Chapter 9.2

44.2K 1K 44
                                    

~Klint~

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Blade. Kakalabas lang namin ng bahay niya.

Simangot na simangot siya. Halatang naiinis pa rin sa pambubulabog ko sa kanya.

Haha! Ang cute niya talaga!

Hindi ko nga alam kung ano'ng pumasok sa utak ko at naisipan kong ayain siyang mag-jogging.

Basta nang malingat ako kanina at tingnan kung ano'ng oras na sa cellphone ko, nakita ko yung mukha ni Blade.

Di ba nga siya yung wallpaper ko?

Tapos yun. I just found myself smiling. Yun na yun.

Maybe I just wanna be with her.

Ewan ko. Para kasing ang dull ng araw pag di ko siya nakita.

And what a way to start my day...

Yung nakabusangot niyang mukha yung makikita ko. ^___^

Yung pinaka-cute na expression niya! Lol

Tahimik lang kami habang naglalakad.

Napahinto lang ako sa paglalakad nung huminto din siya at humarap sa'kin.

"Ba't ba kasi kailangan nating mag-jogging?" nakasimangot pa ring tanong niya.

Pinipigilan kong mapangiti.

"You know, kung ayaw mo talaga, ba't ka sumama?" pang-aasar ko.

Pinanlisikan niya ko ng mga mata. Pero hindi siya sumagot.

"Ayaw mo lang aminin, gusto mo rin niyan akong makasama sa pagja-jogging, e."

"Damn you."

I grinned.

Haay.. Ang pikon niya talaga. :))

Akma na siyang tatalikod at babalik na sa bahay niya pero agad ko siyang pinigilan.

"Oh, ba't babalik ka pa? Nakabihis ka na nga't lahat, e. Nahiya ka pa sa gwapong 'to."

Tinanggal niya yung pagkakahawak ko sa braso niya.

She then swung her one arm and was about to punch me.

Buti na lang mabilis yung reflexes ko at naiwasan ko yun.

"Hahaha! Di niya ko tinama--"

*Boogsh!*

Nasuntok ako nung isang kamao niya!

"You were saying something?" she said.

Tapos inayos na niya yung headphones sa ulo niya at nagsimula nang tumakbo.

Ako naman e nakatingin lang sakanya.

Syete. Bakal ba yung kamay niya?

Ang sakit niya manapak!

Sumunod na rin ako sa kanya.

Sinabayan ko siya habang tumatakbo pero walang nagsasalita saming dalawa.

But the silence was somehow comforting. It was not awkward im any way.

It's as if anywhere with her is comfortable. It was like she became my comfort zone.

Shit! What the heck am I saying?

Dahil sobrang aga pa, wala kaming mga nakasalubong na mga tao.

It felt like we were the only people in the world.

Napatingin ako sa kanya.

May butil-butil na ng pawis sa noo niya saka sa ilong niya.

Tapos napatingin ako sa lips niya, parang bumubulung-bulong siya, sinasabayan niya siguro yung kanta.

Perfect Couple: A Jerk and A Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now