Chapter 23

36.5K 494 21
                                    

~Klint~

Good morning, people! Hohoho! *insert sobrang luwang na smile here*

Hayyy, life! Why so beautiful?

Ang bading ko nga yata talaga.

Oh well. Hayaan na. Masaya naman!

Ang sarap sa feeling ng in love! Pero mas masarap yung feeling na mahal ka ng mahal mo. Yeah, baby! :))

Kinuha ko yung phone ko. Ite-text ko lang ang dyosa kong girlfriend.

To: My Blade ♥

Maganda ka pa sa umaga, mahal ko! Gising na! I'll pick you up, okay? Love you! *torrid kiss* :D

After ilang seconds, may reply na siya. Himala. Aga niyang nagising ngayon?

From: My Blade ♥

Corny mo. -_- Talagang maganda ako sa umaga. Haha Love you too! Ingat sa pagda-drive.

Walanghiya yan! Gusto kong magmura! Tanginaaa. Kinikilig ako.

May emoji at haha na yung text niya. Iba yung nagagawa ng pag-ibig ko!

Leche! Ayaw mabura ng ngiti ko. :)) Nakangiti ako habang nakatutok sa shower yung mukha ko. Damn it. Sana araw-araw ganito. :D

~Vann~

Naglalakad ako ngayon papunta sa classroom. Iniwan kong tulog si Kuya, puyat na naman yun sa paglalasing kagabi. Tsktsk.

"Bitawan mo nga yung kamay ko!"

"Ayaw."

"Eh bakit ba? Leche. Nakakahiya kaya!"

"Ikinakahiya mo ko?"

"Gago. Hindi lang ako sanay. Tss."

"Pwes, masanay ka na. Masyadong sweet at gwapo ang boyfriend mo."

"Ang kapal mo."

"Honest lang."

Hmm. Mukhang totohanan na 'tong kina Sugar at Yuzon, ah.

Oh, my pitiful big bro.

Maasar nga tong Yuzon na to. Makaganti man lang kahit papano para sa Kuya ko.

"Hey! Sugar!"

Agad naman silang napatingin sakin. Tinanguan ko si Yuzon.

"Yuzon."

"Torres."

"Oy, Vann. Kumusta?" singit naman ni Sugar.

"Ayos lang. Ganda natin ngayon, ah." Nagsalubong naman yung kilay ni Yuzon. Tss. Possessive freak.

"Duh. Must you really state the obvious?" Nakataas ang kilay na sabi naman ni Sugar. "Anyway, si Vince... kumusta na siya?"

"Ayon, naglaslas na."

Binatukan niya ko.

"Nagtatanong ako nang maayos, ah." Nagpipigil naman ng tawa sa tabi niya si Klint.

"Well, hindi pa siya okay. But he'll get over it. Hopefully."

Nakita ko namang medyo nalungkot si Sugar. Oh well, at least it's nice to know that she still cared for my brother.

"Babe, male-late ka na. Tara na," sabi ni Yuzon.

"Ah, right. Uhm. Vann, una na kami."

"Sige. Papunta na din naman ako sa klase ko."

"Sige, pre," ani Yuzon.

"Ge."

"Please take care of Vince for me, okay?"pahabol na sabi ni Sugar.

No wonder baliw na baliw si Kuya sa babaeng 'to. She's bitchy, alright, but if one could only see beyond that, there's more to her than meets the eye. She has a good heart.

"Sure will."

"Thank you, Vann," she said before walking away with Klint.

Kailangan na talagang makapag-move on ni Kuya. Hmm. What if I set him up on blind dates?

Pwede. Kaso, pumayag kaya yun?

Tch. Bahala na nga.

~Vince~

Pagkagising ko, wala na si Vann. Malamang pumasok na yun. Naligo lang ako at nagbihis tapos umalis na rin ako.

Huminto muna ako sa isang grocery store at bumili ng isang dosenang lata ng beer. Mukhang magiging bestfriend ko 'to for a long time.

Pagkatapos bumili, nagmaneho lang ako nang nagmaneho hanggang sa makarating ako sa isang tahimik na lugar. Isang lugar na may napakatarik na bangin.

I parked my car and then went out, taking the beer with me. Saka ako umupo sa hood ng kotse ko.

Ang dami kong gustong isipin pero puro na lang si Sugar ang pumapasok sa utak ko. Maybe I'm crazy. Di ko na alam. Basta gusto ko na lang matanggal itong sakit na nararamdaman ko.

I'm not blaming Sugar for choosing that guy over me. Ako naman yung unang nang-iwan. Ako din naman yung may kasalanan.

I can feel tears running down my face. Tss. Ilang beses na ba kong umiyak? Kainis. Sana lang yung pag-iyak na 'to e nababawasan yung sakit eh. Pero di naman. Tss.

Tumayo ako at pagkatapos ay sumigaw.

"SHOOEY!! MAHAL NA MAHAL KITA!!! ANG LAKI KONG TANGA PARA IWAN KA! NGAYON TULOY AKO DIN YUNG SOBRANG NASASAKTAN! ARGHH!!!! AYOKO NA!!!"

At napaupo na lang ako at nagsimula na namang umiyak.

Damn. Nakakasawa na.


~

A/N:

Ayan! Nakapag-update ulit! Haha Bigyan lang natin ng mas maraming exposure yung magkapatid. Hehe :))

Vann sa gilid.. :)

Vote and comment. Thank you. God bless ^_______^

FirstLoveLasts


Perfect Couple: A Jerk and A Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now