

Tumakbo ako papunta sa Architecture Building kahit pa pagkalayu-layo non sa building namin.

Hihintayin ko na lang siya sa labas ng classroom nila.

Sumandal ako sa pader at nakinig na lang ng music through my ipod.

Pakiramdam ko talaga ibang level yung kagwapuhan ko eh. Nakasandal lang ako sa pader, pero akala mo may artista.

Pano ba naman, parang hihimatayin yung mga babaeng napapadaan sakin pag natititigan ko.

Tss. Wala sinuman sa kanila yung nakakuha ng interes ko.

Pare-pareho lang silang lahat: BORING.

Buti pa si Blade, ang astig.

Ok. So ba't parang lately Blade na ko nang Blade? Maybe because she was really different? So different that she'd always stand out wherever she went.

She was sassy and opinionated. She knows what she wants and works hard to get it. She was her own woman.

Hindi siya katulad ng iba na puro pagpapaganda lang alam. She has brains, a smoking body, and a beautiful face on top of that.

Maybe this was the exact reason I was fascinated with her - she was no ordinary woman. She does not cling, does not expect anything. Heck! She does not even give a damn about me.

But sometimes I wish she'd treat me like a normal girlfriend would.

Pero nakakapagtaka lang, bakit ba pinapatagal ko pa 'tong relasyon namin? If she didn't want to be with me, then so be it.

Ah. Oo nga pala. Hindi ko pa siya naikakama.

Yeah. Yun nga siguro yung dahilan.

Ay, ewan. Basta alam ko ayaw ko pang makipag-break sakanya.

Nang sa wakas e makita ko na yung hinihintay ko, tinanggal ko na yung earphones sa tenga ko.

Lalapitan ko na sana siya kaso may lalaking bigla na lang din lumapit sa kanya.

Teka... Siya yung lalaking kahalikan niya sa library!

What the fuck is going on? Magkaklase sila?

Nakaramdam na naman ako ng kaunting paninikip sa dibdib, katulad nung naramdaman ko nung makita ko silang naghahalikan.

I clenched my fists, gritted my teeth, and walked toward them.

"Hey. Let's grab lunch together?" sabi nung lalaki.

Gagong lalaki to ah. Hindi ba niya alam na may pagkagwapo-gwapong boyfriend na si Blade?

Aba't! E hanggang ngayon e yung pagiging magkasintahan pa rin namin ang pinakamainit na topic dito sa FU e!

Nang makita kong magsasalita si Blade, sumingit na ko. Baka mamaya pumayag pa siya. Edi naloko na.

"Hindi pwede."

Agad naman silang napalingon sakin. Nakakunot-noo yung lalaki habang si Blade naman ay nakasimangot.

"At bakit hindi pwede? Ikaw ba ako, ha?" sabi ni Blade. 

Naman! Hanggang ngayon ba naman galit pa rin siya sakin? E sa hindi ko naman talaga sinasadya yun e!

"Blade, let's talk. Please."

That's a first. Ngayon lang ako nagsabi ng please sa isang tao.

Hahawakan ko sana yung kamay niya pero inilayo niya yon. Tapos hinarap niya yung lalaki.

"Di kasi ako magla-lunch ngayon. Maybe some other time."

"Oh. Sure," sabi nung lalaki. Ngiting-ngiti pa to. Suntukin kita sa mukha para malagas mga ngipin mo eh!

Tinanguan lang siya ni Blade at pagkatapos ay nauna na itong umalis.

San pupunta yun? Tsk. Bahala na nga.

Agad na sinundan ko na lang siya. Pero iniwanan ko muna ng matalim na tingin yung lalaki.

Feeling niya gwapo siya? Sus. Wala naman siyang binatbat sakin. Di hamak naman na mas gwapo ako. Lamang na lamang ako ng isang daang paligo.

I can't fucking believe there would ever come a time that I'd convince myself that I was more good-looking than anyone.

What the heck is happening to me? It was like I keep on changing every single fucking day.

All because I wanted to keep this game of a relationship - all because I wanted to keep Blade.

~Vann Kaizen~

Nasundan ko na lang ng tingin ang papalayong pigura ni Sugar.

Pagkatapos ay kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan siya.

"I have good and bad news for you," agad na sabi ko nang sagutin niya yung telepono.

"Shoot."

"Good, I've found her. Bad, she has a boyfriend."

A moment of silence for our fallen comrade. 

"Damn you!" he replied, seconds later.

At binabaan na ko ng telepono.

Tsktsk. Kawawang lalaki. Mukhang wala na talagang pag-asang makapag-move on pa siya.

How pathetic.

Buti na lang di pa ko naiinlove. Ayokong mawala sa sarili at pagtawanan ng kung sino. Katulad ng ginagawa ko sakanya.

Nagsimula na kong maglakad papunta sa canteen. Gutom na talaga ako.

Perfect Couple: A Jerk and A Bitch (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon