Chapter 16

35.9K 531 39
                                    

~Sugar~

Dumaan pa ang ilang araw. Wala ni anino ni Vince ang nagpakita pa ulit sakin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung magsasaya ba ko o madidismaya.

 “Ang gwapo yata ng iniisip mo. Ako yan no?”

I looked up and saw Klint grinning down at me.

Napailing na lang ako.

“Tss. Spell asa, Yuzon,” pambabara ko.

He chuckled and took the seat beside me. Nasa gym ako ngayon at nagpapahinga. Kakatapos lang ng practice namin sa basketball.

“Oh. Inom ka muna.”

Kinuha ko yung bote ng mineral water na inabot niya.

“Thanks,” tipid na sabi ko.

Makalipas ang ilang sandali, hindi ko na siya narinig na magsalita. That’s a bit unusual. Alam ko at niyo na bukod sa pagiging hari ng kamanyakan, ay hari din siya ng kadaldalan.

Tiningnan ko siya para malaman kung bakit di na siya nagsalita.

Ganun na lang yung pagkabog ng dibdib ko nang makita kong diretso siyang nakatingin lang sakin.

Nakipagtitigan din ako sakanya.

I don’t know why… Pero iba talaga tumitig itong mokong na ‘to. Ang seryoso eh. Yung tipong di mo talaga mababasa kung ano yung pinapahiwatig ng tingin niya.

“What?” tanong ko na nang di ko na matagalan pa yung titig niya saka ako umiwas ng tingin at uminom.

Maya-maya pa eh may naramdaman akong dumampi sa pisngi ko.

Napatingin na naman tuloy ako sa kanya.

He was wiping the sweat off my face. And then, he smiled.

“Date naman tayo bukas, oh,” he said then pouted.

Gusto kong matawa sa hitsura niya. Kanina lang sobrang seryoso ng hitsura tapos ngayon para siyang bata na naka-pout pa.

Maasar nga.

“Will you stop pouting? Seriously, you look like a freaking janitor fish.”

And in...

One.

Two.

Three.

“What the hell?!”

Boom.

Napikon na. I was trying so hard to keep myself from laughing and kept my poker face.

Naramdaman kong tumayo siya.

Nabigla na lang ako nang bumalandra yung mukha niya sa harap ko.

“Sabihin mo nga! Paano nagmukhang isda ang ganito kagwapong mukha at ganitong ka-cute na pout, ha?” Tapos nag-pout uli siya.

Ako naman napatingin na lang sa mukha niya.

Tae. Ang kyut nga niya.

Pero hindi ko sasabihin yun. Lalo lang siyang magyayabang.

Hindi na lang ako nagsalita. I just shrugged.

"Hmp. Ay, teka. Di ka pa sumagot. Date tayo bukas, ha? Ha?" pangungulit pa niya.

Bakit ba ang kulit niya ngayon?

Tumango na lang ako. Medyo nakokonsensiya din naman ako kasi di ko siya masyadong pinapansin magmula nung magpakita ulit si Vince.

Nagulat na lang ako nung bigla niya kong yugyugin.

"Oh? Di nga? Talaga?"

"Ano ba?! Gusto mong bawiin ko?!" sigaw ko sabay tanggal ng kamay niya sa balikat. Letse to.

Ngumiti lang siya.

"Sensya na. Na-excite lang." Sobrang luwang ng ngiti niya.

Tsss. Seriously. Eto ba talaga yung Klint na nagpapaluha ng mga babae? Langya. Parang bata.

Pero habang ngiting-ngiti siya, di ko rin maiwasang mapangiti. Nakakahawa eh.

Ang kyut kasi. Tss.

LATER THAT EVENING...

Text message from Klint:

Goodnight, baby! Yung date natin bukas wag mong kalimutan ha? The Bar. 8pm. Sige. I love you! Dream of me! :*

Ano bang meron at sobrang excited niya?

I typed in my reply.

Ok. Good night.

Pagka-send niyon, nahiga na ako. Pinagod ko talaga yung sarili ko para agad na makatulog ako ngayon at di na mag-isip pa ng kung ano-ano.

I am too tired to think about Vince. About his return. About everything.

KINABUKASAN...

7:30 PM

Paalis na ko ng bahay. Di applicable sakin yung dapat nagpapa-late yung mga babae. Kaartehan lang yun. Don't they know the word punctuality?

Men are also people. And people in general hate wasting time.

Nakakapagtaka lang bakit di ako sinundo ni Klint ngayon.

But whatever.

Pasakay nako sa motor ko nang biglang mag-ring yung cellphone ko.

Vann

calling...

Napakunot-noo ako. Ano na namang kailangan nito? Di ko sinagot at hinayaan kong tumigil sa pag-ring. Pero wala pang limang segundo e tumunog ulit yon.

Kaya ayoko man, sinagot ko na din.

"What?"

"Si Kuya... Sugar, please pumunta ka dito sa ospital!"

I was speechless.

Pero ramdam na ramdam ko yung mabilis na pagtibok ng puso ko.

Shit.

Toffy...




-----------------------------------------------------------

A/N:

Hello! May readers pa ba ko? Huhuhu sorry po sa sooooooooooobrang tagal na pag-update. Katam kasi. hehe >.>v saka walang inspirasyon. hohoho

anyways... sareh ulit kasi maikli.

yan lang nakayanan.

holo! pano na niyan yung date nila Klint at Blade?

tsktsk. epal ni Vince, no?

ang epal ko din. mehehe

VOTE. COMMENT.

thanks ^w^

- F2L











Perfect Couple: A Jerk and A Bitch (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon