Chapter 8.3

45.1K 787 58
                                    

~Sugar~

Pagkatapos ng pagkakalat ni Klint sa The Bar, hinatid niya ko hanggang sa bahay.

Tulad ng dati, naka-motor ako, siya nakakotse.

"You want to come in?" tanong ko sa kanya nung makarating kami sa bahay.

"Wow. My voice did you good, huh."

Hindi na yata talaga mawawala ang kakapalan niya.

"Gusto mo ba o hindi?"

Sandaling nag-isip siya.

"Hmm.. Wag na muna..."

Nainis ako. Ayaw niya, di wag!

"K," sabi ko saka siya tinalikuran at binuksan yung gate.

"Blade."

"What?!" asar na lingon ko sakanya.

"For you..." at inilabas niya ang isang gumamela. Na halata namang pinitas niya sa mga halaman ni Aling Lydia, katapat-bahay ko.

Lumapit siya sakin, tapos inilagay niya sa tenga ko yung bulaklak.

Tapos inayos niya yung buhok ko.

"Pretty," he said smiling.

Naramdaman ko yung unti-unting pag-iinit ng mukha ko.

"Pasensya na kung di muna ako pwede ngayon. Napagod ako sa pagkanta, e. At alam kong napagod ka din sa pakikinig sa maganda kong boses. But I promise, gagawin din natin iyon soon."

Okay. Nagets ko yung sinabi niya.

Hinampas ko siya sa dibdib.

"Mag-isa ka!" He just laughed and then bumalik na siya sa kotse niya.

"Night, Blade," sabi niya. 

"Hey, jerk," tawag ko sakanya bago pa siya makapasok sa kotse niya.

Naglakad ako palapit sakanya.

Pagharap niya sakin, I stood on tiptoe and kissed him on the cheek.

"Thank you." Then I turned my back on him.

Nag-iinit yung pisngi ko.

Lalakad na sana ako pero biglang hinila niya ko.

All of a sudden, his lips were on mine. My heart skipped multiple beats.

Fuck. Ano bang ginagawa sakin ng lalaking 'to?

"Bitin eh," he said grinning.

Tapos sumakay na siya sa kotse niya at pinaharurot na yun paalis.

Nasundan ko na lang yun ng tingin tapos pumasok na ko sa bahay. A smile curved my lips.

~Klint~

Hindi matanggal-tanggal yung maluwang na ngiti sa mga labi ko hanggang sa makauwi ako.

Pagkatapos kong maligo, I put on my boxers and turned the aircon on.

Kinuha ko yung cellphone sa side table ko at pagkatapos ay nahiga na ko.

Pagkabukas ko ng phone, 30 new messages yung bumungad sakin. 

Puro mga texts ng di ko kilalang number at mga ex ko yung nandun.

Hindi ko na binuksan isa-isa at binura ko na lahat since wala namang kahit isa na galing kay Blade.

Tiningnan ko yung wallpaper ko, mukha ni Blade yung nandon.

Yun yung picture na kinuhanan ko pagkatapos ko siyang halikan at nanlaki yung mga mata niya.

Perfect Couple: A Jerk and A Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now