Chapter 13.3

42.5K 649 30
                                    

~Sugar~

Pagkatapos naming sumayaw, pinagtabi namin yung mga upuan namin at tumingin na lang sa kalangitan.

Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na maririnig ko ulit yung mga salitang yun mula sa isang tao.

I love you, Blade.

I love you, Blade.

I love you, Blade.

I love you, Blade.

Paulit-ulit na naririnig ko yan sa utak ko.

I know I should have answered him back but the problem is.. I can't.

Well, at least, not yet.

Alam ko may nararamdaman ako sakanya. Pero ewan ko ba. Parang may kung anong pumipigil sa akin na aminin iyon.

Natigil ako sa pag-iisip nang hawakan ni Klint yung kamay ko.

He entwined his fingers with mine, and I can feel my heart beating so fast again.

Tiningnan ko siya. Di naman siya nakatingin sakin. Basta hawak lang niya yung kamay ko tapos nilalaro-laro. Nakatingin lang siya sa langit, and he was smiling.

Para bang kontento na siya kahit na tahimik lang kami.

Since di siya nakatingin sakin, I had the chance to stare at him.

I have to admit, gwapo talaga siya. May basehan naman yung pagyayabang niya.

His eyes were coal black. Ganun din yung kulay ng buhok niya na bagsak at may kahabaan nang konti. His nose stood proudly on the middle of his face, proud and aristocratic. And his lips... yung mga labing yan na mahilig magnakaw ng halik. I can't help smiling as I remember that. Well, yung lips niya.. Hmm. Pinkish and soft. Very soft. Malambot pa nga yata sa labi ko eh.

"Di kaya ako matunaw niyan?" tanong niya nung humarap siya sakin. That stupid grin never leaving his face.

I didn't say anything. Mas tinitigan ko siya. Mas gwapo pala siya pag naka-side view. Haha De joke lang.

Mas gwapo siya kapag nakaharap at magkalapit na magkalapit yung mukha namin - yung nakikita ko yung sarili kong repleksyon sa mga mata niya.

Hindi ko alam kung anong klaseng kaluluwa ang sumapi sakin but I just found myself touching his face with my left hand. Hawak niya nga kasi yung right hand ko di ba?

And then very slowly, his stupid but cute grin began to fade. Medyo nanlaki yung mata niya and he just stared dumbfoundedly at me. Parang hindi siya makapaniwala na hinawakan ko yung mukha niya.

Tiningnan ko siya nang diretso sa mata.

"K-K-K..." Shit.

I can't say his name!

Klint.

Sa utak ko naman nasasabi ko siya. Tss. Nasanay na yata ako masyado sa pagtawag sakanya ng jerk.

I cleared my throat.

"Yuzon," Ah, better.

Ngumiti siya. Mukhang alam niyang hindi ko kayang bigkasin yung pangalan niya.

"Yes, honey?"

Ang dami naman niyang endearment sakin. 

"Why me?" tanong ko.

"Ha? Anong why you?" takang tanong niya.

Ay, ang engot.

Tinampal ko yung mukha niya saka ako umayos ng upo. Asar naman. Yun lang di niya naintindihan? Ang hirap kayang itanong nun!

Perfect Couple: A Jerk and A Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now