Chapter 10.1

42.8K 679 39
                                    

~Sugar~

Pagkatapos ng halikan namin na yun ni Klint sa gitna ng kalsada, medyo naging close na kami. Oo medyo lang.

Days passed, and our relationship changed for the better.

Sabay kaming pumapasok sa school, sabay kaming mag-lunch, sabay umuwi. Pati nga sa gig lagi ko na siyang kasama.

Minsan siya na yung pinapatugtog ko at ako na lang yung kumakanta. Baka mapaaga ang end of the world kapag kumanta ulit siya.

Naging close din siya kina Jarvis. Giit niya, kailangan sumasama siya sa mga katulad niyang gwapo.

Seryoso sobrang hangin niya!

Nasanay na akong lagi ko siyang kasama.

Oo, mapang-asar pa rin siya... At manyak. Walang araw na lumilipas na di niya ko ninanakawan ng halik.

Ako namang si malandi, nagpapahalik. Mahangin man siya, pero I must admit, masarap siyang humalik so why would I deprive myself?

Hindi ko alam kung ano'ng matatawag sa relasyon namin ni Klint. Pero I'm sure, sooner or later, this will come to its end.

Masaya ako pag kasama ko siya. Kaya siguro for now, i-eenjoy ko muna to.

Tomorrow be damned. Bahala na kung anong mangyayari sa hinaharap.

Kasalukuyan, papunta ako sa gym.

He texted me earlier na hindi kami magsasabay mag-lunch kasi may practice yung men's varsity team ng 11am.

12pm na pero dahil hindi pa naman ako gutom at mamayang 2pm pa yung next class ko, napagpasyahan kong puntahan na siya. Baka patapos na rin naman sila niyan.

Pagpasok ko sa gym, agad na naglingunan yung mga players. Mukhang tapos na nga yung practice.

Agad na hinanap ng mata ko si Klint but he was nowhere to be found.

"Hey you," tawag ko sa isa sa teammates ni Klint. 

"Yes? What can I do for you Sugar dear?" aniyang nakangisi.

God. Ba't ba nagkalat yung mga bwisit sa mundo?

"Where's that jerk?" tanong ko.

"Jerk who? You need to be specific, Miss. Marami kami."

And he grinned again. I looked around. Nakangisi din yung iba pa.

No doubt, kalahi nga ni Klint ang mga to.

"Klint Yuzon, the King of all Jerks," sagot ko.

"Look around. Do you see him anywhere?"

Nakakapikon ah. Pinitserahan ko siya.

"Look, Mr. I-Don't-Give-A-Damn-Who, just tell me where the hell he is, ok?"

He didn't answer and kept on grinning.

The hell.

"Hey, Drake, stop that. You're pissing the lady off. Lagot tayo kay Klint pag nalaman nya ito."

Binitawan ko yung tinawag na Drake at hinarap yung nagsalita.

A chinky-eyed, smiling, cute guy greeted me.

"Nasa locker room si Klint, Miss. Pe--"

"Thanks," I muttered, cutting him off, and started walking toward the locker room.

Pero iniwanan ko muna ng isang dirty finger yung Drake.

"Teka, Miss!" tawag niya pero di ko siya pinansin.

Perfect Couple: A Jerk and A Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now