Chapter 7.1

48.5K 814 49
                                    

~Sugar~

Pagkapasok ko sa classroom, agad na tumahimik yung mga kaklase ko. Wala akong pinansin ni isa sa kanila. Sinundan naman nila ko ng tingin hanggang sa makaupo na ko sa upuan ko.

Dun ako sa pinakadulo nakapwesto malapit sa bintana. Wala akong seatmate, although may isa pang bakanteng upuan sa tabi ko.

Natural, iwas silang lahat sakin. Takot na ipahiya ko sila. Oh well, mas okay sakin yun.

Kinuha ko yung ipod ko at isinalpak sa tenga ang earphones habang hinihintay kong dumating yung prof.

Kasabay ng pagsisimula ng kanta, ay ang panunumbalik sa alaala ko ng mga nangyari kanina...

*Flashback*

Nang habulin kami ng mga pulis dahil sa overspeeding at di pagsusuot ng helmet, wala na akong choice kung hindi idaan sa shortcut na alam ko ang motor. Di ako nakaramdam ng anumang kaba o takot.

Sanay na ko, eh. In fact, ang sarap ng pakiramdam ko. Kahit na ba halos mabingi na ko sa kakasigaw ng lalaking nasa likod ko.

Seryoso. Para siyang batang may ADHD.

"Goodbye, Philippines! Goodbye, world!"

Pinigilan kong matawa. The fuck. Di ko akalaing ang naturingang jerk ng FU e isang malaking duwag. Grabe.

Lalong humigpit yung pagkakahawak niya sa bewang ko nang isampa ko yung motor sa pader.

"Paalam, bayan kong sinilangan!"

Ihulog ko kaya to? Ang corny niya e.

Nang pababa na yung motor, bigla ko na lang naramdaman na may kung anong nakapatong sa dibdib ko.

What the flying fuck?!

His hands are on my boobs! What the hell!

Natsansingan na naman ako ng manyak na 'to!

Pagkatapak na pagkatapak ng motor sa lupa agad akong nagpreno.

Nag-slide pa yung motor na dahilan ng pagkatanggal ng kamay niya sa dibdib ko.

Nang tumigil na yung motor, bumaba ako at tinulak siya.

"You pervert! Ang manyak mo talaga! Don't you ever go near me again!"

Mukhang wala siya sa sarili niya. Nakatingin lang siya sa magkabilang palad niya at putlang-putla.

"We-we-we-wait! What?! I didn't know... that it was your.." tiningnan niya ulit yung kamay niya tapos ako. "y-your..uhm.."

Bago pa niya masabi ang dapat niyang sabihin, binara ko na siya.

"Don't. You. Dare!"

"Look! I'm sorry, alright? Di ko talaga alam! I was so damn scared I didn't know what I was doing! Akala ko nga nasa impyerno na ko e!"

"Shut up!"

"C'mon, Blade. Pakinggan mo muna ako. That was my first time to ride a motorbike. And I didn't know you were an exhibitionist. Di ko talaga yun sadya, swear. Peksman. Mamatay man si Stan."

Medyo nabaghan naman ako sa sinabi niya. Still, galit pa rin ako. He just touched my freaking boobs!

Sumakay ulit ako sa motor at ini-start na yon.

"Wait! Iiwan mo ko dito?!"

Duh? Obviously?!

Bago pa siya makasakay, pinaharurot ko na paalis yung motor. Bahala siya sa buhay niya.

*End of Flashback*

Aah! Erase! Erase! Kinikilabutan ako pag naaalala ko yun.

Pero... Nakarating na kaya siya dito sa school?

Hindi ako concerned, okay? Ayaw ko lang may biglang tumawag sakin na pulis at sabihing nasa prisinto yung lalaking yon.

Natigil ako sa pag-iisip nang magsiupuan na yung mga kaklase ko. Mukhang nariyan na yung prof namin.

Tinanggal ko yung earphones sa tenga ko at inilagay yung ipod sa bag.

Napataas yung kilay ko nang sabihin ng prof namin na may bago kaming kaklase.

Naghiyawan yung mga kaklase ko. Ako naman e napangisi.

Alright! May bago akong bibiktimahin!

"Mr. Torres, pumasok ka na."

Torres?

Biglang kumabog yung dibdib ko. Hindi kaya... No. Imposible. Yup. There was no fucking way they're related.

Pumasok na yung tinawag na 'Mr. Torres'.

Imagine my shock when the guy I kissed at the library went inside our room. Siya nga yon!

Torres? Kaya pala bigla kong naalala si... Ugh. Bad word. Hindi sila magkaanu-ano. Magkaapelyido lang sila, period.

Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-isip. Hindi ko na pinakinggan yung pagpapakilala niya. Kinuha ko yung notebook ko at nag-doodle ng kung anu-ano.

Natigil lang ako nang may lumitaw na kamay sa harap ko.

"Hi. I'm Vann Kaizen Torres. 'Pleased to meet you, honey."

Ayos ah. Ang lakas ng loob niyang lapitan ako.

Tiningnan ko muna ang mga kaklase ko. Lahat sila may pagtataka sa mukha, although yung mga babae e halatang naiinis. At para lalo silang mainis, matamis na nginitian ko si Vann at inabot yung kamay niya.

"Same here. By the way, it's Sugar."

Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya. I bet he's smitten, tsk, too easy.

"Nice name." And then he kissed the back of my hand. Napa-ooh naman yung mga kaklase ko.

Pasimpleng inalis ko yung kamay ko. Isa din tong pasimpleng manyak, eh.

Tss. Boys.

"'Mind if I sit beside you?"maya-maya ay tanong nito.

"No. Not at all."

Okay. So ngayon palang ako parang nakipagkaibigan sa lalaki. Kung matatawag ngang pakikipagkaibigan to. Ewan ko ba. Parang ang gaan ng loob ko sa kanya.

Nang matapos na ang klase namin, agad na tumayo ako at umalis na. Pero agad na nakaagapay sakin si Vann.

"Hey. Let's grab lunch together?"

Bago pa ako makapagsalita, may sumingit na.

"Hindi pwede."

It was Klint.

Perfect Couple: A Jerk and A Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now