Valentine's Special

5.3K 123 11
                                    

-KLINT-

"Woah, dude! Seriously, narito ka pa?"

Napaangat ako ng tingin sa lalaking bigla na lang pumasok sa office ko.

"Ano na namang ginagawa mo rito, Draco?" naaasar na tanong ko kay Drake.

Buti na nga lang at wala ang kakambal nito sa gulo na si Trev kung hindi siguradong mawawala na talaga ako sa focus.

"Masama bang bisitahin ang paborito kong Team Captain?"

"Ako lang ang naging Team Captain mo, gago."

Bumunghalit siya ng tawa.

"Maiba ako... bakit ba narito ka pa rin sa malungkot na opisina mo?" tanong niya at naupo kahit na hindi ko siya pinaupo.

"At bakit ka rin narito sa opisina ko? Tinakasan mo na naman si Rika."

He just shrugged.

"As my guard, it's her duty to find me when I'm missing. Hmm... let me guess, nag-away kayo ni Sugar, 'no?"

Sinamaan ko siya ng tingin nang ngisihan lang niya ako.

"Oh-ho! Seriously?"

I sighed.

"She won't let me buy her flowers. Won't let me buy her chocolates. She does not want to let me do a damn thing for today!"

Oo, seryosong iyon ang pinagtalunan namin kagabi. Nabitin pa ako sa romansa namin kainis.

Tumayo si Drake at pagkatapos ay tinapik ako sa balikat.

"Dude, have you ever thought that maybe it wasn't all those things that she wanted? Maybe she just wanted you and your time?"

Napatingin ako kay Drake.

"Akalain mong may nasasabi ka naman palang matino?" tanong ko bago ako mabilis na tumayo.

Bakit hindi ko naisip na yun nga ang dahilan?

I was showering Sugar and our kids with gifts, but I have not been spending as much time with them.

Naging busy ako sa kompanya at ni hindi ko napansin na ang presensiya ko ang mas kailangan nila higit pa sa anumang regalo.

Without a word, I dragged Drake with me and we went out of my office.

~~~

Pagkauwi ko sa bahay, katahimikan ang sumalubong sa akin.

"Wife? Kyla? Kyle! Kali?" isa-isang tawag ko sakanila pero walang sumasagot.

Inikot ko ang buong bahay at binuksan ang mga kwarto pero wala sila.

Iniwan na ba nila ako?

Bumilis ang tibok ng puso ko kaya dali-dali akong nagpunta sa kwarto namin ni Sugar at binuksan ang closet para tingnan kung naroon pa ang mga damit niya.

Pero ganoon na lang ang sorpresa ko na hindi lang ang mga damit niya ang naroon kundi si Sugar mismo.

And what's more... she was wearing a fucking nurse's uniform!

Napaatras ako at napalunok nang bigla siyang maglabas ng syringe at itutok yun sa akin.

"B-babe... w-what is this?" sabi ko at patuloy sa paglalakad nang paatras.

"You have been neglecting me and our kids, Yuzon. What do you want me to do?"

"Blade baby, I'm here. Babawi na ako, pangako. Just please, take that away."

Perfect Couple: A Jerk and A Bitch (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora