Chapter 27

36.7K 541 37
                                    

~Sugar~

"Do I really look okay?" tanong ko ulit kay Klint. We're on our way to their house and I will finally meet his father.

Nung sinabi niyang ipapakilala niya ko sa daddy niya, ewan ko pero bigla akong kinabahan. Syempre, alam ko na they are not in good terms dahil nga sa nangyari sa pamilya nila.

Naisip ko, pa'no kung hindi ako magustuhan ng daddy niya? Pa'no kung maulit samin yung nangyari noon samin ni Vince? Pano kung paghiwalayin kami ni Klint? Natakot ako. At sinabi ko yun kay Klint.

But he assured me na kahit anong mangyari, magustuhan man ako o hindi ng daddy niya, hindi niya ko iiwan. And that calmed me down. I trust him. Iyon ang isa sa mga natutunan ko dun sa nangyari sa relasyon namin ni Vince.

Pero heto ako ngayon, at kinakabahan na naman. Kainis.

"For the nth time, babe, you look beautiful, okay? Stop fidgeting. You're distracting me," sabi niya habang patuloy sa pagda-drive.

Mokong na to! Para namang siya hindi kinabahan nang bongga nung ipinakausap ko siya sa mommy at daddy ko. Mukha nga siyang natataeng ewan nun eh.

Kainis. Eh ako, talagang makakaharap ko pa yung dad niya!

Sinimangutan ko siya at nanahimik ako.

Ilang minuto pa at huminto na ang kotse sa harap ng isang napakalaking bahay. Mayaman ang mokong.

Napatingin ako sa kanya. At ang hudyo! Nakatingin lang sakin, at ngiting-ngiti! Mukhang nae-enjoy ang pagkabahala ko!

"What? Wag mo nga akong tinatawanan!"

"Oh? Who's laughing? Not me. ;)"

Argh!

"Ewan ko sa'yo!"

Tinanggal ko yung seatbelt ko at akmang bababa na ko nang hawakan niya yung kamay ko.

"Look, babe.. Don't be nervous, okay? Just be yourself and you're gonna be fine. Ikaw pa!" sabi niya.

"But--"

"No more buts.. Trust me, okay? We're in this together. Kahit anong mangyari, di kita iiwan. Hmm?"

Then, he got out of the car at umikot siya papunta sa side ko.

He held out his hand..

"Tara na?" he asked smiling.

Buti na lang gwapo 'to. Dahil sa ngiti niyang yun, napanatag ako. Huminga muna ako nang malalim bago ko hinawakan yung kamay niya.

Pinisil pa niya yung palad ko and then he entwined our fingers.

"Ready?"

I gave him a confident smile and nodded.

Kaya ko 'to! Para san pa't naging maldita ako, di ba? I was and still am a tough girl.


~Klint~

Kahit hindi sabihin ni Blade, alam kong kinakabahan pa rin siya. Namamawis yung kamay niya eh. Haha

Kung alam lang niya, ako din kinakabahan. Ang tagal ko na ding hindi umuuwi dito. Kaya hindi ko alam kung anong kahihinatnan nitong ginagawa ko.

Pagkapasok namin ng bahay, sumalubong samin si Nana Celia.

Tinanong ko kung nasa'n si dad at sabi niya eh nasa study room ito. Tsk. Hanggang ngayon, puro trabaho pa rin?

Pinaupo ko muna si Sugar at pinahatiran ng meryenda at saka ako nagtungo sa study room.

Perfect Couple: A Jerk and A Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now