Chapter 8.1

47K 966 17
                                    

~Klint~

Agad na sinundan ko si Blade.

"Baby! Sandali lang!"

Ni hindi man lang niya ako nilingon.

Then out of nowhere, bigla na lang lumitaw si Cindy.

Remember her? The girl I broke up with over the phone?

"Babe!" Then she kissed me on the lips.

Naku naman! Agad ko siyang inilayo sakin.

"Damn it, Cindy! Ba't mo ginawa yun?"

Tapos tinanaw ko si Blade. Di ko na siya makita. Shit.

"I miss you.."

"Well, I don't."

Niyakap niya ko.

"Please, don't do this. Come back to me, Klint."

Eto ang pinakaayaw ko sa lahat... ang magmakaawa ang mga babae para lang balikan ko sila. Tss.

Tinanggal ko yung mga braso niyang nakapulupot sa bewang ko.

"When I say it's over, it really is. Goodbye, Cindy."

And I turned to go after Blade.

"Bakit? Mas magaling ba sa kama yung bitch na ipinalit mo sakin?"

Nagpanting yung tenga ko. Look who's talking.

Hindi ko gusto yung pagtawag niya ng bitch kay Blade. Because I know, she meant it. Ako, kahit na tinatawag kong bitch minsan si Blade, pabiro lang.

Binalikan ko si Cindy and glared at her.

"Wag na wag mong pagsasalitaan ng masama ang girlfriend ko... Because Cindy, compared to her, you are nothing."

I know she was hurt by what I said.

Napaawang yung mga labi niya. And then tears started to form in her eyes.

Tinalikuran ko na siya.

"No one dumps Cindy Sanchez. No one. You'll pay for this, Klint Yuzon. I swear, you'll pay for this. You and your bitch of a girlfriend."

Natigilan ako. Her voice is dead serious.

"Oh yeah? I'm scared," I mockingly retorted and started to walk again.

Gusto ko lang ipakita sa kanya na hindi ako natakot sa banta niya.

Pero sa totoo lang, I feel threatened.

Not for myself. But for Blade.

My Blade.

Damn it. Ba't ganito na lang ang pag-alala ko para sa kanya?

Nagpatuloy ako sa paghahanap sakanya pero di ko siya makita.

Hinanap ko siya sa library, dun sa pinagdalhan ko sakanyang fire exit ng library, wala.

I tried the parking lot.

Wala yung motor niya.

Shit! Sa'n kaya nagpunta yun?!

Kinuha ko yung cellphone ko. Tatawagan ko na lang siya.

Pero pag minamalas ka nga naman, battery empty pa!

Naihilamos ko yung dalawang kamay ko sa mukha ko at napasabunot pa sa buhok ko sa sobrang frustration.

Letseng tsansing yun. Perwisyo yung dinala sakin! E di ko naman sinadya. Tae talaga.

~Sugar~

Pagkatango ni Vann sa pagtanggi ko sakanya, umalis na ko.

Ayoko munang makita at makasama ang bwisit na si Klint. 

Naaasar pa rin ako sa ginawa niya. Kahit pa sabihin niyang di niya yun sinasadya.

At ang mas kinaaasar ko, e yung reaksyon ng puso ko pagkakita ko sakanya.

My damn heart wouldn't stop from beating so fast.

Traydor na puso!

Alam ko ang pinapahiwatig nito.

But I wouldn't dare to succumb to its foolishness again.

I made that mistake once. And there's no way in hell am I gonna repeat it.

"Baby! Sandali lang!"

Hindi ko pinansin ang pagsigaw niya. I continued walking.

Pero nang mapansin kong parang wala nang sumusunod sakin, I looked back.

At nakita ko siya..nakikipaghalikan sa isang babae. Wait. Hindi lang yun basta babae.

That was Cindy, his ex.

Ang walanghiya! Ang kapal ng mukha niyang puntahan pa ko para sabihing mag-usap kami tapos nakita lang yung ex niya, nakipaglandian na!  

Nagpupuyos yung kalooban na umalis na ko.

I am not fucking jealous! 

Pumunta ako sa parking lot at sumakay sa motor ko.

There was only one place that could calm me right now.

Pinaharurot ko yung motor papunta sa lugar na yun.

After 15 minutes, nasa mall na ko. 

 Yep. Mall. Kala niyo kung sa'n no?

Ganito talaga ako. Pag sobrang badtrip na sa mundo, magmo-mall ako, mag-isa.

I decided to watch a movie first.

Bumili akong ticket and went inside to watch The Hunger Games.

Puro couples yung nasa sinehan.

Some were even making out. Gross.

Pasalamat sila wala ako sa mood manira ng relasyon ngayon.

I tried to concentrate on the movie.

Maganda. But it made me wonder, how could they fall in love when their life is on the line?

Kahit na sukang-suka na ko sa mga magkasintahan sa paligid ko, pilit ko pa ring tinapos yung movie.

Pagkatapos manood ng sine, pumunta ako sa arcade at naglaro.

Siyempre unang-una kong nilaro e, basketball. Tapos video games. Car racing. Guitar Geek. Dance Maniax. Etc.

Nang mapagod at magutom ako pumunta ako sa Jollibee.

After eating, nagpahinga muna ako sandali.

At exactly 7pm, I left the mall. Gig time.

Pero ang hindi ko alam, meron palang malaking sorpresang naghihintay sakin...

***

A/N:

At bibitinin ko muna kayo. ^w^ Siyanga po pala, i-click niyo na lang po yung vote pag like niyo yung chapter. Kahit di na po mag-comment.

But if you want to do both, pwedeng-pwede po. Hehe

VOTE IF YOU LIKE THE CHAPTER. Thanks po. :)

Love y'all, readers.

Peace. One Love. <3

^w^

Perfect Couple: A Jerk and A Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now