Chapter 3.2

54.9K 898 14
                                    

~Sugar~

"Sigurado ka ba sa narinig mo?"

"Oo. Mamayang 10am yung laban nila ni Klint. Grabe. Papanoorin ko 'yon!"

"Ako din!"

"The Jerk and The Bitch? That one-on-one game would be something!"

"I bet!"

Lintik na buhay 'to. Wala na bang ibang alam pag-usapan ang mga taong 'to kundi ang laban namin ni Klint mamaya?

Pati dito sa CR yun yung usapan. Fucking losers.

Pagkaalala ko sa hudyong Klint na 'yon, kumulo ang dugo ko.

Letse siya!

*Flashback*

Kung meron man sa mundo ang mahal ko bukod sa basketball, iyon ay ang pagtugtog at pagkanta.

At oras na kumanta na 'ko, wala na akong pakialam sa mga nangyayari sa paligid ko. Kaya nga pumipikit ako pag kumakanta eh.

Pero kahit kelan hindi ko naisip na sa gitna ng pagkanta ko eh may maglalakas ng loob na istorbohin ako para lang halikan!

Sobrang nagulat talaga ako nang bigla na lang akong halikan ng impaktong Klint na yon!

At sa harap pa talaga ng maraming tao!

Nakangiti pa siya pagkatapos niya kong halikan. His thumb was busy touching my moist, and maybe swollen, lips. He almost sucked the life out of me, this fucking jerk!

"Sweet," he said grinning.

Kumukurap-kurap ako para mabalik sa huwisyo. Lintik! Bakit ba ako natulala? It's not as if this was my first kiss!

"Fuck you!" mahina pero may diing sabi ko. Ni hindi siya nainis. Lalo pang lumuwang ang ngiti niya! Buwisit talaga!

Inilapit niya ulit ang mukha niya sa mukha ko.

I felt a sudden thud in my chest.

Tangina naman. Ba't ba ganito nararamdaman ko? I cannot possibly be attracted to this insufferable guy, can I?!

Tutuhurin ko na sana siya dahil akala ko hahalikan niya 'ko. But he just simply whispered something in my ear.

Kinilabutan pa ako sa pagdampi ng hininga niya sa maselang parte ng tenga ko.

"Fuck me then."

What the hell~?!

"Pervert!!" sigaw ko saka siya tinulak ng malakas. He didn't even move.

He just answered back with a  stupid grin.

Napatingin ako sa mga tao na biglang nanahimik. Silang lahat e maang lang na nakatingin samin.

"What are you all staring at?!" sigaw ko.

Hindi sila natinag. Patuloy pa din sila sa pagtitig sakin. Letse!

"But I think bukas na lang natin gawin yung sinabi mo kanina. Kapag girlfriend na kita," rinig kong sabi ng talipandas na lalaking to.

Tiningnan ko siya. No one has ever dared to humiliate me like this.

"Shut up and go straight to hell, jerk!"

Inalis ko yung pagkakasukbit ng gitara sa katawan ko at umalis na ko sa stage. Wala akong pakialam sa mga nakasunod na tingin sakin ng mga tao. Sanay naman na akong pinagtitinginan.

Dire-diretso akong nagpunta sa parking lot. Nakasunod pa rin sakin si Klint.

Nanggigigil na hinarap ko siya.

"What the hell do you want?!"

"Tama ba itong nakikita ng mga magaganda kong mata? The Queen Bitch is losing her composure because of a guy? Oh, scratch that... mouth-watering, overly gorgeous guy?"

Ang kapal!

Hindi ko siya pinansin. Sumakay na ko sa motor ko. Pero ang walanghiya, humarang pa talaga!

"Umalis ka diyan," nagtitimping sabi ko.

"I told you to practice, didn't I?"

"Umalis ka sabi diyan!"

Hindi niya pa rin ako pinakinggan. He even moved closer to the motorcycle, closer to me. Pinaglapit niya yung mukha namin. Wala akong suot na helmet kaya naman halos maduling na ko sa sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa.

"I hope you're not forgetting about our game tomorrow, sweetie," nakangiting sabi niya.

Tiningnan ko siya nang tuwid sa mata.

"I'm not. Now, get the fuck away. Kung ayaw mong sagasaan kita."

He smiled, looking very satisfied.

"Good. See you tomorrow, Blade," he said before giving me yet another kiss. He instantly moved away after kissing me.

Nagtatagis ang mga bagang na tiningnan ko siya. Ngiting-ngiti ang walanghiya! Nakaisa na naman siya!

AHHH! CREEP!

"Staring is rude, sweetie."

I scoffed. Duh.

I started the engine.

"And by the way, what's the flavor of your lipgloss? Was it cherry? Or strawberry?" 

Aba't! Talagang iniinis ako ng isang to ah! Pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ko dapat ipakita sakanya na pikon na pikon na ko. I took a deep breath.

At katulad ng lagi kong ginagawa.. Itinaas ko lang ang kanang kamay ko at binigyan siya ng dirty finger.

"Be prepared to lose tomorrow, asshole," I uttered before speeding away.

*End of Flashback*

At yun nga ang nangyari. Ang kapal ng pagmumukha niya!

He stole not just one, but two kisses from me! Oo. Alam ko kapag naka-trip ako, e hahalikan ko kahit na sino. Because I know I am superior.

Pero ang ayoko sa lahat e yung nanakawan ako ng halik! Dahil pakiramdam ko under ako! And I fucking hate that! 

Makikita ng bwisit na 'yon! Ipapahiya ko siya sa buong school!

"Sa tingin mo, sinong mananalo?"

"Ewan. Pero baka si gwapong Klint!"

"Baka. Lalaki kasi siya e. Saka magaling talaga siyang mag-basketball, di ba?"

"Pero magaling din naman si Bitch. I'm sure hindi magpapatalo yon."

"Sabagay..."

Lumabas na ako sa cubicle. 

Bumakas ang pagkabigla sa mukha ng dalawang babae.

Tiningnan ko sila nang matalim.

"I will fucking win, bear that in mind," malamig na sabi ko at lumabas na.

Perfect Couple: A Jerk and A Bitch (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon