Special Chapter 3

5.8K 133 21
                                    

~Sugar~

From: Hubby ♥

Wifey. Mahal ko.. Mukhang late na naman ako makakauwi ngayon, sobrang daming ginagawa dito sa kompanya. Biglang nagkasabay-sabay ang mga problema. I'm so sorry, baby. Bawi ako, ok? I love you. Don't wait for me and go to sleep early. Kiss the kids for me! :*

Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko. Lintik kang Yuzon ka. Ako pa ang pagsisinungalingan mo ha?

Problema sa kompanya? Talagang bibigyan kita ng malaking problemang hinayupak ka.

Kitang-kita ng mga mata ko kung pa'nong alalayan ng manlolokong asawa ko ang babae niya sa kotse nito. At sa passenger seat pa talaga niya iniupo ha! Humanda ka saking lalaki ka. Puputulan ko yang kaligayahan mo!

Pinaandar ko ang motor ko kasabay ng pag-alis ng sasakyan nila.

Harurot kung harurot ha, Yuzon? Ikaw na duwag? Kung makapagpaharurot ka ng kotse mo, akala mo hindi nababahag buntot mo! Atat na atat ka na ba sa babae mo ha?

Nakasunod lang ako sakanila hanggang sa huminto ang kotse sa tapat ng isang five-star hotel.

Unti-unting bumagal ang takbo ng motor ko. Pakiramdam ko binagsakan ng isang buong building ang puso ko. Ahh hayop kang lalaki ka.

This is going to be a long night. Buti na lang at napakiusapan ko ang yaya ng mga bata na huwag munang umuwi ngayong gabi at bantayan ang mga ito.

Pinahid ko ang kaunting luhang nakatakas sa mata ko.  Mukhang ayaw talaga ng tadhana na maging bida ako. Matagal-tagal na rin naman akong naging mabait. It's time to bring the bitch back.

Pagkapasok nila sa hotel, agad na sumunod na din ako. Patago kong pinakinggan kung saang room sila didiretso. At ang walanghiya sa pinakamahal na room pa sila! Penthouse pala ha?! 

Dumiretso ako sa CR pagkatapos non. Magpapalit ako ng damit at mag-aayos. Natural! Alangang humarap ako sakanila na mukhang losyang?

To hell with them! Kahit tatlo na ang anak ko, my figure will still make the damn models nowadays a run for their money.

Nagpalit ako ng hapit na hapit na red dress at five-inch red heels. Inalis ko sa pagkakapusod ang buhok ko at hinayaan ko lang ang kulot kong buhok na dumausdos sa likod ko. I did my makeup and put on my sexiest red lipstick. I literally look like the she-devil in the flesh!

You jerk. Seems like you've missed this damn bitch. I will make you squirm and beg on your knees, you'll see!

Lumabas ako ng CR at dali-daling pumunta sa elevator para sorpresahin ang taksil kong asawa.

It's showtime, hubby!

~Klint~

"She's following us, Sir."

In-adjust ko ang rear view mirror at napangisi ako. Nasa likod ng sasakyan at nakasunod sa amin ang napakaganda kong asawa - angkas ng motor niyang dapat dati pa ay dinispatsa ko na.

She had no right to be this hot damn it!

"Please call the hotel and tell them to make sure that everything has been prepared."

Ang babaeng kasama ko ngayon ay ang bodyguard ni Drake, ang kulang-kulang sa turnilyong kaibigan ko na hiniram ko saglit para magpanggap na "babae" ko. Siya lang ang hindi pa nakikilala ni Sugar dahil kamakailan lang itong na-assign bilang bodyguard ni Drake.

Perfect Couple: A Jerk and A Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now